"Mahal kita anak sobra" sabi ni mama at niyakap ako nang mahigpit at unti unting naglaho at naging Isa sa mga paru-paro na malayang lumilipad.
"Mahal na mahal kita Mama...Mahal na mahal...." Matapos kong sabihin yun ay pumatak ang luha ko saka malungkot na napangiti sa sarili. 'Fly high Ma, mag iingat ka lagi'.
"Anak....Kabi?" Pagmulat ko nakita ko si Papa na nakangiti sa akin habang hinahagod ang likod ko. "Good morning Nak..".
"Good morning Pa" sabi ko saka dahan dahang bumangon at kinusot ang aking mata.
"Binisita ka ni Nanay noh?" Sabi ni papa sa akin saka hinawakan ang kamay ko.
Niyakap ko lang si Papa nang mahigpit at ganon din siya sa akin, at habang yakap yakap ako ni Papa sinabi niya din sa akin na binisita siya ni Mama sa panaginip niya at Masaya siya Kasi maayos ang kalagayan ni Mama duon, hanggang sa kumalas na ako sa pagkayakap niya at bumaba na kami para mag almusal. Masaya akong bumisita sa panaginip namin ngayon si Mama, kahit doon man lang mayakap at makita ko siya ulit.
Kaarawan niya kasi ngayon at nagplano kami ni Papa na pagkatapos na pagkatapos nang klase ay susunduin niya ako sa school at didiretso kami nang menteryo para bisitahin si Mama.
"Hey are you alright?.." tanong sa akin ni Chelly nang malapitan na sa upuan ko, nasa school na ako, naging mag kaibigan kami ni Chelly at hindi na rin siya masyado sumasama kina Shane at Rose.
"Wala...may iniisip lang" sabi ko habang naka halumbaba.
"Tell me.. Ano ang iniisip mo?" Sabi niya sa akin saka umupo sa harapan ko at excited na pakinggan ang iniisip ko.
"Kaarawan kasi ngayon ni Mama" umpisa ko at mapait na ngumiti.
"Oh birthday naman pala nang Mommy mo bakit ka malungkot?" tanong niya.
"Malungkot ako kasi...Kasi wala na si Mama" napayuko ako nang maramdaman ko ang init na likido na nagbabadyang tumulo sa mga mata ko.
"I'm sorry to hear that....I'm sorry" niyakap ako ni Chelly saka paulit ulit na nag sabi nang ' I'm sorry ' at habang yakap niya ako di maiwasan na tumulo ang luha ko na kanina pa gusto lumabas sa pinang galingan nito.
Matapos ang ilang sandali ay pinakalma ko na ang aking sarili saka pinahidan ang luha na tulo parin nang tulo. ' Birthday ngayon ni Mama dapat di ako malungkot kasi iiyak siya kapag nalaman niyang malungkot ako ' bulong ko sa sarili at huminga nang malalim saka kumawala sa yakap ni Chelly at ngumiti sa kanya para ipakita na okay na ako.
Unti unting nag sidatingan ang mga estudyante at Isa na doon si Bryan at Nathan napatingin sa akin si Nathan pero sinenyasan siya ni Chelly na okay lang daw ako kaya umupo na ito. Nakabalik na din ako sa dati kong upuan kung saan ay nasa bandang likod ko nakaupo si Bryan.
Nagsimula na ang klase at habang sinasagot namin ang tanong sa blackboard na ' kung papipiliin ka pamilya o taong Mahal mo? At bakit? ' . Nang may bigla nalang na papel ang pinasa sa akin mula sa likod kaya binuklat ko ito at binasa ang nakasulat dito.
'Ayos ka lang?'
Kumuha ako nang extra paper at sinagutan ang tanong niya.
'Oo ayos lang ako..bakit?'
Sulat ko saka pasimpleng pinasa ito sa likod ko saka binalik ang tuon sa skwela
"Pareho....parehas kong pipiliin at di susukuan ang dalawa..Ang pamilya at ang taong mahal ko..' sagot ko saka ito pinasa kay ma'am sa harapan napatingin siya sa akin na parang nagtatanong kong sino ako kaya ngumiti nalang ako sa kanya saka bumalik sa upuan ko at naghintay nang ilang saglit na matapos na ang oras ni ma'am kasi launch na.
'Wala lang....bawal ba magtanong!?!?'
sabi nang papel na pinasa sa akin aba itong lalaking to talaga, lumingon ako sa likod ko at nakita ko siyang nakangiti sa akin kala ko ba may sakit tung lalaking to? ba't parang wala naman nangyari sa kanya.
'ring ring ring'
Rinig kong tunog nang bell at pinasa na nang mga kaklase ko ang mga sagot nila kaya tumayo na ako para pumunta sa canteen. Sabay kami ni Chelly pumunta sa canteen na mag kahawak ang kamay.
"Look who's here!?" sabi ni Shane at Sarkastikong pumalakpak kaya napatingin sa amin ang mga tao at nagbulung bulungan na naman.
"Shane..Please stop it, mabait si Kristen and please guys wala kami dito para makipag away" Pag protekta sa akin ni Chelly.
"Seriously? sumasama ka sa babaeng to? sa babaeng puno nang ka plastikan at cheater two timer b***h!!" sigaw sa akin ni Shane kaya mas lalong lumakas ang bulungan nang mga estudyante dito.
"Do you think palalampasin ko? na pati si Kuya Bryan at Si Nathan ay pinag sasabay mo!" sabi naman ni Rose.
"And without you guys knowing!!! itong malanding babaeng to ay pumunta lang naman sa bahay nang kuya ni Rose!" sigaw ni Shane sa mga estudyante dito kaya palakas nang palakas ang bulong bulungan dito na patungkol lahat sa akin.
'oh my God ang kapal talaga nang mukha porket gumanda lang ganyan na!'
'parusahan yan!!' sigaw nang isa sa kanila may humila kay Chelly papalayo sa akin.
'Buti nga sa'yo..Hampaslupa!!'
'Malandi!!'
' Makapal ang mukha' sigaw nila sa akin habang binabato ako nang kung ano ano.
"Itigil niyo yan!... SABING ITIGIL NIYO!!" may narinig kaming isang malakas na nagpahinto sa kanila lahat. Naramdaman ko na lang na may jacket na pinasuot sa akin at hinila na ako ni Chelly palabas sa canteen.
"Subukan niyo siyang saktan ulit ako ang makakalaban ninyo!!" yung boses na yun..
"Here ito muna suotin mo pansamantala hiramin mo nalang muna ang mga yan ibalik mo nalang sa akin sa susunod" abot sa akin ni Chelly nang kanyang mga damit.
"Salamat.." sabi ko habang umiiyak padin.
"Wag mo silang pansinin, Kasi di ka nila kilala at wala silang alam sayo.." pampalubag loob sa akin ni Chelly tumango ako at pumasok na sa CR para magbihis.
"Thank you ah.." ngiti ko kay Chelly niyakap niya lang ako saka ngumiti sa akin.
"Wala yon tara.." at naglakad na kami ulit at habang naglalakad kami may narinig kaming nag aaway kaya huminto kami para tignan kung sino nakita ko si Bryan na may binubogbug at laking gulat ko na si Nathan pala ito kaya dali dali kaming pumagitna sa kanilang dalawa para awatin sila.
"Ano ba tama na yan!!" swat namin kina Nathan at Bryan.
"Gago ka!.. wag mo siyang paasahin kung di mo rin din naman mahal!" sigaw ni Bryan kay Nathan.
"Ako Gago?! tignan mo kaya ang sarili mo para malaman mo kung bakit di ka mahal nang babaeng mahal mo" sigaw naman ni Nathan pabalik Kay Bryan.
"Nathan stop..stop it!" pigil sa kanya ni Chelly saka pa kumalma si Nathan at umalis sinundan naman siya ni Chelly kaya kami nalang dalawa ang andito sa likod nang building.
"Bakit mo ba siya sinuntok ha!?! Bakit ba kayo nag aaway ha!!"
"Wala...wala ka na ron.." sabi Niya sa akin saka kumalma at tumingin sa mga mata ko at mapait na ngumiti. "How I wish I was him" yun ang huli niyang sinabi saka umalis sa harapan ko.
Di ko na makita si Bryan at si Nathan ganon din si Chelly nang bumalik ako sa room. Nandito ako ngayon at naghihintay kay Papa para sunduin niya ako at bibisita na kami kay Mama.
"Nak sakay kana" sabi ni Papa mula sa loob nang sasakyan namin. Yung sasakyan namin? hindi naman siya maganda at maayos tulad nang sasakyan Mila Bryan at Nathan pero magagamit parin ito at mas komportable ako dito kaysa sa mga dun.
"Ready kana ba?" tanong sa akin ni Papa.
"Opo Pa" anya ko pagkatapos ko magmano kay Papa at umalis na kami patungo sementeryo.
*****
"Hi Ma!!! happy birthday!! akalain mo yun 5 years na pala simula nang sumama ka kina Lolo at Lola" sabi ko habang pinipigilan ang luha ko saka napatingin sa langit.
"Maganda ba diyan Ma? Sana maayos at masaya ka diyan... Promise ko po iingatan ko si Papa, promise ko rin po na di ko po kukuhanan nang chicks tong si Papa!" sabi ko kaya napatawa kami ni Papa.
"Nay, alam mo bang may boyfriend na tong dalaga natin?" sabi ni Papa kay Mama habang nakatingin sa kanyang lapida. "Galing talaga pumili nang anak natin Nay! Kasi si Bryan gwapo,mayaman at may pagka macho!" sabi naman ni Papa na parang proud na proud pa siyang sabihin yun kay Mama.
"Pa naman!, baka maniwala si Mama at baka multuhin yun si Bryan!" sabi ko naman at tumawa saka niyakap si Papa at naglaan kami nang kaunting panalangin para kay mama saka bulaklak na paborito niya saka nag paalam na din at umuwi na.
Nandito na ako sa kama ko kakatapos ko lang mag toothbrush at magpunas, at habang di pa ako makatulog ay napaisip ako sa sinabi ni Bryan sa akin kanina.
"How I wish I was him"
Bakit? bakit gusto niya maging si Nathan? bakit ganon nalang siya kung makatingin sa akin? bakit ang lungkot nang mga mata na yon? bakit parang nasasaktan ako para sa kanya? bakit siya galit na galit kay Nathan? Bakit niya sinabihan si Nathan na kung Mahal ka nang tao sana wag mong paasahin? Bakit?
"Hay...ano bato ba't si Bryan laman nang utak ko?......teka may pasa yun sa mukha kanina ah??....ahhhh!! ba't ba ang lalaking yun ang iniisip ko?" frustrated na sabi ko saka nagpagulong gulong sa kama.
*****
Araw na nang project namin ngayon about sa "CHANGE" kaya dali dali na akong naligo at nagbihis na saka bumaba na at nag almusal at nag paalam kay Papa. Sabi nila wala daw akong gagawin total ako daw ang presentor nang gawa namin.
***
'flashback'
"So wala akong gagawin?" tanong ko sa kanila at tumango naman sila andito kami ngayon sa bahay nila Chelly ngayon grabi ang ganda sobra parang nasa ibang bansa kasi high-tech ang nga gamit nila dito.
"Yap wala kang gagawin, tatayo kalang sa harapan at magsasalita kami at ipapaliwanag kung bakit ito ang naisip natin.." paliwanag ni Chelly wala ngayon si Bryan kasi may lalakarin daw siya importante kanya si Chelly muna ang nag take over.
"Okay" sabi ko sa kanila.
'end of flashback'
***
"Kuya bayad po!" sabi ko saka inabot ang bayad kay manong driver, ang sikip dito grabi. Ilang sandali lang parang may naramdaman akong humahawak sa may legs ko sa bandang palda ko kita kasi ang legs ko dun kaya umusog ako pero umusog din si kuya naging komportable ako buti nalang at andito na ako sa paaralan kaya agad akong bumaba may ibang estudyante din ang bumaba kay natagalan ang jeep na umalis.
Nakita ko si Bryan na kakarating lang din at agad naman itong pumunta sa akin.
"By the way kahapon sorry nga pala— ayos kalang?" tanong niya nang mapansin na patingin tingin ako dun sa jeep at humahawak sa legs ko na parang di ako komportable.
"Sino?! sino nambastos sa'yo sa jeep?" Tanong niya sa akin at agad hinabol ang jeep na papaalis na at pumasok dun, may narinig lang akong nag sigawan dun pupunta na sana ako dun para alamin kung bakit sila nagsisigawan dun kaso bumaba na si Bryan na galit na galit saka hinawakan ako at pumasok na kami sa school. Napapatingin pa sa amin ang ibang estudyante pero ang buong atensyon ko ay nasa kamay na naka hawak sa akin ngayon ang sa puso ko na parang kakawala na sa aking dibdib. Pumasok kami sa library at pumunta sa pinakasulok at sinandal niya ako sa lalagyan nang mga libro, gulat naman akong napatingin sa kanya.
"B-bakit? bakit ka ganyan maka titig?" napalunok ako sa aking laway nang lumapit pa siya nang kaunti sa akin kaya umiwas ako nang tingin.
"I promise no one could ever treat you like that....again" nagkatitigan kaming dalawa hanggang ang mga titig niya ay bumaba sa ilong ko hanggang sa mga labi ko.
"Mi Amor" bulong niya na hindi ko narinig kasi nag bell na hudyot na mag sisimula na ang klase. Kaya umalis na siya sa harapan ko na may nakakalokong ngiti sa labi. Ilang sandali lang napahawak ako sa aking puso, Ba't ganon? ba't ang bilis nang t***k nito? tanong ko sa sarili saka pinakalma ito at umalis na baka malate pa ako.
Maganda ang representation nang group 1,2 at 3 maganda ang kanilang halimbawa at explanation about sa theme namin ngayon.
"Let's give them a round of applause.. Group 4 mag start na kayo" kaya tumayo na kami at pumunta sa harapan .
"Ready?... GOOD MORNING MA'AM GOOD MORNING CLASSMATE THIS IS OUR REPRESENTATION!!" sabay sabay naming sabi lahat at pumwesto na sa mga lugar namin.
"So our theme is all about CHANGE! at sa naisip naming paraan we put a twist on our theme from CHANGE to TRANSFORMATION" sabi ni Chelly kaya pumunta na ako sa gitna, nagtawanan naman ang iba naming kaklase natahimik lang nang pinagsabihan sila ni ma'am.
"We choose to pick her as our representative (Kabi) because we know people would laugh at her not because of who she is before but who she is now" makahulugang sabi ni Bryan na naramdaman kong nakatingin sa akin nang diretso.
"Maybe others would think, why do they choose her? why her? we choose her because we knew that even her physical appearance change but her personality we're still the same" pagpatuloy niya nakinig lang kaming lahat sa kanya pati ang iba naming kagrupo.
"Do you know who must be the person that must change?.... It's not her, its us...Why?...yes, we look great and we look beautiful outside, but how about inside are you beautiful inside? Do you ask yourself if you are perfect?, have you ever ask your self about what you've done to this innocent girl? No, right? Hindi niyo malalaman hangga't ang nasa puso ninyo ay galit,selos at pangungutya."
"Oo aaminin ko na isa akong Gago at pariwalang estudyante pero handa akong magbago para sa taong mahal ko, para sa babaeng mahal ko.... At handa akong maghintay hanggang dumating ang araw na ako na ang lalaking mahal niya... Gagawin ko yun para sa kanya kahit pa alam kong wala akong pag asa." May bahid na lungkot ang kanyang boses at ang bawat salita na binibitawan ni Bryan at ramdam ko yun kaya nung lumingon ako sa likod para tingnan at magtanong kong ayos na ba? ay nakita ko ang lalaking handang magbago para sa taong mahal niya, nakita ko ang pagmamahal at sakit sa kanyang mga mata kaya umiwas ako nang tingin kasi di ko kayang tignan ang mga matang iyon.
"So that's it...That's all thank you" pagkasabi niya nun ay nagpalakpakan ang mga kaklase namin at meron pang iba na naiiyak, tumayo si ma'am at nag bigay thumbs up sa amin kaya bumalik na kami sa aming upuan.
"That's good... Ganyang estudyante ang gusto ko, estudyanteng gagawin ang lahat at handang mag bago makuha at makamit lang ang kanyang mahal at gusto" ani ni ma'am at pinunasan pa ang kanyang mata na medyo naluluha sa among representation kanina.
"I guess we already knew who won?" tanong sa amin ni ma'am at nag hiyawan naman ang aming mga kaklase at sinabing kami ang nanalo at tama nga kasi sa huli kami ang nanalo.
"I didn't know you have a soft spot Mr. Jackson" sabi ni ma'am napangiti naman siya habang ang iba ay napatawa.
Masaya ako kasi kami ang nanalo sa group project namin habang nag babasa nang libro dito sa library kasi break namin may umupo sa tabi ko at alam ko na kung sino iyon kaya nagbasa na ako hindi ako naging komportable kasi tingin siya nang tingin sa akin.
"Hi Kristen!.." bati sa akin ni Christian. Siya si Christian kanina habang kumakain ako nang recess ay bigla nalang itong lumapit sa akin at sinabing "Alam mo crush Kita matagal na" kaklase kami ni Christian at may pagka weirdo din tong isang to tulad ko dati pero mabait naman yun nga lang sumusolput kahit saan.
"Ikaw pala, kamusta?"
"Yiee kinausap ako ni crush, a-ayos lang ako crush.. May tanong ako sa'yo crush" sabi niya at lumapit nang kaunti sa akin ang cute din nitong lalaking toh.
"Ano yon?''
"Natamaan ka na ba ni minsan?"
"Ako hmhmm.. Parang hindi pa bakit?"
"Kasi ako matagal nang tinamaan sa'yo..yiee hehehe" nagulat ako sa hirit nang lalaking to pero napatawa niya naman ako.
"Hahaha nice one..."
"Ako di mo ba ako tatanungin?" napalingon kami sa nagsalita sa likod ko at nakita ko si Bryan na parang umuosok na.
"Ahm.. Tinamaan kana ba dati B-bryan?" kinakabahang tanong ni Christian.
"Oo naman.... Ako naman mag tanong sa'yo, tinamaan kana ba dati Christian?"
"H-hindi pa bakit?"
"Kasi ngayon tatamaan ka talaga sa akin!" sabi ni Bryan at muntikan nang suntukin si Bryan nang maunahan itong tumakbo.
"Tatamaan talaga yung tarantadong yun sa akin pag lumapit pa yun sa'yo" ika niya habang nakatingin parin sa pintuang nilabasan ni Christian.
"Hayaan mo na cute naman eh" sabi ko at tumayo na para ibalik ang libro at aalis nang isandal ako at ikinulong sa kanyang mga bisig.
"Ano bang nangyayari sayo ah? ba't lagi mo akong sinasandal sa pader alam mo ba na masakit yun sa likod?" sabi ko saka siya tinulak at hinawakan ang likod kong masakit na ngayon.
"Sorry...ako n, hihilutin ko" saka niya ako pinatalikod at minasahe ang likod ko.
"Aray ang sakit mo naman mag masahe baka nakalimutan mong tao ang hinihilot mo hindi bagay!"
"Ay sorry kala ko kasi bagay"
"Anong sabi mo—"
"Bagay tayo.." putol niya sa sinabi ko at ngumiti saka umalis sa harapan ko. Naiwan nanaman akong tulala at gulat sa mga pinang gagawa niya.
' Bagay tayo '
Para na akong baliw na naglalakad pabalik balik dito sa kwarto ko, lakad dun lakad dito at paulit ulit ding umi echo ang boses na yun ni Bryan.
Ano bayan!!! Heto nanaman ang puso kong di mapigil sa pagpintig, sobrang lakas nang pintig nito na parang gustong kumawala sa aking katawan at sumigaw nang napakalakas at sasabihing.
"SHET!!! PINAKILIG AKO NANG BAD BOY KONG FAKE BOYFRIEND!!"