CHAPTER 4

1230 Words
NAIINIS na ibinato ko sa kahon ang mga naipon kong larawan at drawings ni Jian. I hate him! S'ya lang ang nagsabi sa akin ng ganoon! Bakit ko ba nagustuhan ang katulad n'ya? Masyadong bilib sa sarili! Gusto ko s'yang isumbong kay Papa pero ayoko din naman na bigla na lang kumalat na anak ako ng may-ari ng University. Hangga't maaari ay gusto ko iyong manatiling lihim. Naiiyak na naupo ako sa aking kama. Ganito pala ang pakiramdam kapag napagsalitaan ka ng masakit. Hindi ako malanding babae, at lalong hindi ako nagpapapansin sa kanya! Ang kapal talaga ng mukha. Isang katok naman ang umagaw sa atensyon ko. "Miss, nakahanda na po ang hapunan," narinig kong sabi ng isa naming kasambahay mula sa labas. Inayos ko ang aking sarili bago binuksan ang pinto. "Susunod na ako." Tumango naman s'ya bago tumalikod. "Sandali," pigil ko. "Bakit po?" "Nariyan na ba sina Mama at Papa?" "Naku, wala pa po. Katatawag lang po ni Madam na hindi s'ya makakasabay sa hapunan at madami pa daw s'yang inaasikaso sa opisina." Napatango na lang ako. Nawalan ako bigla ng gana kumain. Mag-isa na naman ako. Kahit si Papa, wala pa din. "Pakidalhan mo na lang ako ng pagkain," sabi ko na lang. Nalulungkot na isinara ko ang pintuan at naupo sa sahig. Sana naging matalino na lang ako, at sana normal na lang ang pamilya namin.                                                                                                                                                                                                                                                    NAWALA ang antok ko nang naramdaman kong may tumamang kung ano sa ulo ko. Nilingon ko kung saan nanggaling iyon. "Kanina ka pa tulala," mahinang saad ni Bhea. "Ha?" Lumingon ako sa paligid, natapos na pala ang klase? "Narinig ko ang usap-usapan Thea," mahinang sabi n'ya at bahagya pang umusog palapit sa akin. "Wala iyon." wala sa mood na inayos ko ang mga gamit ko. "Grabe ang sama ng ugali ng Jian na iyon." Hindi ako umimik. "Gusto mong resbakan ko? Babasagin ko ang mukha n'ya para sa'yo." Hindi ko na lang pinansin si Bhea. Tumayo ako at naglakad palabas ng classroom. Naramdaman ko naman na sumunod s'ya. "Alam mo, kung malalaman lang n'ya na anak ka ng university owner, hindi ka n'ya maaaway ng ganoon. Baka nga kakabahan pa s'ya dahil maling tao ang binangga n'ya." Si Bhea lang ang nakakaalam tungkol sa tunay kong pagkatao. S'ya lang ang pinagtiwalaan ko ng sikreto kong ito. "Wala naman ipagkakaiba kung malaman man nila ang bagay na iyon," malungkot kong sagot. "Ayokong isabit si Papa sa personal issues ko, baka mapahiya lang s'ya. Dahil siguradong pag-uusapan na bobo ang nag-iisang anak ng mag-asawang Saavedra." Naramdaman ko naman na humawak s'ya sa aking braso. "Kumain na lang tayo ng ice cream. Libre ko." Napangiti naman ako. "Sure ka?" "Oo naman! Gusto ko gumaan naman ang pakiramdam mo. Parang anytime magpapakamatay ka na eh." Nagkibit balikat na lang ako. "Thea!!!" Sabay kaming napalingon ni Bhea sa pinagmulan ng sigaw. "Lorenz!" napangiti naman ako. "Hay naku, nandito na naman ang epal." narinig kong bulong ni Bhea "Okay ka lang ba?" tanong ni Lorenz nang makalapit s'ya sa amin. Nakangiti naman akong tumango. "Kung nandito lang si Jian, binangasan ko na ang gagong iyon. Ano'ng karapatan n'ya na laiitin ang babaeng mahal ko!" Natigilan ako. Wala si Jian? "Ano na naman ba'ng pinagsasasabi mo?" inis na singit ni Bhea. "Absent si Jian. For the first time hindi pumasok. Natakot yata sa akin." Napaisip ako bigla. Oo nga! Never na lumiban sa klase si Jian kahit pa masama ang pakiramdam n'ya. Bakit hindi s'ya pumasok ngayon? "Saan ang punta n'yo?" "Kakain kami ng ice cream," sagot ko. "Manlilibre si Bhea." "Libre? Sama ako!" Nakita ko naman na hinampas ni Bhea si Lorenz. "Epal ka talaga! Hindi ka pwedeng sumama!" "Namumuro ka na Bhea ha! Lagi mo na lang akong sinasaktan!" "Wala akong pakealam!" Nailing na lang ako sa kalokohan ng dalawang ito. Hindi na ako magtataka kapag na-fall sila sa isa't isa.  "THAT'S it for today. I need your reasearch papers to be submitted by next week." pagtatapos ng aming propesora sa huli naming subject. Nagkagulo na naman ang mga kaklase ko. Lahat ay nag-uunahan makalabas ng classroom. "Mauna na ako sa'yo Thea. Dadaanan ko pa ang kapatid ko eh," paalam ni Bhea. Tumango naman ako bago nagpaalam sa kanya. Kinuha ko na ang bag ko at naglakad na din palabas ng room. Panibagong reasearch paper na naman. Masaya ba ang mga teachers kapag napapahirapan nila ang mga estudyante nila? "Makapunta na nga lang muna ng library," bulong ko. Kailangan ko ng ilang libro para sa reasearch paper namin. Kahit ayaw kong pagurin ang kakapiranggot na brain cells ko, kailangan ko pa din gawin iyon lalo na at malapit nang matapos ang semester. Kailangan kong makatungtong sa 2nd year para naman matuwa ang Mama ko. Iilang estudyante ang nadatnan ko sa library nang makarating ako. Ibinaba ko na lang sa isa sa mga upuan doon ang bag ko bago nagtungo sa hanay ng mga libro. "Nasaan na ba iyon?" inisa-isa kong tiningnan ang mga libro na naroon. Isang libro ang nakita ko na nasa taas na hanay. Iyon ang hinahanap ko! Pinilit kong abutin iyon pero sa kasamaang palad, hindi ako biniyayaan ng mataas na height. Kainis! Hindi ko maabot! Tumalon talon pa ako para lang maabot ang libro pero wala talaga! Mukhang kailangan kong kumuha ng matutuntungan para lang makuha iyon. Nagulat naman ako ng isang kamay ang kumuha noon ng walang kahirap hirap saka iniabot sa akin. Magpapasalamat sana ako pero nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino iyong kumuha ng libro. Si Jian. "Ikaw?!" bulalas ko. Tumingin naman s'ya sa akin nang walang anumang emosyon. "You're welcome," parang nang-iinis na sabi pa n'ya. Hindi ako maka-recover sa nangyari. Ano'ng ginagawa n'ya dito? Lumayo naman s'ya sa akin. Nakita kong may dinampot s'yang kung ano sa sahig. "Ano'ng ginagawa mo dito?" hindi ko napigilan na itanong. Ang sabi ni Lorenz ay absent si Jian pero bakit nandito s'ya? Humarap s'ya sa akin habang inaayos ang nagusot na uniform. "Bawal ba'ng tumambay at matulog sa library?" Tumambay? Matulog? All along nandito s'ya sa school pero hindi s'ya um-attend ng klase? "H-hindi naman," sabi ko na lang. Naglakad s'ya palapit sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bigla naman bumilis ang t***k ng puso ko. "Wala ka ba'ng balak na padaanin ako?" narinig kong sabi n'ya. Doon ko lang napansin na halos nakaharang ako sa daraanan n'ya. Mabilis na tumabi ako para bigyan s'ya ng space. Halos manigas ang katawan ko nang halos mapadikit ang katawan n'ya sa katawan ko. Naamoy ko din ang pabango n'ya. "Oo nga pala—" tumigil s'ya bigla sa harapan ko. Ang awkward. Halos mapasandal na ako sa book shelf dahil nasa tapat ko pa din s'ya. Mas lalong nagwala ang dibdib ko nang bahagya n'yang inilapit ang mukha n'ya sa mukha ko. "Hindi ko pa din nakakalimutan na tinawag mo akong bakla," bulong n'ya. Napalunok ako. Pinilit kong salubungin ang mga mata n'ya. "At wala akong balak bawiin ang sinabi ko!" lakas loob kong sagot. For the first time ay nakita ko s'yang ngumiti—mali—ngumisi. Nakangisi s'ya ng nakakaloko. "Pagsisisihan mo ang pagpapahiya mo sa akin," bulong ulit n'ya. Napalunok naman ako. Bakit ganito? Parang nasa lalamunan ko na ang puso ko. "Suit yourself, I'll make your life miserable. Nagkamali ka ng kinalaban." Iyon lang at tuluyan na s'yang umalis. Doon ko lang din napansin na kanina ko pa pinipigilan ang aking hininga. Napahawak ako sa aking dibdib na malakas pa din ang kabog. Bakit ganito pa din ang epekto ni Jian sa akin? Galit ako sa kanya 'di ba? Galit!                              Ipagpapatuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD