“Oh, Rush, siguro naman magtitino ka na ngayon…” Sabi ko kay Rush habang iniabot ko sa kanya ang bola ng basketball. Nasa lumang park kami sa likod lang ng bahay. ‘Yung tipong medyo luma na ang playground—may mga kalawang na sa monkey bars at ‘yung mga slide parang isang higa mo lang ay mababasag na. Pero kahit ganito, may charm pa rin ang lugar. Tahimik, may mga puno, at may parang misteryosong ambiance na masarap tambayan. “Dahil wala na si Pinky, ako na lang muna ang tutor mo, okay? Kaya dapat umayos ka baka ikaw na ang ihagis ko at hindi itong bola.” Napatingin lang sa akin si Rush, at kahit hindi siya nakakapagsalita dahil sa trauma niya, ramdam ko naman na naiintindihan niya ako. ‘Yung tingin niyang matalim na parang gusto niyang sabihin, "Kuya, tigilan mo nga ako." Pero syempre, ak

