“Leanneeeeeeeeeee!!!”
“Gising na! Sasabay ka ba sa’kin o hindi?!”
“Tinatamad pa ako, Kuya! Mauna ka na nga!”
“Yaya, kunin mo nga ang susi sa kwarto ni Leanne!”
“Oo na, oo na! Gigising na! Kainis naman, oh...”
“Sige, maligo ka na diyan,” sabi ni Kuya.
📱 Phone ringing...
Riiiing...
“Hello?”
“Leanne? Asan ka na ba? Late ka na naman ngayon, ano?”
“Dianne, ikaw pala. Sorry, mukhang malalate ako. Ang tagal kong nagising, eh. Sa next class na lang ako papasok. Kita na lang tayo mamaya, ha?”
“Sige, Leanne. Bilisan mo, ha?”
“Okay, sige.”
Binaba ko ang tawag. Mabilis akong naligo—mga five minutes lang. Nagbihis agad at bumaba.
“Oh, andiyan ka na pala. Kumain ka na nang makaalis na tayo,” sabi ni Kuya.
Tumango lang ako at umupo sa dining table.
Si Kuya ngayon ang tumatayong guardian ko. May work na siya sa family business bilang director. Sina Mama at Papa? Laging wala. Nasa abroad para sa negosyo. Sabi ni Mama, babalik daw sila next week.
Ako nga pala si Leanne Faith Dela Cuesta, first-year college student. Two weeks pa lang simula ng college life ko. So far? Walang masyadong nagbago. Still quiet. Still reserved.
Karamihan ng socializing ko? Sa clubs lang. Kaya hindi na rin ako nagulat na si Dianne lang talaga ang naging ka-close ko.
Magkaibang-magkaiba kami—ako, tahimik. Siya? Parang walang mute button. Pero somehow, nagkaintindihan kami.
“Ano bang iniisip mo diyan? Kumain ka na nga. Iiwan talaga kita,” sabi ni Kuya.
“E ‘di mauna ka na. Wala naman talaga akong planong pumasok ngayon. Mapilit ka kasi,” sagot ko.
“Anong gusto mong gawin, ha? Magpakatamad ka dito? Umayos ka nga. Bilisan mo, ang bagal mo.”
“Jeez, oo na!”
Kung hindi lang siya ang nagbibigay ng allowance ko, hindi ko talaga siya kakausapin.
“Yaya, alis na kami.”
“Sige po, Sir. Miss Leanne, ingat po kayo,” sabi ni Manang.
Sumakay ako sa kotse. Pinaandar na ni Kuya ang sasakyan.
“Kumusta ang college? Okay lang ba mga kaklase mo?” tanong niya habang nagmamaneho.
“Okay lang naman. Wala namang problema.”
“Umayos ka sa school. Mom and Dad are expecting you to top your class—just like before. ‘Wag kang tatamad-tamad.”
“Alam ko ‘yon,” sagot ko, deadpan.
Valedictorian ako ng elementary at high school. Pero college? Iba ang laban dito. Mas malawak, mas intense, mas competitive.
Hindi mo alam kung sino ang totoo. At mas hindi mo alam kung anong klaseng pressure ang darating bukas.
“Nandito na tayo. Bumaba ka na.”
“Ah, oo nga pala. Sige. Kita na lang tayo sa bahay. Ingat ka.”
Pagbaba ko ng sasakyan, tinignan ko ang signage sa gate:
Mariano Rodriguez University – MRU
Malaki ang campus. Parang mini city.
Tumingin ako sa relo. 8:50 AM.
Ten minutes before my next class. Lagot ako—si Miss Zapanta pa naman ang teacher sa English.
Nagmadali ako. Sakto, papasok pa lang si Miss. Sumunod ako sa loob at umupo sa last row.
“Good morning, class,” bati ni Miss Zapanta.
“Good morning, Miss Zapanta,” sabay-sabay naming sagot.
“I’d like you to know that two weeks from now will be the MRU Acquaintance Party. Kayo ang First Years, so you’ll be in charge. Design, program, coordination—lahat. And since I’m your adviser, we’ll elect class officers today.”
Biglang bumukas ang pinto.
“Good morning, Miss. Excuse me,” sabi ng isang lalaki.
“Oh, it’s you, Mr. Rodriguez. Come in. Class, this is Sebastian Dale Rodriguez, your new classmate. Mr. Rodriguez, please introduce yourself.”
Cue slow-mo moment.
“Ang gwapo naman niya... Sebastian Rodriguez,” bulong ni Francine sa tabi ko.
“May girlfriend na kaya siya? Ang gwapo talaga!” dagdag pa ni Dianne.
Hay nako, Dianne…
“Hi, I’m Sebastian Dale Rodriguez. You can call me Seb. Thanks,” sabi niya.
Cool. Confident. Parang walang pakialam sa spotlight.
“Miss Dela Cuesta, since ikaw ang top scorer sa pre-test, I’d like you to preside over the class election.”
What? Ako na agad?
Tumayo ako, kinuha ang listahan, at lumapit sa harap.
“Okay, nominations for class president are now open.”
Maya-maya lang, tapos na ang botohan.
Ako – Class President.
Si Sebastian – Vice President.
Great. Just great. Sanay naman ako sa leadership roles. Pero bakit parang this one's gonna be different?
“Okay, class. Here’s our new officers. I hope we’ll do well this semester. Thank you, goodbye,” sabi ni Miss Zapanta.
“Miss Gonzales, please keep a copy of the officers' list with their contact numbers. Para may tatawagan ako if needed.”
“Okay, Miss!” sagot ni Dianne, sabay kindat sa akin.
[FLASHBACK – First Day of Class]
I avoided the canteen—masyadong matao. Dumiretso ako sa garden. Tahimik. Presko. Solo ko.
“Hi, Miss!” bati ng isang babae.
Nagulat ako. Ang laki ng ngiti niya. Maganda. Mukhang first year din.
“Ako nga pala si Dianne May Gonzales! Bago ka rin ba? Anong course mo?”
Daldal overload.
“Ah... Leanne. First year. Business Ad.”
“YES! Pareho tayo! Patingin ng schedule mo!”
Bago pa ako makatanggi, hawak na niya ‘yung class schedule ko.
“OMG! Magkaklase tayo! Pwede ba tayong maging friends? Wala pa kasi akong kakilala. Sabay tayo, ha?”
And from that moment, hindi na siya nawala sa tabi ko. Pero to be honest? Thankful ako.
“Leanne, ito na ‘yung list ng officers. Check mo na para maipasa ko kay Miss Zapanta,” sabi ni Dianne.
📋 Class Officers – 1st Semester
Position Name Contact Number
President Leanne Faith Dela Cuesta 0966-145-8976
Vice President Sebastian Dale Rodriguez 0917-879-2314
Secretary Dianne May Gonzales 0977-456-4321
Treasurer Francine Sanchez 0923-654-8790
Tinitigan ko sandali ang papel.
Vice President – Sebastian Dale Rodriguez.
So we’ll be working together...
This is going to be... interesting.