Pag bumilis ba ang t***k nang iyong puso sa isang tao kahit sa kaunting bagay lang na ginagawa niya ibig ba sabihin nun mahal mo siya o gusto mo lang siya? May malisya ba yun k wala? Pero pano kung meron kang gusto sa iba at hindi sa taong nag papabilis nang t***k ng puso mo?
Paano kung may crush kana? Paano yung taong hindi mo crush pero siya ang nag papatibok nang puso mo?
Paano?
Iilan lang yan sa aking katanungan habang nakatanaw sa eskwelahan dito sa ilalim nang puno. Pero paano kung ang taong gusto mong mapasayo ay may gustong iba? Pipiliin mo nalang ba ang taong nagpapatibok nang iyong puso pero di mo naman mahal?.
"Hays!!! ewan ba't ko ba kasi naisip yung mga yun?" tanong ko sa sarili.
Huminga ako nang malalim at pilit na kinukumbinsi ang utak kong mag focus sa binabasa kong libro.
"PETER PAN"
Pero parang ayaw ako tigilan nang utak ko sa kakaisip nang mga ganun kaya sumandal nalang ako sa puno.
What if kung nasa libro ako? what if kung ako yung second lead? what if ako ang babaeng pinipilit ang aking sa sarili sa iba pero sa dulo di rin naman ako ang pipiliin? Kaya ko bang maging si Tinkerbell hanggang sa mahanap na ni Peter Pan ang babaeng para sa kanya na si Wendy? Kaya ko bang maging Prologue nang estorya niya hanggang sa matagpuan niya na ang kanyang Epilogue?
Pinikit ko ang aking mga mata nang maramdaman ang simoy nang hangin ewan ko ba simula nang ilang araw na ang lumipas parang nagbabago lahat, si Bryan from bad boy to good boy na ngayon hindi na niya ako masyadong binubully at patuloy parin kami sa aming pagtatanggap sa harapan ni Papa na mag kasintahan kami.
Naging close na din ako kina Nathan,Chelly at Bryan pati nadin kay Christian.
Sina Shane at Rose naman ay parang bumait din. 'parang lang' di ko sure kung kaplastikan ba ang ipinakikita niya sa akin, sa amin? o totoo na nagbago na talaga siya.
"Lalim nang iniisip natin diyan ah" ramdam kong umupo siya sa tabi ko kaya minulat ko na ang aking mga mata at huminga nang malalim.
"Hindi ba pwedeng nagpapahinga lang?"
"Hindi mo ako mauoto...Does eyes don't lie." ika niya saka tumingin sa akin kaya napatingin din ako sa kanya, ako ang unang umiwas nang tingin sa amin.
"May tanong ako.."
"Ano? kung ano ang beauty product na ginagamit ko?.. Well nasa sinapupunan pa ako nang Nanay ko gwapo na talaga ako, lumala lang ngayon na medyo tumatanda na" pinakinggan ko lang siya sa mga kahanginan niya, mali pala ako kanina parang hindi parin pala nagbago tong lalaking to, andito parin ang hangin eh, signal number 4...
"Sira!! " tumawa naman siya at saka tinanong ako ulit kung ano yung itatanong ko sa kanya.
"Paano kung may mahal kang iba tapos may taong nagkakagusto sa'yo pero wala ka namang nararamdaman sa taong nagkagusto sa'yo? Sino ang pipiliin mo? Ang taong mahal mo o ang taong mahal ka?" tanong ko sa kanya.
"He he he....Alam mo naitanong ko na rin yan sa sarili ko dati, kung ang taong mahal ko o ang taong mahal ako?..." ani niya saka tumingin sa kawalan.
"Pero kung ako ang papipiliin... Siguro yung taong gusto ako, kasi baka yun.. baka matutunan mo pa siya mahalin kaysa sa taong gusto mo nga pero may mahal namang iba" Pagpatuloy niya napatango naman ako sa sinabi niya at napaisip din.
Oo nga no? Kung pipiliin mo ang taong nagkagusto sa'yo may chance pa na baka mahulog loob mo sa kanya, pero kawawa naman kasi parang ginawa mo siyang option na kung hindi ka pipiliin nang taong mahal mo siya nalang iibigin mo. Parang ayaw ko naman nun parang feel ko naguguilty ako kapag ganun ang nangyari. Pero kung habol naman ako nang habol sa taong mahal ko baka pumuti nalang ang buhok ko hindi niya parin ako pipiliin kasi meron nang naka una at hindi ako yun.
"Alam mo ililibre nalang kita ngayon! Tara!" sabay tayo niyang sabi at inabot sa akin ang kamay niya, huminga muna ako nang malalim saka ko ito kinuha at hinila niya ako pataas. Dumaan muna kami sa library para isauli ang hiniram kong libro at saka kami tumuloy sa aming pupuntahan.
"Ang bilis mo talagang kumilos basta libre!" sabi niya na kinatawa ko.
"Alangan! aayaw paba ako? hindi lahat nang tao dito nan lilibre kung meron man mabibilang mo lang sila sa daliri... Pero salamat sa ililibre mo ah" sabi ko sabay g**o nang buhok niya ngumis naman siya Jaya nagpatuloy na kami sa aming lakad.
"Ba't tayo andito?"
"Shh basta enjoy nalang tayo" sabi niya saka ako hinila papasok sa Carnival, grabi ang ganda ang daming rides at ang daming tao na masaya ngayon lalo na ang nga bata.
"Bri!! dun tayo" sigaw ko nang makita ang rides na Viking hindi pa ako nakakasakay dito kaya excited akong umupo katabi ko naman si Bryan at ilang minuto lang ay nag start na, panay sigaw naman ang iba at tinataas pa ang kamay sa ere ganun din ako kasi ang saya.
"Ahhhhh!!!" sigaw ko saka tinaas ang aking kamay sa ere sunod naman naming sinakyan ang roller coaster nasa may harapan kami ngayon at mas lalong excited pa ako kasi matagal na nung huli akong nakasakay sa roller coaster ang saya!.
"Tara dun pa tayo!" sabi ko at hinila siya pero parang pagud na siya kaya nilingon ko siya at nakita ang nasusuka niyang mukha. "Ayos kalang?" alalang tanong ko
"Di mo naman sinabi na energetic ka pala sa mga ganito" sabi niya na parang gusto na sumuka.
"Sorry ngayon nalang kasi ulit ako nakapasok sa carnivals at nag saya nang ganito" niyakap ko siya at paulit ulit na sinabihan nang salamat sa panlilibre.
"Wala yon, tara kain tayo tapos ihatid na kita sa bahay niyo".
Narito kami sa barbekyuhan sa labas lang nang carnivals, at habang nag hihintay kami sa inorder naming manok, pork, at hotdog ay nag usap naman muna kami kahit saglit ramdam ko rin ang bawat titig nang mga kababaehan dito sa kanya. Kanina kasi bago kami umalis para kumain ay nagbihis muna siya sa CR dun sa carnivals, kaya ito agaw atensyon ang itsura niya para tuloy siyang artista.
Nakasuot siya nang Black na polo at as usual ay naka black socks siya saka nag suot nang sumbrero na tulad kay Michael Jackson, tinanong ko siya kung bakit parang may pagka hawig siya sa mga sinusuot ni MJ?
"Teka pansin ko lang parang ang hilig mo mag suot nang polo saka slacks at pati na din yang Sumbrero mo para kanang si MJ niyan dahil sa pormahan mo" Puri ko sa kanya.
"Kasi idolo ko yun. Hindi lang kasi siya King of Pop kundi King of Fashion din siya, saka mabait yung idol ko ang galing pa"
"Pano mo naman nasabi eh di naman kayo nagkakilala"
"Bakit? kasi siya lang ang kauna-unahang artista na nakita kong tumulong para baguhin ang mundo natin para nadin sa nga kabataan"
"May tanong ako wag kang magagalit ha! Bakit ba maputi si MJ? di'ba black american siya?"
"Ahh yun ba?.." napatango ako "Kaya siya maputi kasi may sakit si Michael ang sakit niya ay 'VITILIGO' ang vitiligo ay isang uri nang sakit kung saan ay puputi ka talaga at wala yung lunas kaya ayun pumuti ang lodicakes ko" sagot niya naman.
"Ahh... E di'ba bakla daw siya tapos binenta niya daw ang kaluluwa niya sa demonyo?" tanong ko naman sa kanya.
"Alam mo wag kang maniwala sa mga binabasa at naririnig mo sa balita.. Actually same tayo, kasi dati I use to judge him also, I use to say his gay, that he bleached his skin, that he was weird, pero alam mo nang nag try akong mag research about sa kanya that's the time I really said sorry to him kahit sa picture lang, sabi ko talaga 'MJ I'm sorry for judging you without knowing the truth' Kasi ang hirap pala mamuhay pag ikaw si Michael Jackson akalain mo yun kahit san siya magpunta lagi siyang nasa balita, kahit anong masasamang salita ang sinasabi sa kanya at inaakusahan pa nang iba, kahit anong gawin niyang disguise nakikilala parin siya tapos parang part na nang life niya na sinusundan talaga nang Media mula pagkabata hanggang sa huling sandali niya" ramdam ko ang galit sa mga boses niya.
Ang lungkot pala mamuhay bilang isang Michael Jackson no? kahit saan at kahit kailan laging may nakaabang na media para sabihan siya nang mga masasamang bagay at inaakusahan siya sa mga bagay bagay na hindi niya naman ginawa.
Oo nga at nasa kanya na ang lahat ang talento sa pagsasayaw,pagkanta, at pagsusulat nang mga sikat na kanta niya pero hindi niya naman nakuha ang gusto niya ang kanyang PRIVACY..
Dumating na ang aming pagkain kaya nagsimula na kami, kakagatin ko na sana ang pork nang pigilan niya ang kamay ko.
"Wops ops ops!! pray muna tayo" aniya kaya binaba ko na ang pork at nanalangin.
"Amen!" sabi naming dalawa saka kumain na.... Grabi ang dami kong nakain dun ah ang sarap nang sauce at ang sarap nang timpla nila sa mga inihaw.
"Bunny head? knock knock?" hirit niya bigla sa akin habang nasa loob kami nang sasakyan niya at nagmamaneho at ako naman ay presentang nakaupo dito.
"Who's there?"
"You?"
"You who?" ano kayang trip nito at pangalan ko ang napagtripan
"You are my heart and my soul my inspiration,
just like the old love song goes,
you are one of the few things worth remembering,
And since it's all true,
How could anyone mean more to me,
Than you.." hinawakan niya ang kamay ko saka kinanta ang mga notang iyon, pagkatapos nun ay lumingon siya sa akin saka ngumiti nang masaya.
"I'm sorry, bye" kaway ko hanggang sa di ko na makita ang sasakyan niya kaya unti unti kong binaba ang aking kamay patungo sa aking puso na sobrang bilis nanaman nang t***k.
"Pa? Gising ka pa po?" tanong ko mula sa labas nang kwarto ni Papa nang buksan ni Papa ang pinto ay agad ko itong niyakap.
"Pa ba't ganon? but ang unfair nang puso at isipan ko?" tanong ko kay Papa habang naka yakap sa kanya.
"Bakit may nangyari ba?" tanong sa akin ni Papa saka siya kumawala sa yakap ko para tignan ako sa mata.
"Sabihin mo sa akin, sinong nang away sa maganda kong Anak" I'm is na sagutin ko ang tanong ni Papa niyakap ko lang siya.
"Nak pakatandaan mo na paminsan minsan hindi mali na sundin ang puso kaysa sa utak. I love you Nak" ngiti sa akin ni Papa saka ako hinalikan sa aking noo kaya nagpaalam na ako sa kanya para matulog.
Pagkahiga ko sa kama ay napaisip ako at nang ma-alala lahat nang nangyari kanina at yung sinabi ni Papa mas lalo lang akong nagugulohan di ko alam kung sino at ano ang Uunahin ko.
Di naman ako kagandahan, di din ako sexy, di rin naman ako ganun ka talino, pero bakit ako? bakit ako ang gusto niya? sa mukhang to nadala ko siya at worst napaibig ko?.
*****
'flashback'
"Kabi, let's stop this..." biglang sabi sa akin ni Bryan habang nasa biyahe pa kami.
"What do you mean?" takang tanong ko.
"Let's stop.... let's stop from pretending.." sabi niya saka hininto ang kotse sa tapat nang bahay namin.
"O-okay kung yan gusto mo—"
"Let's make this real" putol niya sa sinabi ko na kinagulat ko.
"B-baka pagod kana Brya—"
"I love you ever since I saw you in that damn library, way back when your still weird and nerd" tumingin siya sa akin ang mga matang yan pamilyar yan sa akin..
"But I know I can't have you. Cause you already have Nathan in your heart.... how I wish I was him" ang lungkot nang boses niya.
"Di mo ba napapansin? I always bully you cause I want your attention... gusto ko ang atensyon mo na sa akin lang, gusto ko akin kalang" may luhang tumulo mula sa mga mata niya kaya umiwas ito nang tingin sa akin.
"Pero alam ko wala akong pag-asa kasi... Sino ba naman ako para sayo? Ako lang naman ang lalaking nagpahirap sa babaeng gusto ko, Ako lang naman ang gago mong kaklase na palagi kang binubwesit makakuha lang nang atensyon mo"
hinampas niya ang manubela saka umiyak sa harapan ko.
"I'm s-sorry" paghingi ko nang tawad sa kanya. " I'm sorry Kung hindi kita napansin sorry kung hindi kita kayang mahalin" sabi ko sa kanya saka bumaba na nang kotse niya at pinunasan na ang luha na tumakas sa mga mata ko nakatalikod ako habang ginagawa yun kaya nang marinig ko ang pag alis nang kotse niya at tinanaw ko ito hanggang sa hindi ko ito makita
"I'm sorry, bye"
'end of flashback'
*****
Sana bukas pagising ko maging maayos na ang lahat.
'Oh My Gee!! guys narinig niyo ba ang news? '
'They deserve each other'
's**t kinikilig ako sa kanila ang tagal na pala nila noh!!'
Di ko nalang sila pinakinggan at dumeritso sa classroom pagkapasok ko nakita ko kaagad si Bryan na nakatingin din sa akin ngayon pero di ko lang siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa umupo na ako sa upuan ko at nakinig nang musika sa cellphone ko habang hinhintay si Ma'am na papasok sa amin.
"Good morning class!" masiglang bati sa amin ni ma'am kaya naman ay tinago ko na ang aking cellphone at nakinig na sa topic namin ngayon.
"And before I say goodbye I just want to congratulate Ms. Chelly Natasha Ortiz and Mr. Nashrael Thanious Cebrey for the engagement, stay strong and stay in love forever" sabi ni ma'am nagpalakpakan naman ang mga kaklase namin dito at ngumiti naman si Nathan at Chelly kay ma'am pati narin sa amin.
Pagka alis ni ma'am ay tumayo ako at dali daling tumakbo at pumuntang rooftop at duon umiyak nang umiyak habang napapaisip.
Kaya ba malapit sila sa isa't-isa? kaya ba hindi ako kayang mahalin ni Nathan kasi meron na palang nag mamayari sa kanya at ang mas masakit pa ay ang taong kinilala kong kaibigan ang siyang mapapangasawa niya.
Si Chelly ba ang babaeng laging dahilan nang mga ngiti ni Nathan? si Chelly ba ang kasama ni Nathan nung araw na nakita ko siyang ngumiti na abot sa kanyang mata? si Chelly ba ang babaeng tinitignan ni Nathan nang mga panahong tinulungan niya ako? Kaya ba laging sinasabi sa akin ni Bryan na wag ko siyang mahalin Kasi baka masaktan lang ako?
Pero bakit? oo maganda siya, mayaman, makinis, at matalino saka sikat at alam kong wala ako ni isa sa mga yun pero bakit?
"Anong sabi ko sa'yo wag mo siyang mahalin diba?"
"Kasalanan mo Ito lahat!!" sigaw ko sa harapan niya.
"Ako? ba't ako binalaan na Kita remember?"
"Kung di mo lang sana ginulo ang buhay ko edi sana..." napatayo ako sa galit.
"Edi sana ano? edi sana nasayo si Nathan ngayon ganon ba? Kabi matagal na sila ni Chelly 14 years old palang kami. Oo kaibigan ko si Nathan dati best friend ko siya pero nag bago lahat nang iyon nang pumasok ka sa buhay ko! nang nakilala Kita!"
"Kasalanan mo Ito!!..."
"Kabi ako nalang.... Ako nalang mahalin mo, pangako magbabago ako ibibigay ko lahat nang gusto mo basta sa akin kalang..." umiyak na din siya sa harapan ko pero di ako nagpadala nanaig ang galit ko sa kanya mula sa pangungutya at pangangaway sa akin nun.
Tinulak ko siya nang sinubukan niya akong lapitan at hawakan saka ako tumakbo papalayo sa kanya narinig ko pang tinawag niya ako pero di ko siya nilingon.
Umuwi ako sa bahay na luhaan at iyak lang ako nang iyak sa kwarto ko, hindi naman nila kasalanan na mahulog ang loob ko sa isang taong alam kong hindi kayang suklian ang pag ibig ko sa kanya.
Galit ako sa sarili ko, galit ako kasi lahat nalang nang taong malapit sa akin unti unti nang nawawala sa akin.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ito nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag sa akin.
"H-hello?" sagot ko habang pinupunasan ang luha ko sa mga mata at pisngi.
"Hey are you okay? Nakita kasi kita kanina na nagmamadaling umalis ayos kalang ba?"
"ah?...Oo ayos lang ako Chelly" hindi, hindi ako okay.
"Are you sure? gusto mo puntahan kita diyan? asan ka ba ngayon?"
"Di wag na nagpapahinga lang ako sa bahay bigla kasi sumakit ulo ko kanina" pagsisinungaling ko
"Are you sure—"
"Congrats pala sa inyo ni Nathan" putol ko sa kanya habang pinipigilan ang paghikbi ko.
"Thanks punta ka sa kasal namin ah kayo ni Bryan!" excited niyang sabi.
"Sige titignan ko...ibaba ko na ah matutulog lang ako"
"Sige don't forget to drink your medicine okay, bye" pinatay ko na ang phone ko at pinatahan ang sarili.
Now I realize na tama nga na sila ang para sa isa't-isa at masyado lang akong nasaktan kasi buong akala ko may pag asa ako sa kanya akala ko may nararamdaman din siya para sa akin, pero akala lang pala lahat nang yun.
Bagay sila parehong mabait, maganda at gwapo parehong may kaya ang pamilya at higit sa lahat bagay sila kasi mahal nila and isa't-isa at dapat masaya ako dun. Para kay Chelly at Nathan ata para na rin sa sarili ko.
Nagising ako dahil sa ingay sa baba kaya bumangon na ako at napagpasiyahan na bumaba para tignan kung ano ang merin dun. Pag kababa ko nakita ko ang napakaraming handa at may lechon pa at cake teka anong meron?
"Ito oh bigay mo ito kay tito" napatingin ako sa kanya ang layo layo sa Bryan na nakita ko nung nakaraan kinuha ko ang regalo na bigay niya.
"Para san ito?"
"I knew it... today is tito's birthday!" sabi niya na kinagulat ko kaya napatingin ako sa kalendaryo sa sala. Oo nga Kaarawan nga ngayon ni papa bat ko nakalimutan ang tungkol dun?!?!
"I know na galit kapa sa akin at alam ko rin na nawala sa isipan mo na Kaarawan ngayon ni tito because of what happened yesterday"
aniya sana ngumiti sa akin. "Kaya ayan ako nalang ang bumili nang regalo para kay tito"
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kung galit pa ba ako sa kanya? o talagang nagugulohan pa ako hanggang ngayon sana naman matapos na tung lungkot at galit ko sa sarili ko para matutunan ko mahalin ang mga taong nakapalibot sa akin...
*****
song title: You
by: Carpenters