CHAPTER 5

1117 Words
ILANG beses kong kinurap ang mga mata ko dahil sa antok. Kanina pa ako nagbabasa para sa research paper ko pero wala pa din akong natatapos. Itinutok ko muli ang aking paningin sa librong nasa harapan ko pero lalo lang akong naduduling. "Aish!!!" naiinis na isinara ko anga naturang libro. Suko na ako. Nakikita ko pa lang ang mataas na patas ng mga libro ko ay gusto ko ng lagnatin. Hindi ako makapag-focus! Kasalanan ito ni Jian! Kung hindi ko s'ya nakita kanina, sana nasa huwisyo ako ngayon mag-aral! "Princess.." Napalingon ako sa nagbukas ng pintuan. Agad akong napangiti nang makita ko si Papa na may dalang tray. "Busy ka sa pag-aaral ah. Sabi sa akin hindi ka na daw bumaba para kumain," aniya. "May kailangan po akong tapusin na research paper eh." Ibinaba n'ya sa table ko ang tray na naglalaman pala ng pagkain saka tiningnan ang mga libro na naroon. "Do you need help?" Nakangiting umiling ako. "Kaya ko ito Papa. Ako pa ba!" Natawa naman s'ya. "Bukas nga pala ay kakausapin ka daw ng mama mo." "Nasaan si Mama?" "Nasa kwarto na at nagpapahinga." Ano'ng meron at kakausapin ako ni Mama? "Sigurado ka ba'ng hindi mo kailangan ng tulong ko sa research paper mo princess?" Umiling ulit ako saka bahagya s'yang itinulak. "Magpahinga ka na Papa. Alam kong pagod ka sa trabaho." "O s'ya. Wag ka masyadong magpapakapuyat. Kainin mo na din iyan bago pa lumamig." "Yes sir!" Napangiti ako nang makaalis si Papa. S'ya talaga ang the best sa buong mundo! Inumpisahan ko nang kainin ang dala n'yang pagkain habang binubuklat ulit ang libro. Kaya ko ito! Fighting! NAPABALIKWAS ako sa malakas na mga katok sa pintO. Kamuntikan nang mahulog ang mga libro sa gulat ko. Nakatulog pala ako sa study table ko? "Aray..." bulong ko habang hinihilot ang nananakit kong katawan. "Wala ka bang balak gumising Althea!!!" Patay. Si mama pala ang kumakatok. Dali-dali ko naman s'yang pinagbuksan. "Good morning 'ma," bati ko. Pumasok naman s' ya sa kwarto ko ng walang imik. "Ah," lumapit ako sa kanya. "May sasabihin ka daw sa akin, sabi ni Papa." "Oo." Naupo ako sa kama ko at hinintay ang sasabihin n'ya. "Malapit ko ng ma-close ang deal sa Park Industry." Napaangat naman ako mula sa pagkakaupo. "Talaga? Ang galing naman Mama! Ibig ba sabihin n'yan ay hindi ka na magiging busy sa opisina?" Gusto kong pumalakpak. Ang galing talaga ng mama ko pag dating sa negosyo. Kahit iyong mga malalaking kompanya ay nakukuha n'ya. "It depends." Kumunot naman ang noo ko. "May problema po ba?" Bigla akong kinabahan nang tumingin sa akin si Mama. Parang may mali. "The chairman want you to meet his grandson." "Po?" ano naman konek nun sa negosyo? "Ang sabi n'ya sa akin ay kapag nagkasundo kayo ng apo n'ya ay may tsansa na makakuha tayo ng kontrata sa kanila, a lifetime contract." "Lifetime contract? Pero bakit kailangan ko pang makilala ang apo n'ya?" Nagkibit balikat lang si Mama. "Magkakaroon tayo ng dinner with him and his grandson this coming weekend. Gusto kong mag-ayos ka." Iyon lang at lumabas na si mama ng kwarto ko. Hindi ko pa din ma-gets. Bakit nasali ako sa usapang negosyo nila? Ano naman ang kinalaman ko doon? Bhea's POV KANINA ko pa tinititigan si Althea. Hindi ko alam kung bakit lately ay lagi s'yang tulala at lutang. Kasalukuyan kaseng nakatitig lang s'ya sa kanyang libro habang nakasubo sa kanyang bibig ang kanyang ballpen. "Thea!" kalabit ko sa kanya na mukhang ikinagulat n'ya. "May sinasabi ka?" Kitams? Sabog na naman ang lola n'yo. "Tulala ka na naman," puna ko. "May iniisip lang ako." Umusog ako palapit sa kanya. "Ano na naman iyon? Si Jian na naman? Ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo na kalimutan mo na ang hambog na iyon!" Wala ba syang kadala-dala? Na-sample-an na s'ya ng binata, hindi pa din s'ya magtigil. "Hindi naman si Jian ang iniisip ko." "Ano pala?" Bahagya s'yang umiling. "Wala. Sa bahay lang." "Inaway ka na naman ba ng mama mo?" "Hindi." "Alam mo Thea, ako ang maloloka sa'yo. Sabi mo may iniisip ka 'tapos biglang wala? Nagpa-check up ka na ba sa doktor? Baka iba na 'yan." Isang malakas na batok naman ang nakuha ko sa kanya. "Aray ha!" "Tigilan mo ako Bhea. Baka papuntahin ko dito si Lorenz sige ka!" Narinig ko na naman ang pangalan ng sira ulong iyon! Pangalan pa lang kumukulo na ang dugo ko! "Sige! Para naman matiris ko na ang hambog na iyon!" Hindi naman umimik si Thea. Nakita kong may tinatanaw na naman s'ya sa 'di kalayuan, at kagaya ng inaasahan ko, nakatanaw na naman s'ya kay Jian na ngayon ay naglalakad kasama ang mga kapwa hambog n'ya mula sa section one. "Matunaw!" Inirapan naman n'ya ako. "Sinasabi mo?" "Akala ko ba galit ka kay Jian?" "Noong isang araw iyon." Anak ng patola. Napakarupok ng babaeng ito. "So crush mo na naman ang gagong iyon matapos ka n'yang pagsalitaan ng hindi maganda?" Marahan naman s'yang humarap sa akin. "Na-realize ko lang, hindi s'ya si Jian kung hindi ganoon ang ugali n'ya. Isa iyon sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya." Malakas na ang tama ng isang ito. Nangniningning pa ang mga mata habang sinasabi iyon. "Mahilig ka talaga sa mga asal hayop." Tumayo naman s'ya at inayos ang kanyang gamit. "Hindi naman asal hayop," aniya. "Nauna naman kase akong magsalita ng masasakit sa kanya." Tumayo na din ako. Konti na lang babatukan ko na ang babaeng ito. "Alam natin na may attitude ang lalaking iyon. Pero hindi naman tama na magsalita s'ya ng masama sa babae. Tulad ng kay Rianne saka yung sa'yo." "Nasaktan naman talaga ako sa sinabi n'ya. Pero bakit ganoon, hindi ko magawang magalit sa kanya ng matagal?" Ayaw ko ng magsalita. Bahala s'ya sa buhay n'ya. "Hala!!!" bigla n'yang sigaw. "Bakit na naman?" "Nakalimutan ko, ibabalik ko pa pala sa library iyong hiniram kong libro! Mauna na ako sa'yo Bhea. Bye!!" Hindi man lang ako pinagsalita. Nagtatakbo na naman s'ya. Tsk. Althea's POV "SALAMAT po!" nakangiti kong inabot ang libro sa librarian. "Hindi mo ba ba ito gagamitin sa research paper mo? Kahihiram mo lang nito kahapon ah." Umiling naman ako. "Nakopya ko na po ang mga kailangan ko." Naglakad na ako palabas ng library. Para sa akin, isang malaking accomplishment ang may nagawa ako kagabi. Kailangan ko na lang ayusin para mapa-print. Ang galing ko talaga! Nagtungo ako locker room para iwanan ang ilang libro na hindi ko gagamitin. Mangilan-ngilan na lang din ang mga estudyante sa paligid. Nawala ang ngiti ko nang matanaw ko si Jian na may inaayos sa locker n'ya. So, tama nga ako. Halos magkalapit lang ang aming mga lockers. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o hihintayin ko muna s'yang makaalis. Napatingin naman si Jian sa gawi ko nang isinara n'ya ang kanyang locker. Heto na naman ang mabilis na t***k ng puso ko. Ang lakas talaga ng epekto n'ya sa akin. Pabalewalang umiwas naman s'ya ng tingin saka naglakad paalis. Galit pa din kaya s'ya sa akin? Tinungo ko na lang ang aking locker. Matapos ilagay ang mga libro ay napansin ko ang maliit na kahon na lagayan ko ng mga sulat ko para kay Jian. Mga sulat mula pa noong high school ako. Hindi ko alam kung bakit itinatago ko pa ang mga ito gayong wala naman akong balak ibigay ang mga iyon kay Jian.                          Ipagpapatuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD