Tintin POV Pagkalabas ko sa silid ng pasyente, malayo pa lang ay tanaw ko na agad aking mga kasamahang nurse na tila may pinagkukumpulan nurse station. Kitang-kita ko sa kanilang mga mukha ang excitement at kasiyahan. Bigla akong nacurious kung anong nagyayari kaya lumapit ako para maki-usyoso. Nang makita akong papalapit ng mga kasamahan ko, sabay-sabay silang ngumiti. Sinenyasan nila ako na bilisan ko ang paglalakad. Kaya naman, patakabo akong lumapit. “Ano kayang merun?” excited na tanong ko "Eto na babaeng sobrang haba ng buhok." sabi ni Maricel, na may hawak na kahon ng donuts. "Oi, para sa'yo ito," sabi pa ni Nurse Jeff, na may bitbit na tray ng kape. "May nagpadala ng donuts at cafe latte dito sa department natin." anito “Saken?” nagtataka kong tanong habang papalapit sa kani

