Chapter 4

1207 Words
Pagbalik ni Marga sa silda niya, nasa pinutuan palang siya ng silda may mga sigang babae na ang nakaabang sa kan'ya.Inaantay lang ng mga 'to na paalisin ang pulis bago nilapitan si Marga. "Mukhang bago ka dito.Walang mayaman sa amin dito.Ang patakaran ko dito bilang leader ng silda ay siyang masusunod.Una,isang buwan kang maglilinis ng Cr dito.Mamasahiin mo ako pagdating sa gabi."Nakangising saad ng babae na nagpakilala na leader.Todo tawanan naman ang mga kasamahan nito maliban sa isang babae na nakaupo sa sulok.Mukhang nasa 4O na ang edad nito pero halatang batak 'to basi sa hubog ng pangangatawan. "Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"tanong na inis ulit ng babae. "Boss mukhang lalaban yata 'yan.Bigyan natin ng sample!" pang-uudyok nito sa leader. Tiningnan lang sila ni Marga na parang walang narinig.Umakmang talikuran na sila ni Marga ng hinila siya ng leader sa buhok. "Putang-ina mo.Tingnan natin ang tapang mo ngayon."Sinampal niya 'to ng magkabali-an pisngi pagkatapos hinawakan sa balikat at saka tinuhod ang sikmura.Napaluhod si Marga ngunit hindi nakitaan ng takot sa mga mata nito .Walang reaksyon 'tong tumayo at humarap sa leader. "Lalaban ka talaga?"Inabot ng isang babae ang kutsilyo sa leader pagkatapos agad nito sinugod si Marga upang saksakin,Nakaiwas 'to sa unang sugod pero sa pangalawa hindi.Tinamaan ang 'to sa pisngi.Agad naman kinapa ni Marga ang mukha niya.Nang makita ang dugo sa mga kamay niya nanginig 'to at nanlaki ang ang itim sa mga mata niya parang kakain ng buhay.Napaatras silang lahat. "Tapos na ba kayo?"Hindi niya maintindihan pero parang may sariling utak ang mga kamay at paa niya.Agad niya sinugod ang leader at hinawakan ang kamay na may hawak na kutsilyo pagkatapos pinaikot niya 'to at sinipa.Nang a-akmang susugod na ang mga ka-grupo nito tumayo ang misteryosong babae sa sulok. Tigilan niyo na siya dahil kung hindi ako ang makakalaban niyo.Lahat nagsitigil naman at pinagtulungan buhatin ang babaing tinatawag nilang leader. "Okay kalang?Punasan mo ang sugat mo!"sabay hagis nito ng maliit na towel. Lumapit si Marga sa babae at umupo sa gilid nito. "Thank you.B-bakit mo ako tinulungan?Hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang kaso ko?at saka bakit siya ang leader pero takot sila sa'yo."naguguluhan na tanong ni Marga. Ngumisi naman 'to at humarap sa kay Marga."Isa ako sa Protector mo.Ipinadala ako ni Master upang bantayan ka at itakas dito sa kulungan." "Alam ko na mahina ako pero huwag mo ako lokohin dahil hindi mo ako mauuto." "Hindi ka mahina Izumi.Hindi ka ba nagtataka bakit may tattoo ka sa likod ng balikat mo?" Napahawak si Marga sa balikat niya.Matagal niya tinatanong sa Ina niya ang tungkol sa tattoo niya.Isa 'tong dragon na may pangalan Izumi,pero wala din maisagot ang mga magulang niya.Ang tanging alam niya lang ay ng ibinigay siya ng isang babaing japanese na sugatan may nakaukit na sa balikat niya.Ang sabi pa ng Mommy niya,hindi na nakapagsalita ang babae dahil agad 'to binawi-an ng buhay. "Kung totoong Izumi ang pangalan ko.Sino ang mga magulang ko at paano mo nalaman na andito ako." "Nasa bahay niyo na ako sa Maynila ng tumawag ang asawa mo sa Mommy mo tungkol sa nangyari.Agad ko naman tinawagan si Master ang Ama mo.Kaya agad siya kumilos at tinawagan ang mga kapwa Gangster dito.Ipinasok nila ako dito sa kulungan ng walang kahirap-hirap.Tungkol naman sa tanong mo bakit takot sila sa akin.Ang ginawa nila sa'yo ginawa rin nila sa akin pero nakikita mo ang mga bukol at pasa nila ako ang may gawa niyan." "B-bakit sa tagal ng panahon ngayon lang ako hinanap ng Ama ko?Galit na saad nito. "Si Master Azumi ang tumakas sa'yo ng time na sinugod kami ng ibang Gangster.Bagong salta lang kami noon sa Japan.Pinatawag si Master ng Lolo mo upang siya ang magpalit bilang leader ng Tanaka-Gang.Nagalit ang ibang ka-grupo ng lolo mo at mga half brother nito kaya bumuo sila ng pag-aklas laban sa grupo ng Ama mo.Dalawang taon ka palang noon,dahil sa bago palang ama mo at hindi pa bihasa masyado sa pakikipaglaban, natalo kami.Tininulungan ko ang Ina mo na itakas ka pero sa kasawi-ang palad hindi kami pinalad matakas ng tuluyan,bago siya mamatay naibigay ka niya sa mag-asawang bakasyonista.Iyon ang mga umampon sa'yo."Mahabang salaysay ng babaing nagpakilala na Protector niya.. "A-ano ang pangalan mo?"Tanong ni Marga sa babae. "Tawagin mo nalang akong Kasuko Gumi,Oi!"nakangiting saad niya dito. "What do you mean?"konot-noo na tanong ni Marga. "Oi is a Japanese language na ang ibig-sabihin ay pamangkin.Kapatid ako ng Hahaoya(nanay)mo?.Matagal na namin alam kung nasaan ka,pero hindi ka namin ginambala dahil ayaw namin madamay ka pa sa gulo.Gusto ng Ama mo na magkaroon ka ng tahimik na buhay dahil ayaw ka niya matulad sa kanila.Pero......."Hindi na tapos nito ang sasabihin dahil naluha na 'to. "Ano ang nangyari?B-bakit?"nagtatakang tanong ni Marga. "Inataki sa puso ang ama mo.Kailangan na may papalit sa kan'ya at wala na akong maisip na iba,tanging ikaw nalang." "Wala akong alam! saka malabo akong makalabas dito." "Ako na ang bahala sa pagtakas natin.Ayaw mo ba makaganti kay Geneva?Paano kung sasabihin ko sa'yo na pamilya ni Geneva ay isa rin sa napipintong papalit sa ama mo kung sakali na matalo nila 'to sa duelo."Sumalubong ang kilay ni Marga dahil sa narinig. "Paano naging involve si Geneva?"konot-noo na tanong ni Marga. "Alam mo ba nasa plano niya na patayin ang kapatid niyang lalaki dahil ayaw niyang may kahati sa kayamanan ng Ama.Ang angkan ni Geneva ang pumapangalawa na mahigpit na kalaban ng Ama mo."Mahabang lintaya ni Kasuko. Niyukom ni Marga ang mga kamao nito."Pumapayag na ako.Babalikan ko silang lahat.Lahat ng nagpahirap sa akin."Mariin na saad nito. "Mabuti naman.Pero hindi magiging madali ang lahat.Kailangan mong maging itago ang sarili mo habang nasa training tayo,na kahit mga magulang mo at mga kaibigan mo ay hindi nila malalaman kung sino ka.Para na rin 'to sa kaligtasan nila.Kailangan mo ng masinsinan na training." "Hoy,kayong dalawa tumayo na kayo at maglinis ng Cr!" sigaw ng isang babae bilanggo. Tumayo si Marga upang kumontra pero pinigilan 'to ni Kasuko."Kailangan mo ng Disiplina at importante control your temper kasi ang padalos-dalos sa desisyon ay nakakasira ng plano at diskarte.Lagi mo iyan tandaan.Tara na,isipin mo nalang umpisa na 'to ng traning.Ang paglilinis ng Cr ay maiging training para tumibay ang sikmura mo. Hindi na 'to kumontra.At sumunod narin kay kasuko bitbit ang mop at balde.Walang nangingialam sa kanila. Habang buo na ang plano ni Marga na kalimutan pangsamantala ang mabait at mapagmahal na Margaret Fox.Halos kagatin naman ni Andrew ang kan'yang siko para lang ibalik ang kahapon. Kahit labag sa kalooban ni Marisol na tulungan si Andrew sa gulo na pinasok nito.Nasangkot 'to sa suntukan sa isang bar.Nag-alangan pa ng una si Marisol na sumama kay Nathan para sunduin at ariglohin ang kaso ni Andrew,nanaig parin sa kan'ya ang pagiging mabuting kaibigan.Pinaki-usapan siya ni Marites na tulungan si Andrea kaya tumulong 'to. Naglasing si Andrew sa kadahilanan na ayaw ng mga kaibigan ni Marga na kausapin niya ang kan'yang asawa.Lalong pinagsisihan niya ang kan'yang ginawa dahil nalaman niya ang totoo.Kaya pala nagpakasal ang ama niya sa bestfriend ng Ina para iligtas ang mga bukirin at ari-arian nito.Ang masakit pa, kahit inaakala ng Ama ni Andrew na patay na siya.Patuloy pa rin 'to nagcelebrate ng birthday niya.Kaya kahit magsisi man siya, huli na ang lahat dahil sinaktan niya na ang kan'yang Asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD