Naiilang si Milay sa magkabilaang katabi niya. Alam niya naman kasi na may mga plano ito sa kanya. Ngunit dahil sa gusto n'ya mapalapit sa pamilya at kaibigan ni Matthew kaya sunod-sunuran siya sa gusto ng mga 'to. Aakmang kukuha ng pagkain si Milay nang biglang binangga ni Brianna ang kamay ni Milay kaya natapunan 'to ng mainit na sabaw. Napatayo si Milay at maluha-luha 'to dahil sa umuusok pa ang ulam. "Fuck... Sinadya mo, I saw it." Galit na bulyaw ni Matt kay Brianna. "It was an accident. Kasalanan ko ba na tatanga-tanga s'ya." Irap ni Brianna kay Matt. "Nagtitimpi lang ako sa'yo dahil kay Mommy." Galit na saad ng binata habang mariin na hinahawakan ang braso ni Brianna. "Kuya enough. Aksidente lang naman. At saka namula lang naman ang balat ni Milay." Naiinis na saad ni Andr

