Andrew POV Nais ko sana siyang sundan sa condo nito ngunit may nakaschedule pa akong dapat operahan. Ano ba naman kasi ang iniisip ni Natalia para isipin na okay lang na gawin niya yun at bakit sa lahat ng pagkakataon ay saka pa dumating si Tintin? Nakablocked ako sa cellphone niya kaya alam kong galit ito sa akin. Nang bumalik ako sa opisina ay nagpapasalamat ako dahil wala na dun sa Natalia. Kinuha ko sa drawer ang isa ko pang cellphone, na ginagamit ko para sa trabaho. Ilang beses kong sinubukan tawagan ang kanyang numero pero unattended naman ito kaya nagsend na lang ako ng text messages. Where are you? It’s not what you think. Can we talk? I can explain. Mag-usap tayo. Out na ako at lahat sa trabaho ay hindi pa rin sumasagot si Tintin. Unavailable pa rin ito ng tawagan ko.

