"Hindi ata maganda ang tulog mo kanina," puna ni Sab.
Tinignan ko lang siya at muling binalik ang tingin sa mga gamit na hinahanda ko sa lamesa ko.
Hindi ko alam kung maganda bang si Mr Alterio ang first class namin dahil makikita ko siya ngayong umaga tapos nasa isip ko pa rin ang mga scenarios na magkasama sila ni Ms. Solidad.
"Wala lang akong tulog," mahina kong sambit kay Sab na kinatango niya lang sa akin.
Totoo naman ang sinasabi ko, hindi din talaga ako nakatulog ng maayos dahil sa naiisip ko lang kung anong ginawa nila Ms. Solidad at Mr. Alterio kahapon. Talagang close silang dalawa at halata naman na may gusto si Ms. Soledad kay Mr. Alterio lalo na ng banggitin niya ang first name nito.
First name basis na nga si Ms Solidad kay Mr. Alterio, habang ako ni hindi ko alam ang first name niya at hanggang ngayon ay Mr. Alterio pa din tawag ko sa kanya.
"Good morning, everyone," bati ni Mr. Alterio sa buong klase. Agad naman akong napatingin sa gawi niya, nasa may pintuan siya habang dala-dala ang iilang libro na kailangan sa klase.
Agad ko inalis ang tingin ko sa kanya pagkatapos ko siyang suyurin ng tingin mula ulo hanggang paa. Napakapogi talaga niya at napaka fresh niya sa umaga, naririnig ko ang mga tilian ng mga kababaehan sa likuran ko ng ngumiti kanina si Mr. Alterio, para siyang artista na may solid fan base sa school.
Nakatingin ako ngayon sa notebook kong nakahanda na sa desk ko. Hindi ko kayang tumingin kay Mr. Alterio ngayon ng diretso, baka pag tumingin ako sa kanya ay mahalata niyang gusto ko siya dahil sa klase ng tingin na binibigay ko.
Ayokong magmukha nag-oover react pero napakapogi niya talaga sa paningin ko na para bang isa siyang demigod na nahulog sa lupa lalo na pagnapatingin siya gamit ang kanyang asul na mga mata.
"Anyone who can tell me what we discussed yesterday?" Narinig ko ang boses niya sa harapan. Agad akong huminga ng malalim at sinabihan ang sarili na alisin muna sa isipan ko si Mr. Alterio at magfocus sa klase.
Pero dahil sadyang matigas ang isipan ko ay patuloy lang akong nakatitig kay Mr Alterio sa buong durasyon ng klase. Wala sa klase ang utak ko kundi nakatutok lang ang paningin ko sa mukha niya. Nakita ko ang pag-iiba ng ekspresyon niya, mula sa blanko niyang mukha, nakangiti niyang mukha at kahit ang nakakunot niyang mukha. Inobserbahan ko kung paano ang mga galaw niya na swabeng-swabe kaya hindi ko masisisi si Ms. Solidad kung nagustuhan niya si Mr. Alterio.
Buong klase akong lutang habang nakatitig lang sa kanya, minsan umiiba ng direksyon ang tingin ko pag nadadako sa akin ang mga mata niya. Mabuti na lang ay nasasagot ko lahat ng tanong niya sa akin kahit hindi ako nakikinig. Mabuti na lang ay sobrang advance reading ang ginawa ko kundi kanina pa ako napahiya.
"Cahya, answer this in the board." Muling tawag sa akin ni Mr. Alterio. Agad naman akong tumayo dahil wala akong pagpipilian.
"Ikaw na naman?" Narinig ko pang bulong ni Sab ng naglakad na ako palapit sa lamesa ni Mr Alterio para kunin ang black marker. Agad akong lumapit sa borad para sagutan ang problem. Dahil sa napag-aralan ko na ang pinapasagot niya sa akin ay agad kong nasagutan ang problem ng isang minuto. Narinig ko ang hiyawan ng mga kaklase ko lalo na ang mga lalaki na chine-cheer ang pangalan ko.
"Correct. Very good, Cahya." Napatingin ako kay Sir Alterio na nagkomento sa akin. Pabalik na ako sa upuan ko ng marinig ko dagdag niyang sinabi ng mapadaan ako malapit sa kanya. "But please, focus on the class."
Habang naglalakad ako at naupo sa upuan ko ay hindi ko mapigilang mapakagat sa labi ko. Shemay, napansin niya bang nakatingin ako sa kanya kanina pa? Jusko po.
Pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko dahil sa nangyari. Nakayuko na lang ako sa pahina ng notebook kong wala kalaman-laman na notes kasi hindi nga ako nakikinig sa buong klase namin.
Madaling madali ako sa pag-aayos ng gamit ko ng matapos ang klase namin dahil gusto kong ako ang maunang lumabas sa classroom dahil pahiyang-pahiya ako kanina sa nangyari. Pero bago pa ako makadaan sa may mesa ni Mr. Alterio ay narinig ko ang pagtawag niya ng pangalan ko kaya wala akong nagawa kundi tumingin sa direksyon ni Mr. Alterio.
"Po?" magalang kong tanong sa kanya.
"Are you okay?" Nakikita ko na naman ang pag-aalala sa mukha niya.
"Opo," simple kong sagot.
"May sasabihin ka ba sa akin kanina?" Nag-eexpect niyang tanong sa akin. Agad akong umiling bilang sagot.
"Alright, you may go." Sabi niya sabay tango sa akin. Ngumiti siya sa akin na kinatitig ko na naman sa mukha niya pero agad kong inalis ang paningin ko at naglakad palabas ng room namin.
"Sab, tara na," aya ko kay Sab. Hinila ko na siya para mabilis kaming maglakad.
"Ba't ka nagmamadali?" Nalilitong tanong ni Sab habang nakatingin sa akin. " At bakit namumula iyang mukha mo?"
"Wala ito, mainit lang." Pagrarason ko.
"Talaga ba?" Nakataas na kilay na tanong ni Sab sa akin. Napakunot naman ang noo ko, nakakahalata na kaya siya sa akin?
"Oo, halika na nga." Muli ko siyang hinila para hindi na niya ako kulutin at tanuningin pa.
"Sabi mo e."
"ABA HIMALA, wala iyong masugid at makulit mong manliligaw at ang gang niya." Sabi ni Sab habang papalabas na kami ng classroom at papunta na sa cafeteria dahil lunch time na. Siguro ang tinutukoy niya ay si Janus at ang mga kaibigan niya.
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Sab, hindi ko din kasi kwenento kay Sab ang nangyari noong nakaraang araw dahil ayoko siyang mag-aala sa akin.
"Sana wag na sila magpakita." Sambit ko habang naglalakad kami papuntang canteen.
"Jusko kahit naman di magpakita sa iyo iyon ay madami pa din ang umaaligid sa'yong mga lalaki, hindi lang kasing kapal ni Janus." Komento ni Sab habang nagtitipa sa cellphone niya.
Hindi na ako umimik hanggang sa makarating na kami sa cafetria, Agad akong pumili na makakain ko. Bumili ako ng pancit, lumpiang toge at tokwa't baboy. Ginaya na din ni Sab ang order ko, agad naman naming nakuha ang order dahil wala pa masyadong tao sa canteen. Maya-maya pa ang dagsaan ng mga studyante.
Habang naglalakad kaming dalawa ni Sab ay nararamdaman ko na namang may nakatingin sa akin at ang taong iyon ay may ibang aura na para bang may gagawing masama sa akin. Agad akong tumingin sa kaliwa ko pero wala naman akong nakikitang kahinahinala sa paligid. Hindi ko na lang inalinta ang nararamdaman at pinagpatuloy ang paglalakad. Ilang araw ko ng nararamdaman ito pero siguro naman walang mangyayari sa akin.