Naimulat ko ang aking mga mata at nahanap ko ang sarili kong nakahiga sa kama ng infirmary. Andito na naman ako nakahiga sa parehong higaan kada nahihimatay ako. Kailan kaya ako hindi na mahihimatay?
Napabuntong hininga ako.
"What do you feel now?" Nabigla akong marinig ko ang isang pamilyar na boses, agad akong napatingin sa tabi ng higaan ko at doon ko nakita si Mr Alterio na nakaupo sa isang stool habang nakatingin sa kabuan ko.
Akala ko mag-isa lang ako dito iyon pala kanina pa siya dito. Binabantayan niya ba ako? Nakita niya ba akong tulog? Hala baka naglaway ako.
Pasimple kong pinunasan ang bibig ko para masiguro na walang laway sa gilid ng labi ko. Agad akong naupo at ramdam kong wala na ang pagkahilo ko.
"Ok na po ako, bakit ka andito?" Nahihiya kong tanong, ilang beses na ba itong nangyari sa akin at parating si Mr Alterio ang tumutulong sa akin. Nakailang beses na ba niya akong binitbit dito? Hala nakakahiya na talaga.
"Gusto kong masigurado na maayos ang pakiramdam mo." Lumapit siya sa akin at tinitigan ang mga mata ko at napabuntong hininga siya na para ba siyang nabunutan ng tinik.
"T-thank you po sa paulit-ulit na pagtulong sa akin. Mula ng dumating ka sa school ay wala ka na pong ginawa kundi ang tulungan ako." Nahihiya kong sambit sa kanya habang nakayuko at nakatingin lang sa mga kamay ko.
"You're always welcome. Dito ka na muna at magpahinga, You're excused to all your classes, kung gusto mo umuwi ka na para sa bahay ka na ninyo magpahinga." Alok niya sa akin at agad naman akong umiling. Maayos na talaga ang pakiramdam at masyado pang maaga para umuwi ako.
"Maayos na po talaga ang pakiramdam ko, pwede po bang pumasok na lang ako sa mga natitira kong klase?" Paghihingi ko ng permiso kay Mr Alterio na kinabuntong hininga niya lang.
"You should rest but if you insist, you can attend to your other classes. But you must need to rest here for one hour. Lalabas ako ngayon at babalik ako after one hour, kailangan nandito ka pagbalik ko. Malalaman ko kung hindi ka nagpahinga o kung umalis ka." Agad naman akong tumango sa sinabi niya, maa okay na ito kesa umuwi ako agad sa bahay.
Nakalabas na si Mr Alterio kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik sa pagtulog, mag-isa lang naman kasi ako dito sa infirmary kaya wala akong ibang magawa. Agad naman akong hinila ng antok, siguro kailangan ko nga din ng tulog at pakiramdam ko nadrain ang enerhiya sa katawan ko.
Napansin ko ang sarili ko na nakatayo ngayon sa dulo ng isang bangin, muli kong binuka ang mga mata ko pero ganoon pa din ang nakikita ko. Alam kong nasa isang paniginip lang ako pero hindi ko mapigilang mamangha sa mga nakikita ko ngayon.
Isang napakagandang tanawin ang nasa harapan ko, kitang-kita ko ang isang lawa na nag iiba-iba ang kulay na parang bahaghari ang kulay ng tubig na dulot ng magandang sinag ng araw. Sa di kalayuan ay nakikita ko ang iba't ibang naglalakihang mga puno na may iba't ibang kulay ng dahon at kahit nasa malayo ako ay kitang kita ko ang mga kumikinang na mga bulaklak na may iba't iba ding kulay. Lahat ng bagay sa lugar na ito ay kumikinang at napakaganda.
Napakalawak ng lugar at purong magagandang tanawin lang ang nakikita ko. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako humahakbang habang sinusuyod ng tingin ang buong paligid. Muli pa akong humakbang ng mawalan ako ng balanse dahil nasa pinakadulo na pala ako ng bangin.
Napasigaw na lang ako ng mahulog na ako sa bangin, sinara ko ang mga mata ko at pilit na ginigising ang sarili sa panaginip habang sobrang bilis ng puso ko. Pagkabuka ng mga mata ko ay mukha ni Mr. Alterio ang una kong nakita. Halata sa mukha niya ang pag-alala sa akin.
Ramdam ko ang pawis na nilalabas ng katawan ko at ang panlalamig ko na para bang totoo ang lahat ng nangyari sa panaginip ko.
"Where were you?" Pag-usisa niya sa akin, nahahalata din ang pag-aalala sa mukha niya. Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.
"Ahm, andito lang po ako mula kanina. Nakatulog lang ako," mabilis ko namang sagot baka akalain niya kasi na lumabas ako e nakatulog lang naman ako at nanaginip na nasa sa isang paraiso.
"Nevermind, okay lang ba pakiramdam mo?" Muli niyang tanong sa akin na kinatango ko lang.
"Drink this," tugon niya sabay abot sa akin ng malamig na bottled water. Naupo ako sa kama at agad na kinuha ang bottled wate.
Agad akong lumagok ng tubig dahil pakiramdam ko nag dry ng sobra ang lalamunan ko. Medyo naiilang ako kasi nakatingin lang siya sa akin habang umiinom ako. Jusko baka mabilaukan ako kahit umiinom lang ng tubig.
"Drink slowly," tugon niya pero agad kong naubos ang iniinom ko.
"Salamat po dito." Mahina kong tugon. Tumayo na ako at nag-inat ng katawan.
"You're welcome," tugon niya at hinaplos ang tuktok ng ulo ko. Nakikita ko pa rin ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatitig sa akin.
"Exequel?"
Agad kaming napalingon sa may pintuan, kumunot ang noo ko ng makita ko si Ms. Solidad na sumilip sa pintuan.
First name basis?
Nakangiting nakatingin si Ms. Solidad sa kay Mr. Alterio at ni hindi man lang ako tinignan. Gustong tumaas ang kilay ko ngayon kaso pinipigilan ko lang ang sarili ko.
"Tara na? Baka kasi malate tayo." Sambit niya at binuksan na ng malawak ang pintuan kaya kitang-kita ko ang hapit na hapit niyang damit, kahit na mahaba ang kanyang palda ay hapit naman iyon sa katawan nito kaya kitang-kita ang kurba ng katawan nito.
Malate saan?
"Sige, pabalik na din naman si Cahya sa klase niya." Nakangiti na sabi ni Mr Alterio kay Ms. Solidad habang ako ay nakakunot pa din ang noo.
"Mauna na po ako," sambit ko at sabay lakad palabas ng infirmary at dinaanan jo lang si Ms. Solidad. Hindi ko na nilingon si Mr. Alterio kasi naaasar ako sa kanya at kay Ms. Solidad.
Halatang nilalandi siya, teka baka naglalandian silang dalawa? Malalate daw sila? Saan?
Napapadyak ako sa sahig habang naglalakad pabalik sa classroom. Pumapasok sa utak ko ang mga imahe na magkasama ang dalawa habang naglalandian at masaya.
Buong araw kong bitbit sa isipan ko si Mr Alterio at Ms Solidad. Inisiip ko kung sila na ba, anong ginagawa nila at kung magkasama pa ba sila ngayon. At dahil dito ay sobra ako badtrip buong araw.