Tintin POV Dali-dali kaming tumayo. Mas nauna ako kay Andrew na lumapit sa nagliliyab na unan. Hindi ko ito mahawakan dahil nag-aapoy, nagpanic ako kaya mabilis ko itong sinipa para mailayo sa kandila. Pagsipa ko ay natabig ko rin ang kandila na bumagsak sa sahig. Natulala na ako sa sobrang takot at hindi ko na alam ang gagawin. Nakita ko na lang na inihagis ni Andrew ang isang basang towel sa ibabaw ng nag-aapoy na unan. Mabilis na naapuhap ang apoy dahil sa ginawa nito. Binuksan ni Andrew ang ilaw sa loob ng silid. Samantalang nakaupo pa rin ako sa sahig. Nakahinga na ako ng maluwag, ganunpaman ay ninenerbyos pa rin ako dahil sa takot na naramdaman ko kanina. Hawak hawak ko ang aking dibdib na walang tigil sa pagkabog habang habol pa rin ang aking hininga. Nakatayo sa harapan ko si A

