bc

When I Was Yours

book_age18+
1.0K
FOLLOW
3.4K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
second chance
sensitive
billionairess
drama
bxg
city
first love
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Elysha sa isang mayamang angkan. She was born with a gold spoon in her mouth. Lahat nalang ata ng gusto niya ay kaya niyang kunin but still she didn't grew up as a spoiled brat. Alam na ni Elysha na hindi siya ang pipili ng lalaking pakakasalan niya dahil bata pa lang siya ay iyon na ang tinuro sa kanila ng mga magulang niya. Wala rin namang naging interes si Elysha sa mga lalaki maliban nalang sa isang taong nag ngangalang Kayden Jace West na matagal na niyang gusto simula pa lamang nung mga bata sila. At dahil nga malapit ito sa kanila ay madalas silang magkita. Mabait naman ito sa kaniya ngunit hindi nga lang siya madalas pansinin ng binata dahil cold type ito. Ano nalang kaya ang mangyayari sa kanila kung isang araw ay sila pala ang ipinagkasundong ipakasal? Okay naman iyon kay Elysha pero pano nalang si Kayden dahil may girlfriend ito?

chap-preview
Free preview
Prologue
Busy lahat ng mga tao sa pamamahay ng mga Carter. Naka graduate na kasi ang kuya ni Elysha na si Vaughn Carter, ang pinaka matanda sa kanilang magkakapatid. At ngayon din ang nakatakdang engagement party ng kuya niya. “Ano ba yan nakakatamad na talaga yung nga ganitong party hindi ba sila nagsasawa tsk.” Napatingin si Elysha sa bunso nilang kapatid na si Anastasia. Anastasia is the complete opposite of her. Spoiled brat ito at rebelde pero kahit ganun ay hinahangaan niya ang bunso niyang kapatid dahil kaya na nitong panindigan ang mga sinasabi. Hindi ito nagpapa-under sa mga magulang nila kaya ganun na lamang ang init ng ulo ng daddy niya rito. Elysha on the other hand is the family oriented one. Ang kuya at ang bunso niya kasi ay parehong magkasundo. Lumaki sila sa mayamang pamilya kaya importante ang pangalan sa kanila dahil iyon ang nagpapatuloy ng kanilang legacy “Wala tayong magagawa Sia, you know it’s a family ritual,” sagot ni Elysha sa nakababatang kapatid. “Tsk kailangn ba talaga ipagsigawan sa buong pilipinas yung nangyayari sa pamilya natin? Duh puro kaplastikan naman lahat nakakaasar!” Nagsiyukuan naman ang mga make up artist na nag aayos sa kanila ngayon. Andito kasi sila sa salon sa loob mismo ng mansyon para mag ayos para sa party mamayang gabi. “Kawawa naman si kuya Vaughn. Mapipilitan siyang pakasalan yun witch na Leslie na yun,” dugtong pa ng kapatid niya. “Yeah. Alam naman nating lahat na we can’t freely choose kung kanino tayo ipapakasal. It’s part of the family tradition Anastasia. Bata ka pa kaya mataas pa ang panahon mo atsaka mabait naman si Leslie ah,” sagot niya sa kapatid. “No way! Hindi ako boto sa Leslie na yun. Mabait lang siya sa atin dahil may crush siya kay kuya. Ano ka ba naman ate hindi mo ba nage-gets yun ang slow mo naman! Tsaka isa pa may girlfriend si kuya Vaughn noh ano nalang ang mararamdaman niya?” Tama ang sinabi ng kapatid niya. May girlfriend nga ang kuya nila at kilala nila iyon. Mabait ang girlfriend ng kuya nila at close na close sila nito. Close ang magkakapatid kaya safe ang nga sekreto nila sa isa’t isa. “Well I know naman na kuya will find a way para magkatuluyan pa rin sila ni ate Fenich. Duh si kuya pa eh mas matigas pa ang ulo nun kesa sakin,” bulong nito sa ate niya. “Tsk magkasing tigas lang kayo ng ulo Anastasia kaya wag kanang magsalita dyan,” usal niya sa kapatid. “Sus palibhasa andyan yung crush mo mamaya kaya siguro gustong gusto mo maging maganda.” Pang aasar nito sa kaniya. Tiningnan ng masama ni Elysha ang kapatid at tumawa lang ito. Malapit nang matapos ang pag aayos sa kanila dahil buhok nalang ang ayusin kaya ganun nalang ang kaba ni Elysha. “Makikita ko kaya siya mamaya?” Bulong niya sa kaniyang isipan. Ang tinutukoy niya ay ang matagal niya nang gusto na si Kayden. Kababata nila ito at family friend at madalas silang magkita sa mga ganitong event. “Uy excited na yan.” Pang aasar ulit ng kapatid niya. “Shut up Sia hindi ako natutuwa,” sagot niya sa kapatid. “Okay lang yan ate. Lubusin lubusin mo na dahil hindi rin naman kayo magkakatuluyan hahaha!” Nalungkot siya sa sinabi ng kapatid. Sa loob ng ilang taon ay hindi nagkaroon ng interes si Elysha sa ibang lalaki dahil kay Kayden lang nakatuon ang buong attensyon niya. Natapos na rin silang ayusan kaya lumabas na sila sa salon para magtungo sa sarili nilang kwarto para magbihis. “Kuya Vaughn!” Umangat ang tingin ni Elysha nang makita ang kuya niyang nakakunot ang noo. Bumeso sila sa kuya nila na halata namang wala talaga sa mood. “Condolence sayo kuya,” usal ni Anastasia. Napasapo nalang si Elysha sa noo niya dahil napakahilig mang asar nitong bunso nila. “Hindi nila kami mapipigilan ni Fenich. Hinding hindi ako magpapakasal sa Leslie na yan,” sagot ng kuya niya na galit pa rin. “Well alam mo na ang kailangan mong gawin kuya. Just run away with her. Yun lang naman ang tamang paraan,” wika ng bunso nila. “Hindi muna sa ngayon Sia. Hindi kami dapat magpadalos dalos ni Fenich dahil mapapahamak siya,” sagot nito. “That’s right kuya. Mag isip muna kayo ng plano,” sabi niya sa kapatid. “Sige na maiwan ko na kayo may kukunin lang ako.” Nagpaalam na sa kanila ang kuya nila at nagpatuloy na sila sa paglalakad sa mahabang hallway ng mansion. “Kawawa talaga si kuya! Pero alam ko namang hindi siya iiwan ni ate Fenich eh. Napakatagal na kaya nila tas ngayon pa sila susuko?” Napatingin siya sa kapatid at humiling na sana kapag dadating ang panahon na siya naman ang ipapakasal ay magkaroon siya ng lakas ng loob na humindi. “Kaya ikaw ate, kung ako sayo maghahanda na ako ng plano kung pano matakasan yang arrange marriage na yan,” usal sa kaniya ng bunsong kapatid. “Hindi ko alam anong gagawin ko kapag sakin nangyari yan,” sagot niya rito. “Alam ko namang mabait ka ate pero matanda kana at nasa tamang edad kana. Ako nga na 18 na eh may plano na ako sa buhay. Hindi ako papayag na sina mommy ang magdedesisyon para sa atin,” wika nito. “Naiintindihan ko rin naman sina mommy, Sia. May pangarap din sila para sa atin kaya ganun na lamang sila ka protective,” sagot niya rito. “Oo ate. They have dreams for us but their dreams isn’t our dreams. Kaya kung ako sayo wag kang maging duwag at ngayon palang ay sundin mo na ang puso mo.” Natauhan siya sa sinabi ng kapatid. How can she say those words? Tama nga naman ang kapatid niya. Duwag siya at takot sa mga magulang niya because all she wanted to do is to be a perfect daughter for them kaya lahat ng sinasabi ng mga magulang niya ay sinusunod niya. Pumasok na siya sa sarili niyang kwarto ang kinuha ang isang mamahaling evening gown na pinasadya pa talaga na ipagawa sa France. The gown are made of expensive crystals and it cost a million. Oo milyon para sa isang gown. They are super rich. Pagdaan ng isang oras ay nagsimula na ang party kaya andun na silang lahat sa function hall ng mansion. Maraming nagkalat na mga bisita at iba’t ibang kilalang mga tao. May mga artista pa nga at mga reporters. Ganito lagi ang set up ng mansion nila kapag may ganap. Kailangan talaga ang media dahil isa ang pamilya nila sa mga tinuturing na royal rich families sa bansa. Hindi masyadong pinagtuunan ng pansin ni Elysha ang engagement party ng kuya niya dahil nalulungkot siya para dito. Lumabas siya sa mansion dahil iniiwasan niya yung nga nag aalok sa kaniya na mag model. Ilang beses nang may nag alok sa kaniya na maging model pero palagi niya iyong dini-decline dahil wala siyang panahon sa mga ganun. Naglalakad si Ely sa labas nang mapansin niya ang bulto ng isang lalaking kilala niya. Kilalang kilala niya ito dahil ito ay walang iba kundi si Kayden.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.9K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
177.2K
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.8K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook