Elysha Hindi kami nagpapansinan ni Kayden mula pa kagabi mula nung dalhin niya dito si Claire. I know Claire is nice. I don't have any issues with her pero hindi ko lang talaga matanggap na dinala niya rito ang babae niya. He can stay outside as long as he wants kahit wag na siya umuwi kaka-date sa girlfriend niya pero yung dalhin niya pa dito sa bahay? Where's the respect? Naiinis pa rin ako kasi kinain nila yung ginawa kong cake. Dapat binilhan niya na lang ng ibang pagkain yung girlfriend niya. Why am I over reacting? Hindi ko na inisip yun dahil mas lalo lang akong maiinis sa halip ay nag isip na lang ako ng mga pwede kong gawin ngayon. Naisip kong maligo na lang sa pool dahil summer naman ngayon. Tinawagan ko kasi si Sia kanina at sabi niya hindi raw siya makakapunta dito.

