Elysha
"Alam mo ate may nabasa ako somewhere eh. Sabi nila para daw mapansin ka ng crush mo ay mag confess ka sa kaniya and after that act like nothing happened. In that ways magtataka daw sila kung bakit."
Na-pause ko yung pinapanood ko dahil sa sinabi ni Anastasia.
"San mo naman nabasa yan? Ikaw talaga kung ano ano na naman yang binabasa mo ah!"
"Try mo nga kasi kay kuya Kayden ate malay mo biglang gumana at maghabol sayo HAHAHA. Dalasan mo yung pagsama may kuya Albee." Natatawang turan nito.
"Ewan ko sayo Sia lumabas kana nga ng kwarto ko! Galing ka sa labas hindi ka pa naliligo ang lagkit lagkit mo! Dumidikit yung pawis mo sa bed sheets ko eh!" Saway ko sa kaniya.
"Ang arte mo naman! Amoy Victoria's secret tong pawis ko noh! Wag ka dyan hmp."
Nagdadabog siyang lumabas sa kwarto ko. Tuluyan na siyang lumabas sa kwarto ko at ni hindi man lang sinara ng maayos yung pinto ng kwarto ko.
Argh! Sibling's things.
Naiinis akong tumayo at sinarado ang pinto ng kwarto ko.
Napapaisip ako sa sinabi ni Sia. Nag confess na ako kay Kayden so dapat ba i-ignore konna sya? I rolled my eyes when I realized something.
Duh hindi naman maghahabol sakin yon. As what he said he was just sorry at isa pa may girlfriend na yung tao!
I should stop convincing myself kasi ako lang din naman ang masasaktan eh. I sighed and just started to close my eyes.
Hindi ko namalayan na buong gabi na pala ako nakatulog. Nagising ako sa sobrang gutom dahil hindi pala ako kumain ng dinner kagabi.
Pagbaba ko ay walang tao ni isa sa dining area. Malamang wala sina mom and dad. Kumpleto lang naman kaming kumain kapag andyan na sila.
"Good morning ma'am Ely maghahain na po ako ng pagkain niyo." Bati ng isang maid namin.
"Good morning din po." Bati ko sa kaniya pabalik.
Umupo na ako at naghintay nalang ng pagkain. Iniisip ko kung ano na ang gagawin ko ngayong araw. Ayoko namang magkulong sa bahay magdamag dahil mababagot lang ako kaya naisipan kong pumunta nalang sa mall at maghanap ng mga pwedeng gawin.
Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako agad at nagbihis. Nalaman kong umalis rin pala si Sia kanina pa at hindi ko alam kung nasan na naman ang batang yon.
Pagkatapos kong magbihis ay sumakay na ako sa kotse ko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na mall.
Naglalakad ako sa ground floor nang may nakita akong familiar na mukha. Is that Claire?
Mas lumapit pa ako sa kaniya at talagang siya nga! Kakalabas niya lang sa watson's at mukhang may kasama siyang mga kaibigan.
Gustong gusto ko na siyang kausapin pero hindi ko alam kung paano. Namalayan ko nalang na naglalakad na pala ako papunta sa kaniya. Mabuti nalang at maaga pa kaya konti pa ang tao sa mall.
"Claire can we talk?"
Nanginginig man ang boses ay pilit kong nilalakasan ang loob ko. Ayoko ng patagalin pa to dahil ako lang rin naman ang makokonsensya.
Magkakilala lang kami ni Claire but I won't claim her as a friend dahil magiging plastic na yon masyado. She's the leader of the cheer leading squad kaya marami talaga siyang kakilala.
"Uy ikaw pala. Diba kaibigan ka ni Kayden?" Nakangiting approach nito sa akin.
"Yeah I am." Alanganing sagot ko.
"Sure ano bang gusto mong pag usapan natin?" Tanong nito.
"Uhm can we talk in private?" I asked.
Tumingin siya sa mga kasama niya before she excused herself.
"Uhm guys mauna na kayo susunod nalang ako mamaya," she said at them smiling.
Naisipan namin na dun nalang muna sa starbucks mag usap. Nag order lang ako ng dalawang frappe at dalawang slice ng cheesecake.
"So anong pag uusapan natin?" Tanong niya.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko kaya yumuko na muna ako at nag isip.
"Don't be nervous about it. I already knew. Kayden told me yesterday."
Mabilis akong napatingin sa kaniya. Kung ganun ay bakit hindi niya pa ako sinasabunutan ngayon? She should be angry and hurt me hard core pero bakit napakakalmado niya pa rin?
"Aren't you gonna get mad at me?" Tanong ko sa kaniya.
"Honestly I wanted too but I know hindi mo rin naman kasalanan. Both of you are just trapped," she answered.
Oh my God. Now I get it why Kayden loves her so much. Napaka-understanding naman pala ng babaeng to!
"C-claire." Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.
"It's not your fault Elysha. I trust Kayden so much and I now he can get away with it. Tutulungan mo naman siya diba? I know he loves me so much and I'm confident that he will never let me down," she said full of hope.
Damn mas lalo lang akong nakokonsensya. Ano nalang ang mararamdam niya kapag malaman niyang wala pa rin kaming naiisip na paraan ni Kayden kung paano makakatakas sa arranged marriage na yan.
"O-of course! Nag iisip na nga kami ni Kayden ng paraan para mapa-cancel yung fixed marriage na yan eh." Pagsisinungaling ko.
"I know you're such a good person Ely and I'm thanking you for that."
Hindi na kami nag usap pa ng matagal dahil kailangan niya na ring bumalik sa mga kaibigan niya kaya ako na lang ang naiwang mag isa dito sa starbucks.
Habang iniinom ko ang frappe ko ay biglang nag ring ang phone ko.
"Hey Ely where are you?"
Napangiti ako nang marinig ang boses ni Albee sa kabilang linya.
"Nasa SM ako ngayon why?" I answered.
"Pumunta ako sa bahay niyo but you're not here. The maids told me na umalis ka raw. Pupuntahan kita dyan date tayo," he replied.
"Okay I'll just wait you here. Text mo nalang ako kung asan ka okay? Maglilibot muna ako dito," sambit ko.
I ended the call at tumayo na dahil tapos na rin naman akong kumain. Pag angat ko ng tingin ay nakita ko si Kayden sa entrance ng starbucks and he's looking straight to my eyes.
What the f**k is he doing here?
I tried to ignore and just acted like I didn't saw him there.
Naglakad na ako papunta sa exit hanggang sa tuluyan na akong makalabas. Dun lang ata ako nakahinga ng maluwag.
"Hey Ely."
I stood there frozen. Sinusundan niya ba ako? Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa kaniya.
"Y-yeah?" Awkward na sambit ko.
"What are you doing here?" Tanong nito.
Duh malamang! Ano bang ginagawa sa mall? Alangan namang mag swimming ako dito noh? Wala ba syang common sense.
"Uhm shopping? Why?"
"Mag isa ka lang?" Tanong niya habang papalapit sa akin.
"Uh huh." Kinakabahang sagot ko.
"Are you here with Claire?" Tanong ko para maiba ang usapan.
"Nope I came here alone too," he answered.
"Really? I saw her earlier. Nag usap pa nga kami eh. I guess you already told her what happened." Kwento ko pa.
"I didn't know she was here. And yes I already told her about the marriage thing," he said in a bored tone.
"She was with some friends." Dugtong ko pa.
"Really? I didn't know that."
"Hey Ely!" Sabay kaming napatingin kay Albee na papalapit sa aming dalawa.
"Nice! You're here na pala. Magpapalibre ako sayo." Nakangising sambit ko sa kaniya.
"Akala ko ba mag isa ka?" Napatingin ako kay Kayden. Why is he interested?
"Well hindi na ngayon. Sige una na ako bye!"
Nagmamadali akong umalis habang hila hila si Albee.
"Aray naman parang hihiwalay na yung kamay ko sa balikat ko Ely!" Reklamo niya.
"Sorry naman!" Paumanhin ko pero natatawa ako sa itsura niya.
"Iniiwasan mo ba si Kayden?" Tanong nito.
"Sort of. Nakita ko kas si Claire kanina eh. May mga kasama siyang friends baka makita kaming magkasama ni Kayden at isa pa, alam na ni Claire yung about sa arranged marriage namin. We talked about it earlier." Kwento ko sa kaniya.
"Hindi ka ba niya sinaktan?" Nag aalalang tanong ni Albee.
"No. She's so nice and so understanding. Kaya nakokonsensya ako eh. I really need to talk to my mom. Napakabait ni Claire para masaktan ng ganun."
"Good for you. Sana lang pumayag si tita na maurong yung kasal niyo na yan. I don't wanna give you on the wrong hands," he said almost in a whisper.
Naglibit libot lang kami ni Albee sa mall buong araw. We watched movies, went shopping, and ate at restaurants. Palaisipan pa rin sa akin ang kalmadong reaction sa akin ni Claire kanina.
I mean if I was in her place siguro I'll get really really mad. But she's so calm. Napaka chill niya naman maging girlfriend.
Umuwi na ako sa bahay at saktong nag ring yung telephone sa sala namin.
"Ako na po ang sasagot," sabi ko don sa maid.
"Nakauwi na po pala kayo ma'am Ely. Maghahanda na po ako ng hapunan."
Sinagot ko na ang teleponon and it was mom.
"Hello Elsa kamusta yung mga bata dyan?" She said on the other line.
"Mom it's me Ely," I answered.
"Oh hello sweetheart how was your day?" Pangangamusta nito sa akin.
"Okay lang mom. I went shopping earlier." Kwento ko.
"That's great how about your sister? Where is she?" Tanong nito.
"She's in her room mom. I guess she's watching movie." Pagsisinungaling ko.
"Mabuti naman at hindi gumala si Sia ngayon. I'll be home after 2 days ata. We'll talk about the wedding preparations okay?"
Aish ayan na naman. Pilit ko ngang tinatakasan ang topic na yan eh.
"Mom can we just cancel the wedding?" Deretsahang tanong ko. Minsan lang ako nagkakaroon ng lakas ng loob kaya sasagarin ko na.
"What? What is this Ely? Akala ko ba napag usapan na natin to?" Her voice is starting to rise.
"But I never said yes mommy." Mahinang tugon ko.
"You're a perfect catch for Kayden. Bagay kayo sa isa't isa mare-realize mo rin yan soon. You can ask me any favor wag lang yan. Sige na I'm hanging up take care."
Hindi pa nga ako nakakasagot ay pinatay na ni mommy ang tawag. Bakit ba sila ganyan. Bakit ba hindi nila kayang makinig sa mga anak nila?
I am so pissed off! Umupo ako sa couch at nanood na lamang ng movie sa malaking tv namin.
"Ma'am Ely may bisita po kayo." Napatingin ako sa maid and my jaw almost dropped when I saw Kayden at her back.
Napaayos ako bigla ng upo.
Why do I always see him often?