Tintin POV “Honey?!?!” Gulat na sabi ni Andrew. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin kay Gray na ngayon ay nakalapit na, sunod ay tumingin ito sakin. Inirapan ko sya pagkuway ngumiti ako kay Gray. “Hi Gray.” bati ko sa kanya ng makalapit na ito sa amin. “Hi Honey!” maaliwalas ang mukha nitong nakangiti sa akin. Saglit itong sumulyap kay Andrew nang marinig ang boses nito. “What did you say? Bakit tinatawag mo syang honey?” kunot noong tanong ni Andrew kay Gray. “Eh ano naman ngayon sayo?” masungit kong sabi. Ano bang pakialam niya? “Why!” giit ni Andrew na mukhang hindi titigil hanggat hindi nasasagot ang tanong niya. Tumawa ni Gray sa naging reaksyon ni Andrew. “Her name is Honeylet.” ani Gray. “And?” si Andrew na kunot noo pa rin. “I asked her if I can call her Honey..,

