Andrew POV Saglit akong tumingin sa aking relo, may 30 minutes na akong naka-park di kalayuan sa condominium. Sa tingin ko ay sapat na ang oras na ‘to para paghintayin siya. Kinuha ko ang aking cellphone at nagtype. Nang matapos na ako ay pinindot ko ang send button. Napangiti ako dahil ilang segundo pa lang ay nakareceived na agad ako ng reply. Pababa na daw siya. Hindi ko muna itinago ang aking cellphone dahil may kailangan pa akong tawagan, may hinihintay lang ako. Wala pang limang minuto ay lumabas na sa building ang taong inaasahan ko. Halatang nagmamadali ito at kitang kita ang excitement sa kilos at mukha nito. Hindi ko mapigilang mapangiti muli. May tinawagan muna ako at mabilis naman itong sinagot. “Andyan na siya. Yung nakadilaw na tshirt.” wika ko sa aking kausap. “Okay bo

