Chapter 6

1113 Words
"Malapit na pala ang prom natin no?" Sabi ni Sab habang kumukutkot ng mani na binili niya kanina sa labas ng paaralan namin. "Ang advance mo, ilang buwan pa kaya." Sabi ko naman habang binubuklat ang libro namin sa physics. Nag-aadvance reading na ako kasi wala naman akong magawa ngayon. "Hoy, dalawang buwan na lang kaya." Pagdadahilan pa ni Sab na kinailing ko na lang. Super excited naman nitong si Sab. Nakailang beses na siyang mention sa akin tungkol sa prom namin na ikakatuliling ko na lang. "Malapit na din ang final examination natin." Paalala ko sa kanya na kinasama niya ng tingin sa akin. Natawa naman ako, kung malapit na ang prom namin ay ibig sabihin lang na malapit na din ang final examination namin kasi magkalapit lang ang date ng dalawa. Tinutok ko na lang muli ang paningin sa pagbabasa ng libro ng marinig ko ang mahinang pagtili ni Sab kaya agad kong inangat ang paningin ko sa kanya. "Shemay, ang pogi niya talaga Cahya." Sambit ni Sab at may pakagat-kagat pa sa labi ang gaga. Napailing na ako at tinignan kung saan nakatutok ang mga mata niya ngayon. Lumingon ako at agad na nahuli ng mga mata ko si Mr. Alterio na may hawak-hawak na libro habang naglalakad papunta sa direksyon naming dalawa ni Sab. Nakaupo kasi kami ngayon sa mga tables sa labas ng library, pag sa loob kasi kami tumambay bawal ang pagkain kaya dito na lang kami sa labas para makapagdaldal din daw si Sab sa akin. Napakunot ang noo ko na madaming mga babaeng studyante ang lumalapit kay Mr. Alterio. Kitang-kita ko ang nga malamyos nilang tingin sa kanya na kinaliit ng mga mata ko. "Ang lalandi nila ah." Nanggagalaiti na sambit ni Sab. Parang sinaboses ni Sab ang nasa isip ko ngayon. "Mabuti na lang di sila pinapansin ni Sir." Natatawang sabi ni Sab. Napansin ko din na di masyado binibigyan ng pansin ni Mr Alterio ang nga babaeng studyante na puro make up ang mukha at ang iiksi ng palda para kitang kita ang legs. Napangiti na lang ako habang nakatingin ng maigi kay Mr Alterio na papalapit na sa pwesto namin. Nakatingin ng maiigi? Pakiramdam ko ay nag-iinit ang mukha ko ngayon sa naiisip. Naalala ko na naman ang realisasyon ko noong nakaraang araw. Crush ko siya. "O ba't namumula ang mukha mo?" Malakas na sabi ni Sab. Dahil nakatingin ako kay Mr Alterio ay nakita ko ang pagtingin niya sa gawi namin. Siguro narinig niya ang sinabi ni Sab tungkol sa pamumula ng mukha ko. Bigla akong napatingin kay Sab at pinanlakihan siya ng mga mata. Bakit kailangan niya pang tanungin iyon? "Masama na naman ba pakiramdam mo? Nahihilo ka na naman ba? Ang init mo." Malakas muling sabi ni Sab habang dinama niya ang noo ko at kinumpara niya sa noo niya. Napayuko na lang ako habang ginagawa niya iyon. Nakakahiya talaga. Lalo atang namula ang mukha ko, minsan talaga gusto kong lagyan ng scotch tape ang bibig nitong si Sabrina sa daldal niya tapos ang lakas pa ng boses ng babaitang ito. Gusto kong paypayan ang sarili ko ngayon pero hindi ko magawa lalo na't malapit na sa amin si Mr Alterio. Napansin ko ang bulto niya sa tabi ko, nakikita ko ang pamilyar na itim niyang sapatos at black slacks niya. Binaba niya ang libro niya sa mesa namin na kinalaki ng mga mata ko. "Masama na naman pakiramdam mo?" sabi niya gamit ang malalim niyang boses. Sobra talagang manly ng boses niya na bumabagay sa kanya. Narinig ko ang mga bulong-bulungan sa paligid, nanggagaling doon sa mga babaeng di pinansin ni Mr Alterio kanina. Dinama niya din ang noo ko kaya nanlaki ang mga mata ko habang nakayuko pa din. Hindi ko kayang itaas ang mukha ko para harapin siya. Nahihiya talaga ako. "Ang init mo nga. Nilalagnat ka ata." Sambit niya sa akin. Napatayo ako at humarap sa kanya. "Maayos po ang pakiramdam ko. Wag kayong mag-alala. Sab, punta muna akong library. Isasauli ko na muna itong libro." Pagkasabi ko ay lumingon ako kay Sab habang nanlaki ang mga mata. Hindi pa niya ata nakuha ang sinabi ko dahil kumunot pa ang noo niya sa akin. "Diba kakakuha mo lang iyan kanina?" Naguguluhan niyang tanong sa akin. Nakita kong nakatingin lang sa akin si Mr. Alterio kaya wala na akong nagawa kundi kunin ang libro. "Nabasa ko na pala ito. Papalitan ko na lang ng iba. Sige po, Sir." Mabilis kong paalam at kulang na lang tumakbo ako papasok ng library para makalayo sa kanila. Nakahinga lang ako ng maayos ng nasa section na ako ng Calculus books. Huminga ako ng malalim, at muli akong huminga ng malalim dahil pakiramdam ko ang bilis pa din ng t***k ng puso ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Nakakapanibago lang dahil hindi ko pa ito naramdaman sa iba, crush ko pa lang siya pero parang lalabas na ang puso ko sa kaba. "What are you doing?" "Ay palakang bukid." Bigla kong bulaslas ng marinig ko ang isang boses sa aking likuran. Boses pa lang, alam ko na kung sino ang nasa likuran ko. Narinig ko ang mahina niyang oagtawa na kinalingon ko. Jusko, malalaglag na ata talaga ang puso ko nito. "Sir, binibigla niyo ako." Nakasimangot kong sabi sa kanya. Habang siya ay nakangiti lang sa akin. "Wala ka ngang sakit." Tinitigan niya ako ng maigi pero nakangiti pa din siya sa akin "Sabi ko kasing ok lang ako e." Pagmamaktol kong sabi. Nakasimangot ako habang nakatingin sa kanya. Napakagat ako sa labi ko ng marealize ko kung anong sinabi ko. Nagmaktol talaga ako sa harap niya. "You're adorable." Lalo siyang ngumisi sa akin na mas kinapula ko ata dahil tumaas ata ang lahat ng dugo sa mukha ko. Tinalikuran niya na ako habang ako nakatitig sa likuran niya habang naglalakad palayo sa akin. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Napayakap ako sa libro ko ngayon, nanggigil ako sa sarili ko dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko pagkaharap ko siya. Kinuha ko na lang ang kailangan kong libro at muling bumalik sa kinauupuan namin ni Sab. "O ba't ang tagal mo sa loob? At ba't dala-dala mo pa iyang libro? Sabi mo ibabalik mo na 'yan?" tanong niya sa akin. "Nakalimutan ko," simple kong sagot sa kanya. Muli niyang dinampi ang kamay niya sa noo ko, siguro tinignan niya kung mainit pa rin ako. "Bakit kaya ang init-init mo kanina?" tanong niya sa akin na kinailing ko na lang. "Exaggerated mo lang mag react kasi, wala naman akong sakit." Sinamaan ko siya ng tingin dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina. "O namumula ka na naman," inosenteng pamumuna sa akin ni Sab. Hindi ko na pinansin si Sab at kinuha ko na lang ang librong babasahin ko. Nasa isip ko pa rin ang nakangiting mukha ni Mr. Alterio. Kailangan matabunan ng iba ang naiisip ko ngayon kundi di ako makakapagfocus buong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD