Chapter 6

1224 Words
Dalawang taon na ang nakalipas. Pero hindi tumutigil sa pag-t-training si Marga sa paghawak ng katana, Martial arts,naging experto na rin 'to sa pagamit ng pana at sa larangan baril.Bago 'to sumabak sa training pinagupitan nito ang mahabang buhok.Lagi 'to nakatakip ang mukha sa tuwing lumalabas.Bahay, mission at pagsasanay lang ang pinag-uukulan n'ya ng oras. "Izumi,wala ka bang balak na i-paayos ang pilat mo sa mukha."Tanong ni Kasuko sa dalaga. "No,walang akong balak na ipaayos 'to.Ito ang ala-ala na minsan naging Ina ako.Ito ang magpapa-alala sa mga ginawa nila sa akin.Hindi nila deserve maging masaya."Seryosong saad nito habang inaayos ang gloves sa kamay niya.Isang malaking pilat ang nakuha niya sa rambolan sa loob ng kulungan at 'yon din ang araw nalaman niyang buntis siya,pero huli na ang lahat dahil nakunan din s'ya sa araw na 'yon. Bumungtonghininga si Izumi at umakyat na sa Ring."Halika ka na mag-umpisa na tayo."Yaya nito kay Kasuko.Simula dumating si Marga sa Japan walang tumatawag sa kan'ya ng kinalakihan na pangalan.At nasanay na rin siyang tinawag na Izumi. Simula ng malaman niya na buntis si Geneva.Lahat ng Account niya ay dini-activate niya.Naging mabagsik 'to at katakot.Sa tuwing may papatayin 'to,walang awa niyang pinupugatan ng ulo o kaya minamarkahan ng L tulad ng marka sa mukha niya. Naglalaan 'to araw-araw ng oras para sa boxing.Siya ang nagmamay-ari ng Gym na 'to kaya walang limitation ang pagsaaanay niya dito. "Sino siya?tanong ni Dannus na kakarating lang.Isa 'tong business tycon at Matunog ang pangalan nito sa Japan dahil sa sobrang tuso 'to pagdating sa Negosyo. "Master Dannus siya po si Izumi"Siya ang namumuno ngayon sa pangkat ng Tanaka dahil nagkaroon ng karamdaman si Master Azumo."saad ng kanang kamay ng Binata. "She's so look good at hot.I like her.Gusto ko mag-invest sa Company n'ya."Nakangising saad ni Dannus habang titig na titig kay Izumi. Nakasuot ng Sport bra at leggings na black si Izumi kaya kitang-kita ang hubog ng katawan nito. "Hey, I like you."saad ni Dannus ng dumaan sa harap niya ang dalaga.Hindi pinansin ni Izumi si Dannus at patuloy umalis.Sumenyas naman si Dannus sa mga tauhan na harangan 'to. "Ma'am tinatawag kayo ni Master."saad ng mga tauhan ni Dannus. "I don't know him.Kaya kung ayaw mo pagbali-baliin ko ang mga buto mo huwag kang humarang sa daanan ko."Mariin na saad ni Izumi. "Kinakausap kita kaya huwag mo akong talikuran."Inis na saad nito. Taas kilay na lumapit si Izumi kay Dannus at tinapik ang balikat ng Binata."Kung gusto makipaharotan,wala akong oras.At saka hindi ako pumapatol sa duwag."Tumalikod ang dalaga at sinuklay ang buhok sabay suot ng sunglass. "Tara."Matipid na tawag niya kay kasuko. "Izumi ayaw mo ba sa kan'ya?"Curious na tanong ni Kasuko. "Wala akong balak makipagrelasyon kahit kanino.Ngayon maayos na si Daddy pwedi na ako bumalik ng pilipinas." "Don't worry nag-usap na kami ng Daddy mo,at pumayag na siya pero sa isang kondisyon sasama ako."saad ni Kasuko. Napailing-iling nalang 'to at nagpatuloy sa pag-drive. "Izumi.Yoi musuko to anata wa koko ni imasu."Bungad ng Ama sa kan'ya. "Dad parang ang ganda ng ngiti mo,anong meron?"Nagtatakang tanong ni Izumi. "May bisita tayo at nasa sala siya."excited na saad ng Ama ni Izumi.Matagal niya na kasi Kilala si Dannus. Sumunod naman sila ni Kasuko sa sala at napamura 'to ng makita kung sino ang bisita nila. "Fuck...What did that man do in our house?"Konot-noo na tanong ni Izumi. Taas kilay din ang sagot ni Kasuko sa kan'ya kaya lalo siyang naiinis. "Dad magbinihis lang ako, pagkatapos baba din ako agad."Kahit ayaw niya harapin ang makulit na binata,bumababa parin 'to dahil ayaw niya ipahiya ang Ama. Mabilis lang siya naligo at bumababa na.Pagdating niya sa sala wala ng tao,pumunta din 'to sa secret office nila,wala pa ding tao kaya minabuti niya nalang magluto ng Ramen.Ito kasi ang pinakamadaling lutuin at naging favorite n'ya 'to simula ng dumating siya sa Japan.Naging Independent lalo 'to.Never 'to tumawag ng katulong dahil s'ya mismo ang nagluluto para sa sarili.Nag-iingat lang 'to simula ng may nagpanggap na katulong at planong lasonin silang lahat. "Can I Join?"bungad ni Dannus sa pintuan mula sa likuran ng bahay. Napaubo naman si Izumi ng biglang sumulpot ang binata. "Pwedi ba huwag kung sumusolpot bigla dahil baka magulat ang kamay ko at mapugutan kita ng ulo."Sarkatiskong saad ni Izumi. "Teka lang huwag kanaman magtaray.Ganyan ka ba talaga dahil niloko ka ng asawa mo?"Nang marinig ang sinabi ni Dannus halos buong katawan niya ay sumilab ang apoy.Agad niya kinuha ang dalawang maliit na kutsilyo at binato kay Dannus.Namutla naman 'to. Mabuti nalang nailagan niya ang mga kutsilyo. "Fuck...Andito ako para tulungan ka.Kakampi mo ako at hindi kalaban.Nakita kita kung paano ka makipag-away o makipagtunggali sa ibang pangkat.Nasaksahin ko kung paano mo sila pinugutan ulo at pinagbali-bali ang mga buto nila.Simula doon nagka-interest na ako sa'yo.I like you dahil ikaw ang hinahanap ko maging kapatner ko para mapuksa ang angkan ni Geneva." "Pinagloloko mo ba ako?"salubong ang kilay ng Dalaga habang seryosong nakatingin 'to sa binata at sinusuri ang kabuuan nito. "Let me finish.I found out na ang mortal ko nakalaban ay siyang pinaghahandaan mo din.Plus points nalang talaga si Geneva ang gustong mong balikan.Ang gusto ko lang naman ay maging kapartner kayo sa negosyo at ng sa ganun lumawak ang nasasakopan ko." "Izumi ano ang nangyayari dito?Bakit nakatarak ang kutsilyo mo sa leeg ni Dannus.Ibaba mo 'yan at baka masugatan mo siya"Naguguluhan na tanong ng ama ni Izumi.Tinanggal niya naman ang kutsilyo sa leeg ng binata at umupo ulit. "Thank you Mr. Tanaka .I told her already about my plan.Pero mukhang tagilid ata."Konot-noo na saad ni Dannus. "Oh sige mag-usap kayong mabuti.Izumi ikaw na ang bahala kay Dannus at may pupuntahan lang kami ni Kasuko.Harapin mo siya ng Maayos. "Mariin na bilin ng Ama. Umupo si Dannus malapit kay Izumi."Galit ako kay Geneva.She's the reason kung bakit namatay ang Ina ko.Pinagplanohan nila kaming patayin ng Ina ko.She's not the real daughter of a gangster.Step daughter lang siya.Magpapakasal na sana ang Ina ko at si Master Aoi ngunit ginawaan nila ng paraan ang Ina ko.Pinagbintangan nila ang Ina ko na nagtaksil kaya kami pinalayas.Namatay ang Ina ko dahil sa depression." "Anong pinaka-reason ng depression ng Ina mo?biglang sabat na tanong ni Izumi."Nagka-interest 'to sa sinabi na huli ni Dannus. "Simula ng nakunan siya.Araw-araw siyang umiiyak hanggang sa hindi na siya kumain.Kaya simula noon ipinangako ko na ipaghihiganti ko sila ng kapatid ko."Napasinghap naman si Dannus habang nagkukwento tungkol sa Ina. Napayukom naman si Izumi dahil bumalik ang sakit sa puso niya."Ano plano mo kung sakali pumayag ako sa gusto mo na makipagsanib ako sa'yo." "Arigatōzaimashita Izumi.Mag-ayos ka at may pupuntahan tayong mamayang gabi."seryosong saad ni Dannus. "Teka lang.Hindi porket pumayag ako sa kagustuhan mo pwedi mo na ako dalhin kahit saan."Singhal ni Izumi sa binata. "Ayaw mo ba makita ang dating asawa mo?May party mamayang gabi sa bahay ng kasosyo ko.Invited ako ganun din ang dating asawa mo at si Geneva.Hindi ko lang alam kung kasama nila ang anak nilang lalaki." Napalunok naman ng laway si Izumi dahil nasasaktan siya sa tuwing nakakarinig siya ng kwento tungkol sa bata. Nagdilim ang aura ng mukha n'ya. "Saan tayo magkikita mamaya?"Mariin na tanong nito kay Dannus. "Obcourse susunduin kita.Be ready.Magkikita na kayo ng asawa mong manloloko." Pagkatapos sabihin ni Dannus ang plano niya tungkol sa kay Geneva nagkaroon din s'ya ng sariling idea kung paano sisingilin ang mga taong pinahirapan s'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD