"Saan tayo tutuloy dito?"Seryosong tanong ni Dannus.Kakapasok lang nila sa Philippines Area.
"Don't worry about sa tutuluyan natin.May bahay ako nabili dito sa maynila.At kahit isa sa mga kaibigan ko at pamilya,walang nakakaalam."Walang emosyon na saad ni Izumi.Ibinigay n'ya naman ang Map at isaktong location ng bahay n'ya sa piloto.Mayroon din 'tong maliit na paliparan sa likuran ng bahay.
Minus 15 minutes bago mag 12 noon sila lumapag sa Bahay ni Izumi.Pagkababa nila ng Private plane.Sobrang namangha ang dalawa dahil sa lawak at ganda ng bahay ni izumi.
"Magandang hapon Ma'am."Saad ni Manong Isko.Mag-asawa ang namamahala sa bahay n'ya.Bago siya hatulan, pinagbilin n'ya dito at sinabi ang plano n'ya.Tested na ang loyalty ng mag-asawa dahil sa laki ng utang na loob nito sa kan'ya..
"Let's go Manong."Sumakay na silang lahat sa Van na dala ni Manong.Kailangan sumakay ng sasakyan papunta ng bahay dahil malayo 'to.
"Wow ang ganda ng bahay mo."Manghang-mangha na saad ni Dannus.
"Don't worry since anak naman ang turing ni Daddy sa'yo.Ituring mo din to sa'yo."Magpahinga na kayo at may dadalawin lang ako.
"S-saan kanaman pupunta?"Tanong ni Kasuko kay Izumi.
"May dadalawin lang ako."Hindi na inantay pa sumagot sina Kasuko at Dannus.Umakyat na 'to at nagbihis.
Pagkababa ni Izumi mula sa taas na daanan n'ya ang dalawa na nakutulog na ang mga 'to sa sofa.Mukhang pagod na pagod.Napailing-iling nalang si Izumi.
"Manang aalis ako ngayon.Kasama ko si Manong Isko.Kayo na po ang bahala sa kanilang dalawa."Ang mag-asawa ang nakakaalam kung saan pinalibing ang kan'yang anak ng siya ay nakunan. Kahit dugo palang 'to,binigyan n'ya parin ng maayos na himalayan.
Si Manong Isko at Mang Vicky ang nag-alaga kay Izumi ng maliit s'ya hanggang sa pagtanda.Umalis lang 'to ng nagkasakit ang kanilang anak.Sila din ang dahilan kung bakit bumili siya ng bahay.Pinatira niya ang pamilya ni Manang Vicky sa kan'yang bahay at pinag-aral ang kaisa-isang anak.Kaya ng nakunan s'ya ang mag-asawa ang unang n'yang tinawagan para i-palibing ang anak n'ya.
"Ma'am sigurado n
ka,nalalabas ka?Baka may makakita sa'yo."Nag-aalalang saad ni Manong Isko.
"Don't worry Manong,kaya ko ang sarili ko ."Bumaba si Izumi na may halong excitement,kaba at lungkot.Bitbit ang dalang bulaklak para sa anak.
Nakasuot ng Jacket na itim na may hoody at nagsuot din 'to ng sunglass.Bumabalik lahat ang kirot sa kan'yang dibdib sa tuwing naalala ang anak.Pagkalipas ng halos 20 minutes bumalik na 'to sasakyan kung saan nag-aantay si Manong.
"Manong let's go.Pupunta tayo sa bahay.Gusto ko makita sina Mommy at Daddy."Saad ni Izumi.Ang tinutukoy nito ay ang mga umampon at nagpalaki sa kan'ya.
"Okay Hija! wala ka bang balak dalawin ang puntod mo?"Nag-aalangan na tanong ni Manong.
Napahinto saglit si Izumi dahil sandali n'yang kinalimutan ang nakaraan habang busy s'ya sa Japan.
"No need.Hayaan mo muna silang maniwala na patay na ako.Hindi pa ako tapos sa mga taong sumira ng buhay ko."Walang emosyon na saad nito.Walang imik na nag-d-drive si Manong ganun din Izumi.
Habang binabagtas nila ang kahabaan ng kalsada ng bigla may nag-over take na dalawang sasakyan sa kanila.Sobrang bilis 'to at halatang naghahabol ang sa hulihan.Pinabilisan n'ya ng kunti ang pagpatakbo ng sasakyan kay Manong Isko.
"Fuck...Hindi ko makalimutan ang Plate number na iyan.Manong ayaw ko madamay ka.Bumaba ka dito.Maraming taxi ang dumadaan dito.Umuwi kana at susundan ko si Marisol."Pumayag naman ang matanda.Ayaw din kasi nito salungatin ang gusto ni Izumi.
Pagkababa ni Manong.Agad Sinundan ni Izumi ang dalawang sasakyan at pinatakbo ng mabilis.Palinga-linga s'ya ngunit hindi n'ya na 'to makita.Hindi s'ya tumigil sa pag-drive.Sinuong n'ya ang bawat sulok ng daanan hanggang sa nakarating s'ya sa isang abandonadong building.Malayo palang natanaw n'ya na ang sasakyan ni Marisol.
Nagmasid-masid muna si Izumi.Nang masigurado na walang tao.Pinark n'ya ang kan'yang sasakyan sa tagong lugar,pagkatapos kinuha n'ya ang kan'yang katana,pana at baril.Halos mata lang ang makikita sa kan'yang suot.
Pagdating n'ya sa bungad ng building.Nakita n'ya na maraming bantay at puro armado 'to.Pumosisyon s'ya at isa-isa pinana ang mga kalalakihan.
Papasok na sana s'ya sa loob ng makita s'ya ng lalaki sa kabilang pinto.
"May kalaban,"sigaw ng lalaki.Bago pa maka-sigaw ulit.Tinalonan n'ya 'to at tinarakan ng katana sa leeg.Pagkatapos hinahawakan n'ya 'to sa buhok at tinanong.
"Saan n'yo dinala ang babaing sakay ng pulang sasakyan?"Mariin na tanong n'ya sa lalaki.
Pilit naman tumawa ang lalaki kahit lumalabas na ang dugo sa bibig n'ya."H-hindi m-mo na s-sila m-maabutan d-dahil s-sa n-ngayon s-sigurado a-a-ako n-na k-kin-nakatay sila..........."Nang marinig ni Izumi ang sinabi ng lalaki nanilim ang kan'yang paningin.Kaya hinugot n'ya ulit sa leeg ng lalaki ang katana at tuluyan pinutol ang ulo.
"No,hindi pwedi may mangyari kay Sol."Seryosong saad nito.Hindi alintana ni Izumi ang tumutulo na dugo mula sa kan'yang katana.Tumalon 'to mula sa mataas na palapag,patungo sa isang silid kung saad naririnig n'ya ang boses ng lalaki at babaing sumisigaw.
"Tama na.Huwag n'yo idamay si Condrad.Ibalik n'yo na si Kuya Oscar."Sigaw ng babaing mula sa loob ng malaking silid.At nasisigurado n'ya na boses 'to ni Sol, ang pinakamatalik n'yang kaibigan.
"Paano namin ibabalik ang Kuya mo kung kasama na s'ya na si Hudas,"sabay tawanan ng mga sa loob.Dalawang putok ng baril at sigaw ng lalaki ang sunod n'yang narinig.
Pagdating sa pinto.Walang alinlangan n'ya itong pinasok.Hindi ininda ang sakit sa pagkabangga ng pinto.Kitang-kita n'ya ang isang lalaki na dugu-an,wala 'tong damit at bugbog sarado.Ngunit ang kinagalit n'ya ng husto ng makita si Marisol na puro pasa ang mukha at tama sa tagiliran.
"Sino ka?"Gulat na gulat na tanong ng isang lalaking bigotelyo at mahabang buhok.Samantala hindi nakagalaw si Sol sa kinatatayuan at titig na titig sa mga mata ni Izumi.
Walang emosyon na inilibot ni Izumi ang kan'yang paningin.At mabilis na inihagis ang dalawang smoke grenade.Nang umusok na ang loob mabilis n'ya kinuha si Sol at Condrad.Pinunit n'ya ang damit ng isang armadong nakabulagta at ginawang mask para kay Condrad at Marisol.
Pagkatapos masi-ayos ang dalawa parang hangin 'tong nawala at mag-isang kinalaban ang mga 20 katao.Halos 2 minuto lang ang itinigal ng smoke bomb,at lahat ng kalaban ay nakabulagta na.Ang iba ay wala ng ulo at iba naman ay may mga nakatarak na pana sa dibdib.Pagkatapos matiyak na wala ng kalaban.Agad n'ya nilapitan si Condrad na walang malay.Pinulsuhan n'ya 'to.Nang masiguradong buhay pa,lumipat s'ya kay Marisol.Tinalian n'ya ang dumudugong sugat nito sa balikat.
Nakatingala naman si Marisol sa kan'ya.May mga luhang umaagos sa mga mata ng matalik na kaibigan.Hinawakan siya ni Marisol sa kamay at hinagkan.
"M-marga.....M-marga?"Saad ni Sol bago mawalan ng malay.
Binuhat n'ya una si Sol at dinala sa sasakyan pagkatapos sunod naman si Condrad.Bago umalis sa lugar tumawag s'ya ng pulis upang ipaalam ang nangyari.
Sa isang malapit na Hospital n'ya dinala ang mga kaibigan.
"Ma'am relation to the patient?"Nakangitng tanong ng nurse.
"Wala.Ito ang wallet at id ng babae. "Walang emosyon na saad n'ya sa Nurse.
Habang busy ang nurse sa pagsusulat tungkol sa impormasyon ni Sol.Napalingon s'ya banda sa pintuan at nakita n'ya ang paparating na mga kaibigan.Medyo natutula s'ya ng kunti.
"Nurse kami ang kaibigan at pamilya ni Mrs Marisol Oliver Meriths."Saad ni Marites.
Nang marinig ang sinabi ni Marites tsaka s'ya nagbalik sa kan'yang katinuan.Dahan-dahan s'ya tumagilid at sumabay sa hanay ng Doctor.
"Nurse sino ang nagdala sa asawa ko dito?"Nag-aalalang tanong ni Spencer sa Nurse.
Umangat ng ulo ang nurse at hinanap ang babaing kanina-kanina lang ay kausap n'ya.
"Ma'am bago po kayo dumating andito lang s'ya kausap ko."Nagtatakang saad ng Nurse.
"Nakuha n'yo ba ang pangalan.Nakita mo ba ang mukha."Sunod-sunod na tanong ni Marie.
"I'm sorry mga Ma'am pero naka mask 'to.At tanging mata lang ang nakita ko."
"Ay,sayang.Hindi man lang tayo nagpasalamat.Ang sabi kasi ng mga pulis may tumawag sila tungkol kay Sol at ng tinanong nila about sa pangalan bigla nalang pinatay ang tawag."Nanghihinayang na saad ni Spencer,ang asawa ni Marisol.