Chapter 2: The Unexpected Encounter

1244 Words
Pagkatapos ng huling klase ko ngayong umaga, dali-dali akong umalis para makakain. Gutom na gutom na talaga ako. Naglakad ako papunta sa tambayan—doon na rin kasi ako madalas kumakain. Pagdating ko roon, napansin ko agad ang gulo sa harap ng isang tindahan. May isang lalaking tila wala sa tamang wisyo, pasigaw na nagwawala. “ANO BA?! AYAW NIYO TALAGA AKONG KUMAIN DITO, HA?!” sigaw ng lalaki habang tinatapunan ng pagkain ang sahig. Pinagkakaguluhan na siya ng mga estudyante at ilang staff. “Ano bang problema ng lalaking 'yon?” tanong ko sa sarili ko. “Sabi nila, wala daw siyang pambayad. Kaya ayan—nagwawala,” sagot ng isang estudyanteng nakatayo malapit sa akin. Wala na akong ibang nagawa. Gutom na gutom na ako, at sa totoo lang, hindi ko na kinaya ang ingay at kaguluhan. Lumapit ako sa lalaki. At bago ko pa ma-process ang lahat, itinaas ko ang kamao ko at sinuntok siya sa pisngi. Tumilapon siya at bumagsak sa sahig. Natigilan ang lahat. Tahimik ang paligid. Tila napahinto ang oras. Nakatitig sila sa akin, gulat na gulat sa ginawa ko. Akma ko pa sanang susundan ng isa pang suntok, pero hindi na siya nakatayo. Ilang sandali lang, dumating ang guard at agad siyang inaresto. Pinagbayad siya sa kinain niya at pinaalis sa lugar. Tahimik akong bumalik sa lamesa at nagpatuloy sa pagkain. Wala akong sinabi. Wala ring nagtanong. Parang lahat ay nagdesisyong huwag na lang akong istorbohin. Pagkatapos kumain, bumalik na ako sa school. Tumingin ako sa relo—12:50 PM na. Napadami ata kain ko ngayon, bulong ko sa sarili ko. Pagdating ko sa room, wala pa ring tao. Bakit kaya? E mag-12:50 PM na. Sampung minuto na lang, klase na. Phone ringing... May narinig akong ringtone. Hindi sa akin. Hindi ko na lang pinansin at naupo sa usual seat ko. Sumandal ako sa desk at nagpahinga. “Why are you here?” tanong ng pamilyar na boses. Paglingon ko, si Sebastian lang pala. “Diba dito ang class natin?” tanong ko. “Ano kasi, pinatawag lahat ng students sa gym. 1:00 PM ang announcement kanina.” “Ganun ba? Sige, tara na.” Kinuha ko ang bag ko at sabay kaming naglakad papunta sa gymnasium. Pagdating namin roon, halos lahat ng estudyante andun na. “Kanina pa ako text nang text sa’yo! Wala ka namang reply,” bungad ni Dianne, sabay turo sa phone niya. “Teka, bakit kayo magkasabay ni Seb? Saan kayo galing?” “Ah, nakasabay ko lang siya papunta dito,” sagot ko, walang gaanong emosyon. Umupo kami malapit kina Francine, at ilang sandali lang ay nagsimula na ang programa. “Good afternoon, everyone!” bati ng principal mula sa stage. “It’s good to see all of you. I'm sure you’ve heard about the Acquaintance Party happening in two weeks. Our founder will be attending this event. It will be held at one of the hotels owned by Mr. Mariano Rodriguez. I want you all to be prepared. This is a very important event. Thank you.” Tumigil siya sandali, saka ngumiti. “And now, I would like to introduce our founder, Mr. Mariano Rodriguez.” Isang matandang lalaki ang lumabas mula sa gilid ng stage. Siguro nasa late 60s na siya, pero elegante at kagalang-galang ang dating. So siya pala ang founder ng MRU. “Good afternoon,” bati niya, kalmado ang tinig. “I wasn’t able to attend the welcome party because I just arrived from abroad with my only grandson. But it’s great to be back. Welcome to MRU! First years, I hope you're doing well in your classes.” Tumigil siya sandali, ngumiti, saka nagpatuloy. “This afternoon, I’d like to formally welcome you all to Mariano Rodriguez University. I’m asking our teachers to postpone classes for the rest of the afternoon because… we’re having a party!” Nagpalakpakan ang lahat. “There will be food, games, and today will also be the choosing of your clubs. So enjoy yourselves. Thank you!” “Siya pala ang founder, no? Ang bait niya,” bulong ni Francine. Phone ringing... Tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa at sinagot agad. “Miss Dela Cuesta, please come behind the stage together with Mr. Rodriguez. There’s something I need you two to do,” sabi ni Miss Zapanta. Pagkatapos ng tawag, naghanap ako ng Sebastian. Pero nakita ko siyang surrounded ng mga babae—mga hindi namin kaklase. Hay naku. Ito na ‘yung sinasabi kong ayaw ko. Hindi ko na siya nilapitan. Isusumbong ko na lang kay Miss Zapanta. Lumapit ako sa likod ng stage. “Miss Dela Cuesta, come here,” tawag ni Miss Zapanta. Agad akong lumapit at nakipagkamay sa matandang lalaki. “Hello po, Sir. Ako po si Leanne Faith Dela Cuesta. Nice to meet you po,” sabi ko, sabay bahagyang yuko. “Hello, hija. Nice to see you. You look familiar. Have we met before?” tanong niya. “Hindi ko po alam, Sir. Ngayon ko lang po kayo nakita,” sagot ko. Lumapit si Miss Zapanta. “Oh, andito na pala si Mr. Rodriguez. Halika rito!” Paglingon ko, nakita ko si Sebastian. Lumapit siya agad, at ngumiti. “Lolo! Buti nakapunta ka.” “Of course! Pinangako ko ito sa’yo, ‘di ba?" Wait… Lolo niya?! So Sebastian is the founder’s grandson? “Thank you, Lolo,” sabi ni Sebastian, ngumiti sa matanda. “Now, I want you two to think of some games for the First Years,” sabi ni Miss Zapanta. “You have 30 minutes. Prepare a list and the materials needed, then pass it to Miss Bautista.” “Okay, Miss,” sabay naming sagot. “Lolo, enjoy lang kayo ha. Bawal ang stress,” biro ni Seb. “Don’t worry about me. Just do your thing. Sabay tayong uuwi mamaya.” Pumunta kami ni Seb sa isang bakanteng room para magplano. Habang naglalakad, napansin ko ang closeness nila ng lolo niya. May respeto, may lambing. Ako kaya? Patay na ang Lolo ko. Hindi ko na nga siya nakita. Si Lola na lang sa side ni Papa ang buhay pa. Naalala ko ‘yung panahon na binilhan ako ni Lolo ng sapatos noong bata pa ako. Namiss ko siya... Hindi ko namalayan, may tumulo nang luha sa pisngi ko. “Leanne? Tara na... Leanne?” tawag ni Seb. “Okay ka lang ba? Naluluha ka?” Agad kong pinahid ang luha ko. Nakakainis. Naiyak pa ako. “Okay lang ako,” sagot ko. Pagpasok namin sa room, umupo ako sa isang silya. Umupo rin siya sa tabi ko. Kumuha ako ng papel at ballpen. “So, ano na? May naiisip ka bang games? Yung madali lang,” tanong ko. Kinuha niya ang ballpen mula sa kamay ko. “Ako na ang magli-list. Okay ka lang ba talaga?” “Yup. I’m good. Hmm… Water relay kaya?” “Pwede,” sagot niya. Matapos naming maglista ng possible games, tinawagan ko sina Dianne at ang ibang officers para tumulong sa paghahanda ng materials. Pagdating nila, kanya-kanya na kaming hanap ng mga kailangan. Pumunta kami sa stock room para kumuha ng sacks. Si Seb naman ay nagpunta sa canteen para humiram ng mga gamit. Pag nakumpleto na ang lahat, ipinasa namin kay Miss Zapanta ang listahan ng games at materials. “Good job, both of you. Kumain na kayo, andun na 'yung pagkain,” sabi niya, nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD