“You know what, Clin? I’m really happy na nandito ka. Siguro kung wala ka, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko,” sabi ni tita Judy habang nakaupo sa gilid ng kama, pinagmamasdan si Rush na mahimbing pa ring natutulog. Kitang-kita sa mukha niya ang relief na naramdaman niya matapos ang stress kanina. Ako naman, ewan ko ba, parang may kakaibang bigat sa dibdib ko habang nakikinig sa kanya. Lalo lang lumalalim ang nararamdaman ko para kay tita. Siguro ito talaga ang gusto ko—ang ma-acknowledge niya ang presence ko, na makita niya kung gaano ako ka-importante sa buhay niya. Napansin kong napabuntong-hininga siya bago siya tumayo mula sa kama at naglakad papunta sa gilid ng kwarto, kung saan nakatayo ang drawer ko. Bigla akong kinabahan. Doon ko pa naman nilagay ang mga pictures niya. Mga st

