Chapter 3: First Bite, First Kiss

1302 Words
Papunta na kami sa buffet—kami lahat ng officers. Kumuha kami ng tig-isang plato at pumila para kumuha ng pagkain. “Leanne, ito. Nakatikim ka na ba nito? Lalagyan kita, ah,” sabi ni Dianne habang hawak ang serving spoon. “Salamat, pero ako na lang,” tanggi ko. “Ano ka ba! Gusto kong matikman mo ‘to. First time kitang makasabay kumain, kaya excited ako. Pagbigyan mo na ako,” sabay lagay niya ng pagkain sa plato ko. Tama naman siya. Palagi akong sa labas kumakain, kaya bihira kaming magsabay. Minsan pa nga, sa ate niya siya nakikisabay sa canteen—third year na ang ate niya rito sa MRU. “Seb, ito. Gusto mo ba ng seafood? Clams?” rinig kong sabi ni Fritz. Medyo pa-show off ang dating, parang sinasadya talagang marinig ng lahat. “Ahmm… Leanne?” may tumapik sa likod ko. Paglingon ko, si Charles pala. “Oh, Charles. May problema ba?” “Ah, may empty table doon. Gusto mo doon tayo... I mean tayong lahat?” “Sige, dun tayo. Dianne, halika na,” tawag ko kay Dianne. Napansin ko ang higpit ng tingin niya kay Seb at Fritz. Nagseselos ba ‘to? Iba talaga ang charisma ni Seb. Ang daming babaeng sumusunod sa kanya. Sa bagay, gwapo naman talaga, at mukha ring mabait. First day pa lang niya, marami nang may gusto sa kanya. Ganito siguro talaga pag gwapo. “Charles, mauna ka na. Susunod na lang kami,” sabi ko. “Okay. Gusto mo ako na ang magdala ng pagkain mo para hindi ka na mahirapan?” alok niya. “Sige, salamat,” sabay abot ko ng plato sa kanya. Paglingon ko kay Dianne, kinuha ko ang isa pang plato. “Hoy! Ang higpit ng tingin, ah,” biro ko sa kanya. “Eh kasi naman! Uunahan pa talaga ako ng Fritz na ‘yon!” sagot niya, mukhang bad trip pa rin. “Ikain mo na lang ‘yan. Gutom na ako, tara na,” yaya ko. Sumunod naman siya. Pagdating namin sa mesa ni Charles, umupo na rin kami. “Yung Fritz na ‘yun, ang landi talaga,” bulong ni Dianne. Napatingin ako kay Charles at natatawa sa expression niya. Mukhang nagulat sa narinig. “Pasensya ka na, Charles,” sabi ko. “Naku, okay lang. First time ko rin kumain na may kasama,” sagot niya, nahihiyang ngumiti. “Pwede maki-join, Miss President?” tanong ng isang pamilyar na boses. Si Jeric pala. “Oo naman,” sagot ko. Naupo si Jeric, pero hindi pa rin mapakali si Dianne. Tahimik na lang kami ni Charles habang kumakain. “Miss President, kaibigan mo talaga ‘tong babaeng ‘to? Himala at natanggap mo siya, noh? Or wala ka talagang choice?” tukso ni Jeric. Muntik na akong mabulunan. Uminom ako ng tubig agad. “ANONG SABI MO? HINDI AKO NANGHINGI NG OPINYON MO, UNGGOY! Akala mo naman kung sinong mabait. Sira na nga araw ko, katabi pa kita!” banat ni Dianne, sabay irap. “Akala mo rin kung sinong maganda,” bulong ni Jeric, pero hindi natuloy ang sasabihin—sinubuan siya ni Dianne ng mamon. “Magtigil ka nga d’yan. Kumain ka na lang,” sabay tulak niya sa plato ni Jeric. Parang may something sa dalawang ‘to... Pagtingin ko sa likod, naroon sina Fritz, Francine, at Sebastian. “Hi, Miss Pres! Pwede maki-join? Wala nang ibang upuan eh,” sabi ni Francine. Paglingon ko, totoo nga—puno na ang buong hall. “Pwede naman,” sagot ko. Umupo sila. Si Seb sa tabi ko, sumunod si Fritz sa tabi niya, at si Francine sa tabi ni Jeric. Tahimik na kaming kumain. Wala na ring kibuan sina Dianne at Jeric. “Seb, anong club sasalihan mo?” tanong ni Fritz. “Hindi ko pa alam. Titingnan ko mamaya,” sagot ni Seb. “Pigilan mo ako, Leanne,” bulong ni Dianne. Mukhang hindi pa rin tapos sa inis niya kay Fritz. “Ikaw ba, Leanne? Anong club ang gusto mong salihan?” biglang tanong ni Seb. Napaisip ako. Saan nga ba? “Ahmm... baka sa Music Club ako sasali.” “Mahilig ka pala sa music?” tanong ni Charles. “Parang ganun na nga.” Matapos kumain, naghiwa-hiwalay na kami para pumili ng clubs. Sumali ako sa Arts and Music Club—passion ko talaga ang music. Gusto ko tumugtog ng instruments. Naalala ko tuloy si Lolo. Siya ang nagturo at nag-encourage sa’kin. Si Papa, hindi masyadong mahilig sa music, pero si Lolo… siya ‘yung nagbukas ng mundo ko sa tugtugin. Kapag tumutugtog ako, parang… tahimik ang mundo. Parang ligtas. Parang kasama ko si Lolo. “Leanne, okay ka lang ba?” tanong ni Seb. “Oo naman.” “Leanne! Mag-uumpisa na ang games. Tara, sali tayo!” aya ni Dianne. “Sige, tara!” “Okay ladies and gentlemen, magsisimula na ang ating munting palaro!” anunsyo ni Miss Bautista. “First game: Eating Apple! I need five pairs—boy and girl!” Napakunot-noo ako. Hindi ko alam na may pairing twist ito! “Yung mga mag-jowa d’yan, magpakilig naman kayo!” dagdag pa ni Miss Bautista. Isa-isa nang lumapit ang apat na pares. Wala na akong paki—basta hindi ako lalaban. “I need one more pair. Last na!” tawag ng host. Kinuha bigla ni Miss Zapanta ang mic. “I would like to call on Mr. Sebastian Rodriguez and Miss Leanne Faith Dela Cuesta to participate in the game!” WHAT?! Ako?! Sana pala hindi ko na lang nilista ‘tong game na ‘to... “Miss Pres, Seb—go na kayo!” sigaw ni Jeric. Biglang may humawak sa kamay ko. Si Sebastian. “Tara. Don’t worry, apple lang ‘to. Tsaka, diba isa ‘to sa list mo?” sabi niya, sabay hatak papunta sa harapan. “Okay, mechanics! Kumain ng apple na naka-hang sa stick—no hands allowed. Gamitin lang ang bibig! After one minute, kung sino ang may pinakakonting natirang apple, siya ang panalo!” Ugh. Gross. Bakit ko ba ‘to sinama sa listahan? “Ikaw na lang ang kumain, Seb. Hawakan ko na lang yung apple para hindi ka mahirapan,” sabi ko. Tumango siya at nagsimulang kumain. Ako naman... tinitigan ko lang siya. Ang gwapo niya... Biglang nahulog ang apple sa sobrang subo ni Seb. At sa pagkabigla, tumama ang labi niya sa labi ko. Natigilan ako. Nahalikan niya ako. Sa labi. Napalayo agad siya. Pareho kaming gulat. “Are you okay? Sorry,” sabi niya agad. “Yes,” sagot ko, pilit na ngiti. “One minute’s up!” anunsyo ni Miss Bautista. Tinignan nila ang mga natirang apple. Kahit nahulog yung amin, isinama pa rin. “And the winner is... the first pair! Claim your prize!” Nagpalakpakan ang lahat. Pero ako, agad na umalis. Nilapitan ko si Dianne. “Restroom lang ako,” sabi ko. Sa loob ng restroom, huminga ako nang malalim. Yun ba ang first kiss ko? First kiss ko ‘yun... at sa kanya pa talaga. Paglabas ko, nagtext ako kay Dianne: “Uuwi na ako.” “Leanne?” Lumingon ako. Si Sebastian. “Sebastian? Ikaw pala.” “Pwede ba tayong mag-usap?” “Pasensya ka na, pauwi na kasi ako. Bukas na lang siguro.” “About kanina… sorry talaga. It was an accident. I didn’t mean to kiss you. I hope it’s not a big deal. I mean... siguro naman, hindi mo ‘yun first kiss, diba? Kasi sabi nila important daw ‘yon para sa babae—” “Just think of it as if it never happened.” “Mauna na ako.” Hindi ko na siya pinatapos. Tinalikuran ko siya at naglakad palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD