Chapter 8

1109 Words
Sa mga sumunod na mga araw ay nakakaramdam pa din ako nagpagkahina pero hindi na ako nahihilo masyado hindi katulad noong mga nakaraang araw na talagang pakiramdam ko umiikot ang mundo at nahihimatay ako. Para bang may gumamot sa akin na hindi ko alam dahil biglang gaan ng pakiramdam ko. Napailing na lang ako at naglalakad papunta sa kabilang building dahil galing ako sa library, nagbalik lang ako ng isang libro na tapos ko na basahin.  Pampalipas ko talaga ng oras ang pagbabasa, sinasabihan ako ni Sab kung hindi daw ba ako nauumay kakabasa, sagot ko naman sa kanya na ito na talaga ang past time ko. Parang di pa siya sanay sa akin na libro lang ang kaharap.  Mabuti na lang talaga ay malawak ang library dito sa school namin, hindi ako nauubusan ng babasahin.  Kaya siguro ganito kalawak kasi library na ito ng high school department at college department. Ang ekwelahan kasi namin ay napakalaki, nasa kabilang building lang ang college depatment kaso hindi pwedeng basta-basta pumunta ang mga nasa high school department doon. "Cahya," tawag sa akin. Napalingon ako sa aking likuran at agad na nakita si Mrs, Aquino na madaming dala-dalang cartolina. Agad akong lumapit sa kanya para matulungan siya, napangiti naman sa akin ang matandang guro. May edad na kasi si Mrs. Aquino na isa sa mga dati kong tecaher noon sa Filipino. Kung tutuusin nga sa edad niya ay dapat nagretire na siya. "Naku Ma'am, ako na lang po ang magdadala nito." Agad kong alok at bago pa makapagsalita ang matandnag guro ay nakuha ko na ang lahat ng dala dala niya. "Sigurado ka ba Cahya?" Pagtatanong pa niya sa akin. "Opo Ma'am, sa teacher's room ko po ito dadalhin diba?" Magalang at nakangiti kong sabi. "Oo sana hija, ipasok mo na lang sa loob ha. Kasi ako'y pupunta muna sa kabilang building. Sa tingin ko ay may naiwan ako. Maraming salamat sa tulong mo,"  "Walang anuman po," sagot ko. Agad namang tumalikod ang matandang guro at naglakad papunta sa direksyon ng kabilang building habang ako ay humarap sa opposite na direksyon papunta sa teacher's room para ihatid ang mga gamit ni Mrs. Aquino. Paliko na ako ng pasilyo ng marinig ko muli ang pagtawag sa pangalan ko. Lumingon ako para makita kung sino ang tumatawag, ng makita ko na si Janus ay agad kong binalik ang sarili sa paglalakad. "Sandali Cahya, tulungan na kita." Mabilis akong naabutan ni Janus kasi nasa tabi ko na siya ngayon. Hindi ko binitawan ang mga hawak kong cartolina habang naglalakd pa rin at hindi nagsaslaita. Ayoko talaga sa lalaking ito dahil iba ang nararamdaman ko sa kanya kahit noon pa. Ngayong katabi ko siya ay iba na naman ang nararamdaman ko na para bang may hindi siya magandang gagawin. "Chaya, please," nagmamakaawa niyang sabi sa akin. "Kaya ko ito ng mag-isang buhatin. Salamat na lang." Sambit ko, ayoko namang magmukha sobrang sama kaya kinausap ko na lang siya. "Tutulungan na kita." Pagpupumilit niya sa akin at pilit niyang hinila ang mga hawak ko kaya biglang nahulog ang mga cartolina sa sahig. Napatingin ako sa mga cartolina at kay Janus na ngayon ay nahahalata ko ang pagka-asar sa mukha niya. Himalang walang tao ngayon sa hallway, siguro dahil papunta ang daanan na ito sa library na malapit lang sa teachers room. "Sabi kong tutulungan na kasi kita, ang arte mo masyado," sambit niya na puno ng iritasyon ang boses niya na kinapanting ng tenga ko. Muli akong huminga ng malalim dahil ayokong mabwisit sa lalaking ito. Umupo na ako sa sahig para pulutin ng marinig ko na namang magsalita. "Pahard to get pa, alam ko naman gusto mo din ako." May bahid ng kayabangan ang boses nito. Hindi ko pa rin binigyan ng pansin ang sinabi niya, ayokong pumatol sa mga ganitong tao. Inisa-isa kong pulot ang mga cartolina habang nakatingin lang sa akin si Janus. Pagkatapos kong ma[pulot lahat ay naglakad na ako palayo ng hawakan niya ang braso ko at hinatak ako kaya bigla na namang nahulog ang mga cartolina na sobrang kinainit ng ulo ko. "Sabi kong ako na ang magdadala at tutulong sa'yo diba?!" Mataas na boses na sbai ni Janus. Kahit kailan ay hindi pa ako napagtaasan ng boses ng kahit na sino maliban sa mga magulang ko. Mahigpit na hinwakan ni Janus ang braso ko at talagang wala siyang planong bitawan ang kamay ko. "Pakawalan mo ang kamay ko." Mahina kong sambit ngunit mas lalo lang ata niyang hinigpitan ang kapit sa akin at lalong inilapit ang sarili sa akin. "Gusto kita, at alam kong nagpapakipot ka lang." Buong kompeyansang sabi ni Janus sa akin. Naramdaman ko sa kalooban ko ang sobrang iritasyon at para bang nag-iinit ang loob ko. Parang may namumuong apoy sa dibdib ko na nabubuhay. Nag-iinit ang pakiramdam ko, ano mang oras ay sasabog na ako dahil sa lalaking ito. Mabigat ang pakiramdam ko, madilim. Isinira ko ang mga mata ko dahil hindi ko nagustuhan itong nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko may hindi akong mgandang gagawin dahil sa galit na nararamdman ko ngayon. Binuka ko ang mga mata ko pero imbes na si Janus ang nakita ko ay nahanap ko na lang ang sarili kong mukha na nakadantay sa sa dibdib ni Mr. Alterio. "Kumalma ka," mahina niyang sambit sa akin habang nakatingin ako sa mukha niya. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya habang nakatitig sa akin pero agad iyon napalitan ng pag-alala.  Sa simple niyang sinabi ay lumuwang ang nararamdaman ko, nawala iyong bigat na nararamdaman ko kanina napalitan ng init na nanggagaling sa katawan ni Mr Alterio. Napalingon ako pero wala na si Janus sa kinakatayuan niya kanina, siguro ng mahila niya ako kanina ay agad ng umalis si Janus. Natakot siya kay Mr Alterio? "Are you okay now?" Napatingala ako kay Mr Alterio at ng napansin ko na sobrang lapit ko sa kanya ay agad akong lumayo para magkaroon kami ng distansyang dalawa. Pinahiran ko ang namumuong pawis sa noo ko. "Opo, thank you po." Mahina kong sambit, nawala na sa isip ko ang kakaiba kong naramdaman kanina dahil nerbiyos ang nararamdaman ko ngayon at sobrang bilis ng takbo ng puso ko. Inilayo ko ang paningin ko sa kanya. Hindi ko siya kayang titigan kaya mabilis akong yumuko para pulutin ang mga cartolina sa sahig. Agad naman niya akong tinulungan, halos napulot niya ang lahat ng cartolina. "Saan mo ba ito dadalhin?" Tanong niya sa akin habang tinitigan niya pa din ako na para bang may inaantay siyang mangyari "Sa teachers room.." Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay parang nawala ang enehiya ko sa katawan at unti-unting nagdilim ang paningin ko. "You never tell the truth." Buong pag-alala niyang sambit ngunit hindi ko na narinig ng maayos. Naramdaman ko na lang ang init na bumalot sa katawan ko bago ako balutin ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD