Tintin POV Kahit anong pilit kong iwaksi ang nakita ko sa opisina ni Andrew ay hinding hindi talaga siya mawala sa utak ko. Alam ko namang na kaibigan lang ako para kay Andrew, alam ko rin kahit paano ang tungkol sa ex girlfriend nito pero iba pala talaga kapag sinampal ka na ng katotohanan sa harapan mo. Pakiramdam ko ay kinalog ng malakas ang aking ulo para magising sa aking kahibangan. Tama si Andrew. 22 years old na nga ako pero hindi pa rin ako nakakawala sa 17 years old Tintin na na-inlove sa kanyang ultimate crush. Hindi ako nag grow at nabubuhay pa rin ako sa isang fairy tale na binuo ko at si Andrew ang aking prince charming. Mapakla akong napangiti nang marealized ang aking kahibangan. Okay Andrew, masakit mang aminin pero tama ka. Napaka-childish ko. Tama ka na sa una pa lan

