Unti-unti kong binuka nag mga mata ko at napatingin sa paligid. Napakunot ang noo ko dahil hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Bumangon ako sa pagkakahiga habang inoobserbahan pa din ang kwartong kinakaroonan ko ngayon.
Nakaupo pa din ako sa kama at iniisip kung bakit nandito ako ngayon habang kanina lang ay pinaparusahan ko ang mga lalaking nanasakit sa akin.
Napakaganda ng kwarto na may kulay ginto at pula ang tema, sinisigaw ng kwartong ito ang karangyaan. Mayroon mahabang sopa na kulay pula sa kaliwang banda ng kwarto, habang sa harap ko ay isang malaki at magandang kahoy na mesa at kulay ginto. Meron itong malaking salamin na may nakaukit na salita sa buong gilid ng na nagmumukhang parte ng disenyo ng salamin. Kahit malayo ay nababasa ko ng malinaw ang mga salitang nakaukit roon.
"Vos can vide omnia vos postulo scio" Sambit ko sa sarili. Kahit iba ang lenggwahe ay naiintindihan ko ang bawat salita na naroon. Ang ibig sabihin kasi ng mga salita ay malalaman ko ang lahat ng kailangan kong alamin. Kumunot ang noo ko, ibig sabihin ba ay may kakaibang kakayahan ang salamin na ito?
Muli kong sinuyod ng tingin ang kwarto, ramdam na ramdam ko ang lambot ng kama na inuupuan ko na ang kulay ay pula rin, may nakasabit na kurtena sa apat na bahagi ng kama kaya hindi masyadong maliwanag at masarap humiga. Ang nagbibigay ng liwanag sa kwarto ay ang chandelier na nasa gitna at ito ay napapalibutan ng mga diyamante kaya sobrang liwanag ng paligid.
Nakikita ko ang imahe ko sa salamin. Ang aking mga mata ay iba ang kulay, mapusyaw na pula na may halong ginto sa gitna ng aking mga mata. Napangiti ako ng maramdaman ko ang kapangyarihan na dumadaloy sa katawan ko.
Isa lang ang pumapasok sa isipan ko, kailangan kong makaalis dito, sa lugar na ito at muling balikan ang mga lalaking sinaktan ako. Kulang pa ang ginawa ko sa kanila, kailangan pa nila tikman ang galit ko. May naiisip akong malalang parusa na ipapatik ko sa kanila.
"Mabuti naman at gising ka na." Nagising ako sa pag-iisip at napalingon sa nagsalita. Ni hindi ko lang lang naramdaman ang presenya niya ng pumasok siya sa kwarto.
Agad na nakuha ng atensyon ko ang kulay asul niyang mga mata, napakunot ang noo ko at inobserbahan ang kabuuan ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Nararamdaman ko ang malakas niyang kapangyarihan na nagkukubli sa katawan nito.
"Sino ka? Anong ginawa mo sa akin?" Turan ko na may halong galit dahil siya ang pumigil sa akin kanina ng parusahan ko pa lalo ang mga lalaki na ginawan ako ng masama. Nararamdaman ko ang pagiging pamilyar niya sa akin.
Imbes na sagutin niya ang tanong ay nakatingin lang siya sa akin. Uminit ang ulo ko dahil wala akong narinig na sagot sa kanya, tumingin ako sa ibang direksyon at nakita ko ang isang cabinet. Pinalutang ko ang cabinet at gamit lang ng tingin ko ay hinagis ko ang iyon sa direksyon ng lalaking nasa harapan ko ngayon pero bago pa iyon tumama sa kanya ang bagay ay bumalik lang ang cabinet sa orihinal nitong kinalalagyan kanina.
Lalong napakunot ang noo ko dahil naging walang kwenta ang kapangyarihan ko. Itinaas ko ang kamay ko para ipalabas ang kapangyarihan ko pero wala akong naramdaman. Anong nangyari? Anong ginawa ng lalaking ito sa akin?
"Tama nga ako, makapangyarihan ka nga Cahya katulad ng ina mo." Malalim na boses niyang sambit sa akin habang palapit siya ng palapit sa akin. Ang asul niyang mga mata ay naging pula na parang tinititigan ang kaibutran ng pagkato ko.
Bumilis ang takbo ng puso ko dahil hindi ko na maramdaman ang kapangyarihan ko. Nakaramdam ako ng takot lalo na ng nakatayo na siya sa harapan ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung paano ko proprotektahan ang sarili ko.
"You did a great job earlier but now you need to forget," sambit niya. Nakatitig pa din ako sa mga mata niya, hindi ko magawang ilayo ang tingin ko kahit gustuhin ko man. Para bang sinadya niyang hindi ko mailayo ang tingin ko sa kanya.
Bago pa maproseso ng utak ko ang sinabi niya ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi kaya nasa kanya lang talaga ang buo kong atensyon.
"Sleep and forget." May diin ang bawat salita na sinasambit niya. Napahawak ako sa may bandang dibdib ko dahil nararamdaman ko ang paninikip at init sa loob ko. Hindi ko mapigilang dumaing at kumapit sa dibdib niya dahil pakiramdam ko ay mabubuway ako ano mang segundo. Unti-unting nagsasara ang mga mata ko kahit anong pilit kong panatilihing bukas ang mga mata ko, sobrang bigat ng talukap ng mga mata ko at nawawala ang enerhiya sa katawan ko.
"A-anong ginawa mo sa a-akin?" Nanghihina kong tanong hanggang sa nawalan na ako tuluyan ng malay.
Napamulat ako ng mata at agad na sumalubong sa akin ang kirot ng ulo ko. Napahawak ako sa bumbunan ko habang sinusuyod ko ng tingin ang madilim kong kwarto.
Paanong nakauwi na ako dito sa bahay?
Ang huli kong naalala ay kaharap ko si Janus at ang mga kaibigan niya, iyong nakahawak si Janus sa braso ko at sobra akong nagalit dahil nasasaktan na ako. Bigla kong tinaas ang kamay ko kung saan nasugatan ni Janus.
Kahit madilim ang kwarto ko ay may pumapasok naman na liwanag kaya nakikita ko pa rin kahit papaano ang kamay ko kaya pinagtataka ko kung bakit wala man lang sugat o kahit marka ng kuko sa balat ko. Niramdamdam ko din ang balat ko sa aking braso, kinapkap ko ng sobra pero wala akong nararamdaman na sakit o hapdi.
Mabilis akong tumayo sa pagkakahiga kahit hapong-hapo ako at kumikirot ang ulo ko, binuksan ko ang ilaw ng kwarto ko para makita ko ng maayos ang balat ko.
Paano na nangyaring walang bakas ng kuko o kamay ni Janus sa balat ko? Hindi ko na naalala ang mga sumunod na nangyari pagkatapos no'n. Napansin ko na hindi pa ako nakakapagpalit ng damit, tumingin ako sa orasan na malapit sa higaan ko. Ala siyete na pala ng gabi ibig sabihin ay mga isang oras akong tulog.
Agad akong nagpalit ng damit para makalabas na. Gusto kong tanungin si Nanay kung sino ang nagdala sa akin dito. Kumuha na lang ako ng sleeveless shirt at maiksing short na sinusuot ko lang dito sa bahay.
"Nanay?" Malakas kong tawag kay Nanay dahil walang tao sa sala. Agad akong dumiretso sa kusina at nagbigla ako ng makita ko ang taong di ko inaasahan na nandito sa bahay.
Bakit nandito sa bahay namin si Mr. Alterio? Likod pa lang niya ay alam kong siya ito.
"Mr. Alterio?" tawag ko sa kanya.
Agad naman siyang lumingon sa akin na nakangiti habang hawak-hawak niya ang isang baso at kaharap nito ay isang pitsel ng yelo na basag basag na. Medyo namumula ang pisngi niya habang nakatingin sa akin na kinakunot ng noo ko.
"Gising ka na pala," turan niya at muling binalik ang tingin sa yelo.
"Bakit po andito ka?" Diretsa kong tanong habang nakakunot pa rin ang noo ko.
Bago pa siya makasagot sa akin ako ay naramdaman ko ang pagkurot sa akin ng kung sino. Agad akong napalingon sa likuran ko, si Nanay pala ang kumurot sa akin.
"Aray naman po, Nanay." Daing ko kay Nanay at sumimangot.
"Ganyan ba dapat magsalita sa guro na parati kang tinutulungan?" Sita ni Nanay sa akin habang pinanlakihan ako ng mata. "Hindi kita pinalaking bastos Cahya."
"Sorry na po 'Nay." Mahina kong sambit habang nakatingin kay Nanay at hinihimas pa rin ang kinurot niya. Ang sakit talaga ng kurot ni Nanay, ngayon na lang uli niya ako nakukurot.
"Pasensya ka na sa batang ito, Exequel." Paghingi ng paumanhin ni Nanay habang nakangiti lang na nakatingin sa amin si Mr Alterio. Pati si Nanay ay first name basis na sa tecaher ko.
Pero ano ang sinabi ni Nanay, tumulong sa akin?
"Naku, okay lang po iyon. Sige po, ilabas ko lang itong yelo." Nakangiting paalam ni Mr Alterio sabay lakad papunta sa direksyon ng pintuan ng kusina na palabas ng bahay.
Lumingon ako kay Nanay na may pagtatanong sa mga mata. Hindi ko maintindihan bakit andito si Mr Alterio sa bahay.
"Nawalan ka kasi ng malay sa daan, mabuti na lang at saktong nagmamaneho ng sasakyan ang guro mo. Mabuti kamo napansin ka kundi ewan ko na lang kung anong nangyari sayo. Ano kamusta ang pakiramdam mo?" Paliwanang ni Nanay, nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Agad naman akong ngumiti kay Nanay para ipakita sa kanya na maayos na ang pakiramdam ko kahit medyo hapong hapo pa ako.
"Ayos lang ako 'nay. Malakas ata itong anak mo," Pagmamalaki ko s akanya na kinailing na lang ni Nanay.
"Hay naku, ikaw talagang bata ka. Pinag-aalala mo kami sobra ng Itay mo. Oo nga pala, magpalit ka nga ng damit mo." Sambit ni Nanay sabay tingin sa damit ko.
"Nanay naman ba't ngayon mo lang sinabi?!"
Ngayon lang pumasok sa utak ko ang suot suot ko ngayon. Nanlaki ang mga mata ko kaya kulang na lang takbuhin ko ang kwarto ko para makapagpalit.
Shemay, nakakahiya naman kay Mr. Alterio. Ganito ang damit ko, parang kinulang sa tela dahil maiksi ang short ko at sobrang nipis ng sleeveless shirt ko. Bakat kasi ang katawan ko sa klase ng damit ko, e sanay naman na akong ganito ang damit ko sa bahay dahil plano ko sanang pagkatapos kong tanungin si Nanay ay kakain lang ako saglit at papanhik ako para matulog uli.
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin, jusko sobrang revealing ng damit ko. Napatingin ako sa dibdib ko na bakat na bakat. Tapos iyong kulot kong buhok ay magulo na parang binagyo dahil hindi man lang ako nagsuklay. Jusko nakakahiya talaga.
Mabilis akong nagpalit ng blouse na hindi revealing at leggings na itim para komportable pa din akong gumalaw. Inayos ko din ang buhok kong magulo at inipit sa likod, Huminga ako ng malalim ng nasatisfy na ako sa ayos ko.
Napatango ako, naiisip ko na kailangan kong humingi ng paumanhin kasi baka nabastusan ssiya sa akin at kailangan kong mag thank you. Marami rin akong itatanong sa kanya tungkol sa nangyari sa akin kanina bago ako mawalan ng malay.