bc

The Brave Luna

book_age16+
1.1K
FOLLOW
2.8K
READ
family
curse
drama
comedy
sweet
bxg
secrets
self discover
superpower
witchcraft
like
intro-logo
Blurb

Alexandra Hernandez a.k.a Alex Hernandez is a typical tomboy of the town pero lahat ay nagbago mula nang makilala niya ang isang misteryosong lalaki na nagpapagulo sa kanyang sistema.

"Magkaiba man tayo ng pagkatao, pinagmulan at kung ano pa yan, handa akong ipaglaban ka kasi puso ko'y iyong-iyo. Magkamatayan man."

- Black Acer Thomson

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Kasalukuyan akong nagwawalis sa bakuran namin dahil wala akong magawa sa loob ng bahay kasi yung Tatay ko ay pumunta sa bayan ng Avenia  at hindi ako sinama baka daw magkalat ako doon. Malayo ang bahay namin sa bayan na yun kasi nakatira kami sa kalagitnaan ng gubat na kung saan ay malaya akong makakilos na walang mga matang manghuhusga at malayang makagawa ng mga bagay na gusto kong gawin.  Kami nalang ni Tatay ang natira dahil wala na yung Nanay ko.  Pinatay ito ng isang mabangis na lobo noong bata palang ako.  Labis akong nasaktan lalo na't nasa harapan ko ito namatay ngunit hindi ko maiwasang magtaka kung bakit may ganoong hayop dito.  Hindi ba't nabubuhay lang ito sa ibang bansa o sa mga lugar na malalamig? Kung sabagay, isang rason na rin siguro kung bakit may mga ganoong hayop dito dahil na rin sa gubat na ito, masyadong malalaki yung mga puno. Napabuntong hininga nalang ako at umupo sa malaking ugat ng puno. Hindi mawala sa alaala ko ang eksena na yun na kung saan pinatay si nanay ng hayop na yun sa aking harapan. Hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon lalo na yung sigaw ni nanay na pinatakbo ako upang makatakas pero hindi ko nagawa.  Tanging pag-iyak lang ang nagawa ko habang nilalapa yung nanay ko. Natauhan lang ako ng panahon na yun nang umangil ang lobo sakin, kahit mahirap at masakit iwan ang nanay ko na umiiyak na nakatingin sa akin habang naliligo sa sariling dugo ay wala akong magawa kundi tumakbo habang ang mga mata ay puno ng luha. "Alex,  anak!  Nandito na ako. "  Pinunasan ko agad ang luhang pumatak sa aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Tatay at napabuntong-hininga. Ang tagal na ng panahon na yun pero hindi ko pa rin makalimutan. Tumayo ako at pinagpagan ang jogging pants na suot at nilagay sa gilid ng puno ang walis. "Nandito ka pala,  halika 'nak may dala ako para sayo. " napatingin ako kay Tatay na nakangiting humarap sakin.  Ngitian ko rin ito at niyakap ng mahigpit. Napapikit ako nang maramdaman ko ang init ng katawan nito. Napailing si Tatay at napatawa ito sa ginawa ko. "Suuuus!  Yung baby ko naglalambing na naman. " natatawang saad nito na nagpapalatak sakin. Kung makatawa ito ,eh, gusto rin naman na naglalambing ako sa kanya. "Tay naman eh, anong baby'ng pinagsasabi mo?  I'm not a baby anymore na kaya. Kadiri yun. " nakasimangot kong sabi. Yung Tatay ko mahilig talaga niya akong tawaging "baby" pag naglalambing ako sa kanya kahit nakakapanindig-balahibong pakinggan, hinahayaan ko nalang siya minsan.    Tumawa lang ito at ginulo ang buhok ko na lalong nagpapasimangot sakin. " Tay naman,  kakagel ko lang eh. " sita ko sa kanya at mahinang pinalo ang kamay nitong nasa ulo ko. Nakasimangot pa rin ako habang inaayos ang buhok ko na nagulo. Napangiti ako nang maayos ko na ito at malapad na ngitian ang ama kong nakalukot ang mukha na nakatingin sa akin. Napahiyaw ako nang pitikin niya yung noo ko. "Aray ko!" daing ko. "Anong gel?  Sabi ko mag Vitress ka diba? Ang haba ng buhok mo tas gel lang ang ilalagay mo.  Aba nak,  gusto mo bang multuhin ako ng nanay mo dahil lang sa buhok mo? " sita nito sakin habang nakapameywang at nakalukot pa rin yung mukha. "Tay, naman eh! Ikaw tong tunay na lalaki sa ating dalawa pero kung makareklamo ka sa buhok ko daig mo pa yung bakla at saka, 'tay, mas maganda kasi pag naka gel para pogi. " Napasigaw ako ng batukan ako nito. "Hoy, Alex ha!  Anong pogi-pogi ang pinagsasabi mo diyan? Kababae mong tao kaya umayos ka! Sapakin kita diyan, eh." sermon nito na kinailing ko lang. "Siya pasok ka na sa loob,  dala ko paborito mo." Napayes ako at napangisi ng malaki sa narinig at naunang pumasok sa bahay kesa sa kanya. Napailing nalang si Tatay sa ginawa ko. Why not?  Sa excited ako,eh. Pagkapasok ko sa bahay namin ay agad akong nagtungo sa kusina namin.  Napangiti nalang ako nang makita ang isang puting plastic na tinakpan ng tray sa mesa. Dali-dali kong tinanggal ang nakatakip na tray at napangiti nang mahawakan ko ang plastic. Geeez!  No one can resist this.  Amoy palang nakakabusog na. Agad akong kumuha ng plato at isang bowl para ilagay yung beef steak at naghanda pa ng isang plato para kay tatay. Nang ayos na ay agad akong umupo at handa na sanang sumubo ng kanin nang sapakin ako bigla ni Tatay. Tiningnan ko siya ng masama pero hindi niya ito pinansin bagkus ay umupo ito sa upuang katapat ko na parang walang nangyari. "Aba!  Nakita mo lang ang paborito mo kinalimutan mo na ako, bait mo rin 'nak noh?  Salamat ha? Hindi ko tuloy alam kung saan ka nagmana. Tsk, tsk.  " sarcasm is written on my father's face.  I just rolled my eyes and smiled at him and say. "Sa inyo po ako nagmana at walang anuman, 'tay, may susunod pa. " nakangiting-aso kung sagot pero pinandilatan lang ako nito. "Ewan ko sayo. Kumain ka na diyan ng matauhan ka at mag-kilos babae ulit." nakasimangot nitong sabi bago nagsandok ng kanin. Napailing nalang ako sa Tatay ko at pinagpatuloy ang pagkain. Kahit kailan talaga. "Tay? " tawag ko kay tatay.  Bigla lang kasi itong umalis sa kusina nang nag ring yung cellphone niya. Nagtungo ako sa sala at sumilip sa bintana baka kasi nasa labas sinagot yung tawag. Napakunot-noo ako nang makita ko itong may kausap sa labas ng gate.  Base sa laki at tangkad nito,  lalake ito. I thought may kausap si tatay sa cellphone? Agad akong lumabas ng bahay nang makita ko ang galit sa mukha ni tatay sa kanyang kausap. "TAY! " tawag ko habang nakatayo.  Napalingon naman ang mga ito at agad akong napatigil nang makita ang mukha ng lalakeng kausap ni tatay.  Nakasuot ito ng black jeans,  black shirt at black jacket with hoodie. Nanindig yung mga balahibo ko nang makita ko ang mata nitong kulay ginto. Hindi ko alam pero malakas yung dating nito. Naramdaman ko ang init ng titig nito na nagpapabilis ng pintig ng  dibdib ko, parang hinigop ang sarili ko sa simpleng titig ng lalakeng ito. Para ako nagising nang takpan ni Tatay yung mukha ko ng kanyang kamay at bumulong na iwan ko muna siya. Hindi ko sana siya susundin pero ramdam ko na naiinis na siya kaya tumango nalang ako. Tinanggal ni Tatay ang kamay niya at marahan akong tinulak patalikod. Bago ako tumalikod, napatingin ako sa lalake na sana ay di ko nalang ginawa kasi mataman itong nakatitig sakin.  Those eyes...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
122.5K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K
bc

My Master and I

read
136.3K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
491.2K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook