Chapter 11

1369 Words
"Sorry na hindi kita masasamahan ngayon," paghingi ng paumanhin ni Sab sa akin. "Ba't ka humihingi ng paumanhin e kaya ko naman ang sarili ko." Natatawa kong sabi sa kanya.  Mauuna kasi siyang uuwi sa akin dahil may inutos sa kanya ang Nanay niya, may ipinabili daw na grocery. Nakatingin lang siya sa akin na parang di pa ako kayang iwan, nadulas kasi ako noong isang araw at nasabi ko ng konti ang ginawa ni Janus sa akin kaya wala akong nagawa kundi isiwalat sa kanya ang lahat dahil magtatampo daw siya sa akin pag di ako magkwekwento. Kinonsensya pa ako na dati naman daw wala akong nililihim sa kanya tapos ngayon may tinatago na ako. Ayun, nasabi ko na lahat-lahat kaya ganyan siya mag-alala sa akin ngayon. Parang ateng-ate umasta kahit ako naman ang mas matangkad saming dalawa. Matangkad din naman si Sab kaso mas matangkad ako sa kanya ng konti. "Hay naku, ayaw ko talagang iwan ka dito mag-isa lalo na malapit na magdilim." Sabi pa ni Sab sa akin habang nakabewang. "Sab, umalis ka na dahil ikaw na ang nagsabi na maggagabi na at baka wala ka maabutan na bukas na grocery store." Nakita ko ang pagkabahala sa mukha niya pagkatapos kong magsalita. Takot niya lang sa Nanay niya pag hindi niya nasunod ang utos nito. "Okay. Ito na aalis na ako." Napabuntong hininga siya at muling nagsalita. "Bilisan mo ang gagawin mo sa library dahil wala na masyadong tao sa library ng ganitong oras." Napatango na lang ako habang si Sab ay mabilis na naglakad papunta sa labasan ng school. Malamang kailangan niyang magmadali dahil baka sarado na pag dumating siya sa grocery store pag babagal bagal siya. Napailing na lang ako at naglakad papunta sa direksyon ng library. Kailangan ko na kasing ibalik ang mga librong hiniram ko at muling manghiram ng iba pang libro. Dahil biyernes naman ngayon at sobra na ang na advance reading ko sa mga ilang subjects ko kaya napagdesisyunan kong romance books naman ang hihiramin ko para may mabasa ako bukas.  Halos trenta minutos din ang ginugol ko sa loob ng library para maghanap ng magandang libro, binabasa ko kasi ang intro or first chapter ng book, hindi lang kasi ako nagbabase sa author or sa synopsis. May nahiram akong dalawang libro kaya agad kong nilista ang pangalan ko, mabilis ang bawat galaw ko dahil may iba akong nararamdaman kaninang umaga pa na mangyayaring masama pero binabalewala ko lang. Gusto ko na ding makauwi agad, nababalisa kasi talaga ako. Ngumiti sa akin ang librarian at nagpa-alam na ako. Wala na din kasing tao sa library, may nakita akong dalawang tao pa pero usually may iilan pang natitira at tumatambay lalo na iyong mga taga college department, siguro dahil biyernes nga ngayon kaya walang studyante masyado. NAGLALAKAD NA ako pauwi ng bahay at may kadiliman na sa daan dahil maggagabi na, mabuti na lang ay may street light naman kahit papaano kaya hindi ako natatakot kahit sa gilid ako ng daan naglalakad. Mahirap na dahil baka mahagip ako ng sasakyan kung may dumaan man. Mabilis ang bawat hakbang ko ng mapatigil ako sa paglalakad dahil di kalayuan ay napansin ko si Janus at ang mga kakalakihang mga kaibigan niya na naglalakad palapit sa akin. Nakita ko ang kakaibang pagngiti ni Janus sa akin na para bang may gagawin siyang masama sa akin. Napakunot lang ang noo ko at naglakad na muli pero muli akong napatigil ng harangin na nila ang dinadaan ko at lumapit na ng husto sa akin si Janus. Kakaiba ang mga tingin niya sa akin ngayon. "O Cahya, mag-isa ka ata ngayon." Painosenteng sabi ni Janus pero halata naman sa mukha niyang sinusundan niya ako kanina pa.  Napatitig ako sa mukha ni Janus at napansin ko ang pamumula ng mga mata niya at ganoon din ang mga kasamahan niya. Kakaiba din ang pananalita nila at kilos na para bang nakainom sila o kaya nakadrugs. Puro silang matatangkad na lalaki, siguro ito ang mga kasamahan niya sa basketball team. "Pwede ba Janus, umalis ka sa dinadaanan ko." Mahinahon kong sambit habang nakatingin pa rin sa kanila.  "Pare, umalis ka daw sa dinadaan niya." "Isang harang ka pala e." "Tiklop ka na naman, dude." Pangbubuska pa ng mga kasamahan ni Janus pero halata sa mukha ni Janus na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kaya mabilis niyang hinabol ang braso ko at agad kong naramdaman ang paghapdi ng hawak niya. "Pa-hard to get ka na naman. Pwede ba, wag ka ng mag-inarte. Alam ko namang gusto mo ako." Mayabng na salita ni Janus. Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko. Hindi ko alam bakit wala akong nararamdaman na takot sa nangyayari ngayon. Mabilis ang t***k ng puso ko na parang ano mang oras ay may hindi ako magadang gawin sa mga lalaking nas harapan ko. "Kailan ka ba titigil?" Pinilit kong pinapakalma ang sarili ko habang nakayukom na ang kaliwa kong kamao.  Nakita ko ang mga titig at mga malalamyos na tingin sa akin ng mga kasamahan ni Janus na parang ano mang segundo ay susunggaban din ako ng hawak. "Pare, galit na si Cahya." "Gago, ayaw nga sayo."  Nagtawanan ang mga kasama niya na nasa gilid at nag-aperan pa na parang natutuwa sa nangayayari ngayon. Habang si Janus ay nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin. At sa klase ng tingin niya sa akin ay napagtanto ko na siya pala ang napapansin ko na may masamang aura na nakatingin at nakamasasid sa akin nong mga nakaraang araw. "Putangina mo talaga, pinapahiya mo akong babae ka." Sigaw ni Janus habang lalong hinigpit ang paghawak sa akin. Ramdam na ramdam ko ang hapdi sa braso ko at napansin ko ang pagdaloy ng dugo sa braso ko dahil sa sobrang diin ng mga kuko niya sa balat ko. Hindi ko na napansin ang buong pangyayari dahil nagdilim ang paningin ko ng makita ko ang dugo sa braso ko. Parang may nagising na madilim sa kaibuturan ng pagkatao ko. "Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin." Mahina kong sambit pero narinig ko lang silang nagtawanan na para bang natutuwa pa sila sinabi ko. Biglang napabitaw sa akin si Janus at nagsisisgaw habang ako ay nakangisi lang habang nakatingin sa kanilang nagsisigaw. Parang wala ako sa sarili ko ngayon, parikiramdam ko ay may sinapian ako ng ibang tao.  "A-anong ginawa mo?" Nahihirapang sabi ni Janus sa akin habang may pilit na lumabas sa bibig niyang mga uod at ganoon din ang nangyari sa mga kasamahan niya. Sunod sunod ang mga naglalakihan at maliliit na uod ang lumalabas sa bibig nila. Ang ibang mga lalaki ay nakaluhod na habang pinipilit na iluwa ang lahat ng uod sa bibig nilang di maubos ubos. "C-cahya, tulungan mo k-kami." Pagmamakaawa sa akin ng isang kasamahan nilang lalaki na diring diri sa lumalabas na uod na hawak hawak niya ngayon. Mamasa masa pa sa kamay nito dahil sa laway na galing sa bunganga nito. Puno na ng uod ang semento na gumagawang na din sa katawan nila. Kitang kita ko din ang takot nila habang nakatingin sa akin habang namimilipit sa pagsuka. Puno ng sigawan ang paligid, ang iba ay sumisigaw na ng tulong pero dahil walang katao-tao sa paligid ay wala ding silbi ang sigaw nila. Wala din kasing kabahayan sa paligid kaya walang makakatulong sa kanila. "Bagay iyan sa iyo, sa inyo." Nakatitig lang ako kay Janus at sa iba. Wala akong nararamdaman na awa. Ramdam na ramdam ko ang kadiliman na bumabalot sa utak ko at pagkatao ko ngayon. Gusto ko pang mas malala ang mangyari sa kanila. Tinaas ko ang kamay ko ng biglang naramdaman ko ang isang mainit at pamilyar na hawak ng kamay na pumigil sa akin. "Tama na." Baritono ang boses ng taong nagsalita kaya agad akong napatingila para tignan kung sino ang pumigil sa akin. Agad na sumasalubong sa mga mata ko ang pamilyar na mga asul na mata na puno ng pag-aalala. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa taong ito, nararamdaman ko ang pagiging pamilyar niya sa akin lalo na ang init na nanggagaling sa kanya, sa mga kamay niya. "Sleep," turan niya. Pagkatapos niyang sinabi iyon ay unti-unti akong nawawawala sa ulirat ko. Nagdidilim na ang paningin ko, naramdaman ko na lang ang pagbalot sa akin ng pamilyar na init sa katawan ko. At bago pa ako balutin ng kadiliman ay narinig ko ang huli niyang sinambit. "Great job, little girl."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD