Tintin POV Pansin ko lang na kanina ko pa hindi nakikita si Andrew simula ng dumating kami sa farm. Narinig ko sa usapan nila donya Agatha at Mutya na umalis ang mag-aama para silipin ang farm. Maya maya pa ay dumating na ang tatlo. Agad na sinalubong ni donya Agatha ang asawa. Dire-diretso naman si Drake papalapit kay Mutya at masuyong hinalikan ito sa labi na parang ang tagal nilang hindi nagkita. Akala mo ay palaging bagong kasal ang dalawang ito. Habang pinapanood ko sila ay naisip kong parang ang sarap siguro na may asawa na kasundo mo at mahal na mahal ka. Yung sasalubungin mo ang pagdating niya at miss na miss nyo na ang isa’t isa. Nakaramdam tuloy akong ng inggit sa dalawang pares na nasa harapan ko. Para tuloy akong nakaramdam nang kakulangan. Napalingon ako sa may gilid ko at

