Chapter 5

1034 Words
Nakatingin ako ngayon kay Mr. Alterio na nakangiti at nakatingin kay Nanay na naglalagay ng madaming kanin at ulam sa plato ni Mr Alterio. "Nanay, napaka dami naman ata niyan?" Natatawang sabi ni Kuya Jayson. Lahat kami ay nakatingin kay Nanay na sobrang inaasikaso si Mr Alterio ngayon, si Tatay ay nakangiti lang habang umiiling kay Nanay. "Oo nga 'Nay, baka hindi maubos ni Mr. Alterio 'yan lahat." Segunda ko naman ngunit hindi ako pinansin ni Nanay. Napatignin ako kay Mr. Alterio na halatang pilit ang pagngiti habang nakatingin sa plato niya na malabundok ang kanin at ulam. "Nako, nilagyan na kita ng maraming kanin at ulam. Pasasalamat ko rin ito sa'yo hijo dahil sa pagtulong sa anak ko." Magiliw na sabi ni Nanay na naupo na sa upuan niya. Siguro si Sab na naman nagkwento kina Nanay at Tatay na ilang beses na ako tinulungan ni Mr. Alterio. Grabeng sakto naman kasi, pag nandoon siya ay parati akong nawawalan ng malay. "Nay, ako ba 'di mo lalagyan?" Sabi ni kuya na kunwari nagtampo dahil 'di nilagyan ang pinggan niya. "May mga kamay kayo. Hijo, hala kain na." Mabilis namang binaba ni Kuya Jyason ang pinggan niya na kinatawa ko na lang. Kahit anong pacute kay nanay talaga, di effective. Walang nagsalita sa amin ng ilang minuto ng biglang nagtanong si Tatay kay Mr. Alterio. "Hijo, saan ka pala nakatira?" Tanong ni Tatay habang kunukuha ng ulam. "Sa kabilang bayan po ako nakatira." Magalang naman na sagot ni Mr Alterio habang kumakain.  Nahuli niya akong nakatingin sa kanya, ngumiti siya sa akin kaya mabilis kong binaba ang tingin ko sa pagkain ko. Hindi ko alam bakit nahihiya ako na ewan. "Nako, malayo pala ang biyahe mo araw-ataw. Mabuti may kotse ka." Sambit ni tatay habang si Nanay ay nakikinig lang sa pinag-uusapan nila. "May pamilya ka na ba hijo?" Biglang tanong ni Nanay.  Nabigla ako sa tanong ni Nanay pero nacurious naman ako sa isasagot ni Mr Alterio. Agad na bumaling ang tingin ko kay Mr. Alterio. "Wala pa po." Naiilang na sagot niya kay Nanay. Napatango naman si Nanay pero sinundan niya agad ng tanong. "Girlfriend, meron ka?"  Binaba ni Mr. Alterio ang kutsara na dapat isusubo niya para sagutin si Nanay. Sumubo na akong muli habang napapatingin kay Mr. Alterio at nag-antay ng isasagot niya. "Wala din po e." Nahihiyang sagot ni Mr Alterio. Mula kay Nanay ay napunta ang tingin niya sa akin kaya mabilis kong binaba ang tingin ko sa pinggan ko. "Kumain ka ng maayos Cahya." Puna ni Kuya sa akin, napatingin ako sa kanya na may nakakalokong ngiti. Binaling niya ang tingin sa akin at nginuso si Mr Alterio balik sa akin. Nanlaki ang mga mata ko dahil naiintindihan ko ang sinasbai niya. Siniko ko siya ng mahina, iyong hindi mahahalata nila Nanay. "Bakit wala? Napaka-gwapo mong binata tapos wala kang girlfriend." Tanong pa ni Nanay. Hindi ko maintindihan kay Nanay bakit panay tanong siya tungkol sa lovelife ni Mr Alterio, para siyang reporter ng showbiz though hindi ko maikakailang interesado naman akong nakikinig sa mga isasagot niya. Curious din ako bakit wala siyang girlfriend. "Wala pa po akong oras pa sa ngayon." Mabilis niyang sambit habang sumusubo ng ulam. Gusto kong matawa habang nakatingin sa pinggan niya na parang hindi nababawasan dahil sa dami na nilagay ni Nanay. "Baka may hinihintay lang?" singit naman ni Kuya. Napatingin ako sa Kuya Jayson na nakangiting nakatingin kay Mr Alterio at sinamaan lang siya ng tingin ni Mr Alterio. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanilang dalawa, dahil para silang nag-uusap gamit ang mga tingin. Magkakilala ba silang dalawa? Marami pang tinanong si Nanay kaya sobrang tagal ng pananghalian naming ngayon. Kung hindi ko lang Nanay si Nanay ay iisipin kong may irereto siya kay Mr Alterio sa dami ng tanong niya sa buhay nito. Hindi niya kasi tinigilan ang pagtatanong hanggat may laman pang pagkain ang pinggan ni Mr Alterio. "Cahya, ihatid mo sa labas ang 'yong guro." Pagtutulak ni Nanay sakin. Tumango naman si Tatay kaya wala na akong magawa kundi samahan si Mr Alterio. Naglalakad na kami palabas ng tanungin ako ni Mr Alterio. "Sumama pa din ba ang pakiramdam mo?" Naririnig ko sa boses niya ang pag-alala kaya mabilis akong umiling. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng hilo ngayon, mabuti na lang. "That's great. Always be careful, at wag na wag ka ng pupunta sa kakahuyan ng mag-isa ka dahil delikado roon. Naiintindihan mo ba?"  Napatingala ako sa kanya at kitang kita ko ang kaseryusohan niya kaya mabilis din akong tumango. "Pangako?" "Pangako." Mabilis na umaliwalas ang mukha niya at ngumiti sa akin. Wala na din akong nagawa kundi ang ngumiti sa kanya. Hindi ko alam pero natutuwa ako ngayong nakangiti siya. "I should go now. Pumasok ka na sa loob, nasa kalayuan nakapark ang kotse ko." Pinigilan nya ako kaya wala na akong nagawa kundi ang tumayo lang dito sa may gate namin habang nakatingin sa likuran niyang naglalakad pa papunta sa kotse niya di kalayuan. Hindi ko maintindihan sa sarili ko ba't ang bilis kong sumunod sa mga sinasabi niya. Hindi ko maintindihan sa sarili ko ba't ayokong masyado siyang nag-aalala sa akin. Kanina nangako ako, alam ko sa sarili kong tutuhanin ko ang pinangako ko dahil may punto din naman kasi si Mr. Alterio sa mga sinabi niya. Hindi talaga ligtas para sa akin ang magpupupunta sa kagubatan lalo na kung walang kasama. "Nakaalis na iyong tao, andyan ka pa din kapatid ko," nahimigan ko ang panloloko sa boses ni Kuya Jayson na ngayon ay naka-akbay sa akin. "Kuya nga." Tinignan ko siya ng masama kasi alam ko na naman ang sasabihin niya. "Ano? wala naman akong sinasabi e," natatawang sambit niya na lalo kong kinanguso. "Bahala ka nga dyan," sabi ko sabay talikod. "Oy, crush niya." Napatigil ako sa paglalakad at hinarap uli si Kuya Jayson. "Hindi no, fake news 'yan ha." Nanlalaki ang nga mata kong sabi sa kanya. "Hindi daw pero kanina kaya grabe ka makatitig." natatawa uling sabi ni Kuya na nakalapit na sa akin at muli akong inakbayan. "Hindi naman talaga, gawa-gawa ka e." "Okay lang 'yun kapatid. Pogi naman talaga guro mo pero mas pogi ako." Pangmamayabang niya pa. "Kuya mas pogi naman 'yun." Natatawa kong sabi kay Kuya at agad akong pumasok sa loob at pumanhik na sa itaas papunta sa kwarto ko habang dala dala pa din sa isipan ko ang sinabi ni Kuya Jayson. Crush ko nga ata si Mr. Alterio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD