Chapter 1
"Flashback"
"Um-ere kapa Misis malapit na lumabas ang bata huwag mo ipitin."saad ng Ina ni Andrea.
"Ayaw ko na po Mama.Gusto ko na mamatay!"malungkot na wika ni Andrea
"Andrea walang kasalanan anak mo kaya please huwag mo siya parusahan hayaan mo siya masilayan ang mundo."paki-usap ng Ina.
Awang-awa na ang Asawa ni Andrea dahil sa dinadanas na depression.Kahit ganito ang situation ng Asawa pinakasalan niya 'to kahit hindi siya ang Ama.
"Please Andrea alam ko galit ka sa Ama niya pero huwag mo siya idamay kaya nga pinakasalan kita dahil nakahanda ako na akuin ang bata,nakahanda ako maging Ama niya kaya please lumaban ka."
Kahit sobrang nanghihina at Hirap na hirap na ito.Pinilit niya parin ilabas ang sobrang gwapo na bata..
"Misis Alarcon, lalaki po ang anak niyo sobrang gwapo po niya," ngunit nilingon lang ito ni Andrea at hindi pinansin..
"Ayaw ko siya makita ilayo niyo siya sa akin." sigaw nito habang umaagos amg mga luhang dala ng pasakit.
"Nurse akin na ang bata!!Wow ang pogi naman ng anak ko." saad ng Asawa
"Iho, I'm sorry pati tuloy ikaw na damay sa problema ng anak namin."saad ng Ina ni Andrea.
"Mom it's okay mahal ko ang anak niyo kaya ng pinakasalan ko siya at tanggap ko kung ano ang meron siya."
"Salamat Nathaniel napakabuti mo hijo ."mangiyak-ngiyak na saad ng Ama ni Andrea.
"Walang anuman Mom,Dad..By the way pala Mom, ipapangalan ko kay baby ay Andrew Alarcon po, dadalhin niya ang apilido.Gusto ko rin po sana itago nalang natin ang secretong 'to.Ayaw ko ipaalam lahit kanino na anak 'to ng Ex niya total hindi niya naman inaako nito.
Pagkalipas ng isang linggo umuwi na ang mag-anak ngunit lalong lumalala ang depression ni Andrea kaya kumuha na si Nathaniel ng katulong na mag-aalaga sa bata dahil natatakot siya na baka saktan ang Anak nito.
"Manang ano ba 'yan patahimikin niyo ang bata ang ingay.."
"Ma'am gusto niya po siguro ng yakap mo.Pinadede ko na 'to sa bote ayaw parin po tumigil sa pag-iyak."saad ng tagapag-alaga.
Nilapitan niya ang bata at pinagsisigawan."Ikaw boysit ka tlaga sa buhay ko,katulad mo rin ang Ama mo walang kwenta kaya dapat mamatay ka na rin."
Kakarating lang ni Nathaniel ng marinig ang sigaw ni Andrea sa anak.
"Andrea akin na ang bata.Ilang ulit ko ba sasabihin sa'yo walang kasalanan ang bata.Kung hindi mo siya kayang alagaan ipapadala ko siya sa Probensiya kay sa dito baka ano pa ang magawa mo."inis na saad ng Asawa.
"Ano nangyari Hijo bakit narinig namin nagsisigawan kayo?"nagtatakang tanong ng Ina ni Andrea.
"Mom isasama niyo Andrew sa probensiya, okay lang sana kung andito ako lagi ma-alagaan ko siya pero wala ako lagi sa tabi niya. Paano kung isang araw madatnan ko itong walang nang buhay dahil si Andrea parang nawawala na ito sa katinuan niya.
"Anak gusto ko sila parehong alagaan kaya napagkasundu-an namin ng Daddy mo na dumito muna kami para personal ko silang maalaga-an..
"Hindi na ako kokontra sa desisyon niyo Dad dahil mahal na mahal kung silang dalawa kaya maraming salamat.."
Ngunit habang lumalaki si Andrew hanggang naging 4 na taon ito kahit kunting pagmamahal galing sa ina ay hindi ito nabigyan,bagkus puro galit at pananakit physically at emotionally ang natanggap mula sa ina.Lumaki ito na may galit at walang tiwala sa sarili..
Umabot na sa Edad na 15 hindi parin sila magkaayos ng Ina.
"Andrew ano oras na ngayon ka lang umuwi?"inis na wika ng Ama
"Daddy sorry gusto ko lang uminom at gumala para maibsan at makaiwas kay Mom"
"Anak marami akong natatanggap na tawag tungkol sa mga kalokohan na pinagagawa mo sa school kaya please! sana ito na ang huli.."
"Ang sabihin mo walang kwentang anak ka talaga.Sana inipit na lang kita noon ng umi-ire ako sa'yo para hindi kana nabuhay kasi hanggat nakikita ko ang pagmumukha mo nasisira ang araw ko kaya sinumsumpa ko ang araw na nakikila ko ang Ama pati ang araw na pinanganak kita."sabat ng Ina
"Andrea please it's been 15 years ago nakalipas masaya na sila.Sana kalimutan mo na ang nangyari para naman sumaya ang buhay natin."saway naman ni Nathaniel sa asawa.
"Matatahimik lang ako kung makikita silang umiiyak at nasasaktan tulad nang ginawa nila sa akin..Matatanggap ko pa kung ibang babae ang pinakasalan niya pero ano? mas pinili niya pa ang bestfriend ko kay sa amin ng anak ko kaya dapat lang sila magdusa."Galit na saad ni Andrea.
"Pero sana si Andrew huwag mo idamay, mahalin mo ang anak mo Andrea.Maawa ka sa kanya dahil siya ang nagdudusa."
Matatapos na din ang paghihirap niya dahil pagbabayarin ko ang anak nila.
"What do you mean Andrea..?"
"Secret!! sabay halakhak nito na parang baliw.
Naluluhang tumalikod si Andrew dahil kahit galit siya dito sa Ina nanaig parin ang awa niya.
"San ka pupunta Andrew?"tanong ng Ama nito.
"Daddy kina lola at lolo muna ako,mas maigi narin ito dahil naawa na rin ako kay Mommy.Patuloy lang kami masasaktan kung na sa iisang bubong lang kami nagsasama."
"Malaki kana! ilang years ko rin kayo pinagkakasundo pero walang nangyari kaya tama ka siguro. Basta mag-ingat ka doon ipapahatid kita sa driver at please umiwas ka anak sa gulo.
Niyakap niya ang Ama."Thank you Daddy dahil kahit hindi mo ako anak,kahit minsan hindi mo pinaramdam sa akin na iba ako,na hindi mo ako kadugo.ingatan mo si Mommy!"
Ngunit ang Ina palihim na tinatanaw ang anak.Nasasaktan din ito dahil kahit kailan hindi niya ipinaramdam kung gaano niya ka mahal ang anak..
"I'm sorry anak kung idinamay kita sa galit ko sa Ama mo sana mapatawad mo ako."mahinang saad ni Andrea sa sarili.
Halos limang buwan na si Andrew sa Probensiya ng mabalitaan ang masamang nangyari sa Ina.Nagpakamatay 'to sa harapan ng mag-asawa Fox
"End o flashback"
"Bro! bakit nakatulala kana naman.Ngayon kasal na kayo ni Margaret dapat masaya ka na dahil nagtagumpay kana sa plano mo."saad ng kaibigan niya.
"Tiniis ko na hindi makita ang Ina ko hanggang sa ilibing siya dahil hindi ko pakaya humarap sa ama ko.Wala akong inasam kung hindi maipaghiganti ang Ina ko."seryosong saad ni Andrew.
"Paano kung malaman ng kapatid mo at asawa nito dahil matalik nila 'tong kaibigan.B-baka magalit sila."
"Hindi niya malalaman ang totoo na magkapatid lang kami sa Ama.Ngayon patay na si Daddy at Tita walang nang nakakaalam ng secreto namin."sabay hithit ng sigarilyo.
"Bro,Paalala lang na mag-ingat ka dahil walang sekreto na hindi na bubunyag."pangaral ng kaibigan nito kan'ya.
"Hindi niya malalaman kumg sini ako Bro.Gusto ko ipamukha sa walang kwentang kung Ama kung sino ako sa buhay niya.Ipaalala ko sa kanya ang anak na inabandona niya ay manugang niya ngayon."
"So,ano ang plano mo ?Pwedi ba kalimutan mo na ang bangongot ng buhay mo.Mabait naman si Marga kaya itigil mo na ang paghihinganti mo."
"Magdusa siya.Ang malas niya lang dahil siya ang naging ampon ng wala kung kwentang Ama."Tumungga 'to ng alak.
"Sige,tama na iyan.Umuwi kana dahil baka nag-aantay na si Marga sa'yo.Tatlong araw na kayong kasal hindi pa siya nakatikim ng heaven."Pilyong saad nito.
"Mali,dadalhin ko siya sa emperno!" nauutal na saad nito.
Inakay si Andrew ng kaibigan at hinatid sa bahay nila ni Margaret.Nakailang doorbell pa 'to bago pinagbuksan ng katulong.
"Nasaan ang Ma'am niyo?"tanong ng kaibigan nito.
"Nasa silid na po si Ma'am."sagot naman ng katulong.
"Manang dumating na ba ang Sir niyo?"tanong ni Marga habang pababa sa hagdan.
"Magandang umaga sa'yo Marga.Hinatid ko lang asawa mo dahil hindi niya na kaya mag-drive."
"Thank you Jude?Tulungan mo nalang ako i-akyat siya sa taas."
Pagkaalis ng kaibigan tumulo ang luha ni Marga dahil sa sakit nararamdaman niya.Hindi alam ng mga kaibigan niya at magulang ang dinadanas niya kay Andrew.Kahit bagong kasal palang sila ibang babae na ang katabi nito.Gabi-gabi siya umiiyak dahil dito.
"Hindi ko alam kung ano kasalanan ko sa'yo Andrew bakit sinasaktan mo ako ng ganito.Ayaw ko dumating na makalimutan kita."mahinang saad nito habang pinapalitan ng damit ng asawa.