"Tito happy birthday po!!" maligayang bati niya kay Papa nang makita itong pababa na, bumati din ako kay Papa nang Happy birthday at niyakap nang napakahigpit.
"I love you Pa" sabi ko kay Papa at kumawala na sa yakap naming dalawa saka binigay ang regalo ko sa kanya kahit si Bryan naman ang bumili.
"Tito happy birthday po!! Ito po pala regalo ko!!" bati niya kay Papa saka binigay ang kanyang regalo tuwang tuwa si Papa sa birthday surprise sa kanya at kaya din maingay kanina dito kasi nag aarange sila Bryan, Christian, Chelly at Nathan.
"Happy birthday po!" bati din nila Nathan, Chelly at Christian kay Papa nag pasalamat naman si Papa sa kanilang lahat at habang nag uusap sila sa baba ay namaalam muna akong maliligo at magbibihis kaya dali dali akong pumunta sa kwarto ko at pumasok na sa banyo.
Nandito sina Nathan at Chelly! Habang nababasa nang tubig ang buhok ko ay naiisip ko parin ang mga nangyari kahapon at kanina. Kabi dapat hindi ka magselos sa kanya sa kanila kasi wala ka namang karapatan, at sa ediyang yun ay pumatak ang luha ko at napangiti nang malungkot.
Oo dapat maging masaya ako para sa kanila, kasi alam ko na may dadating lang para sa akin na lalaki na pakamamahalin ako nang sobra at ngingitian ako nang abot sa kanyang magagandang mata.
Mabilis akong naligo kaya nagbibihis na ako ngayon at pinili ko ang suot na bigay sa akin ni Papa last year nung birthday ko isang dress na milky white ang color. Kasya parin sa akin kahit ilang buwan na ang lumipas, nag ayos din ako nang kaunti nag lagay ako nang kaunting lipstick saka inayos ang aking buhok at tinalian ito saka bumaba.
Pagbaba ko sakto namang nagsidatingan ang mga katrabaho ni Papa na mga pulis din tulad niya kaya mas lalong sumaya si Papa sa araw niya... Kung andito kaya si Mama panigurado sa sobrang saya ni Papa baka mag ka bunso pa kami at magiging ate na ako. Napangiti naman ako sa aking naisip na kabaliwan.
"Maligayang kaarawan Brad!"
"Pre! happy birthday sa'yo!" mga bati nila kay Papa.
"Tara pasok, pasok kayo wag kayong mahiya!" magiliw na sabi ni Papa sa kanila.
"Ang bango mo naman crush!" nagulat ako sa lalaking nagsalita sa likod ko kaya tinignan ko siya nakangiti ito sa akin habang suot ang kanyang glasses at ang magulo niyang buhok ang kyut.
"Hahaha mabango? talaga?" tugon ko kay Christian, sa aming lahat sa classroom si Christian ang pinakabata mas matanda kami lahat sa kanya nang isang taon at kung tinatanong ninyo kung bakit namin siya naging kaklase, matalino kasi siya sa katunayan siya ang palaging nangunguna every quarter.
"Oo, tsaka ang ganda mo. Sa sobrang ganda mo para kanang bulaklak na ubod nang ganda at bango" gwapo naman tung si Christian eh kulang lang nang ayos ang cute nga eh.
"Kabi!!" napatingin ako sa tumili, heto na Kabi kailangan mo nang tanggapin na ang babaeng yan ang pinili nang lalaking gusto mo kaya maging maligaya ka para sa kanila at para sa sarili mo.
"Hey!" sabi ko saka siya niyakap.
"Ano kamusta kana? nag alala kami sayo ah, bigla ka nalang kasing umalis tapos hindi na namin alam kung asan ka. Ginawa mo ba ang sinabi ko? ininom mo na ba ang gamot mo?" nag aalalalang tanong niya sa akin at tanging pag tango lang ang naging sagot ko.
"Congrats pala sa inyo ni Nathan kuhanin mo akong abay ha saka ninang!" masayang bati ko sa kanya at kay Nathan nang lumapit ito, ngayong araw na ito ang simula nang pagiging masaya ko para sa kanilang dalawa at para na rin sa aking sarili.
"Thanks! Ninang?! baka gusto mo maging Ninang nang mga anak namin.." sabi niya saka tumingin at kumindat kay Chelly.
"Anong anak?!?! Bata pa tayo noh saka studies muna asikasuhin natin." sabi naman ni Chelly sa kanya.
"Ang cute niyo!" ngiti ko sa kanilang dalawa.
"Mas cute ka crush!" biglang sabi ni Nathan sa likod ko at nang narinig din iyon nila Nathan ay tumawa nalang kami bago kami pumunta sa lamesa nang tawagin na kami ni Papa para kumain.
"In the name of the Father, the Son, and the Holly Spirit.. amen!" sabay sabay naming sabi saka kumain na.
At habang kumakain ako ramdam kong may tumitingin sa akin nang hanapin ko ang taong yun ay wala naman pala kaya binalik ko na ang atensyon ko sa aking kinakain.
"Pre!! shabihin mo kay boss na baka malate ako bukas!!" lasing na sabi ni Papa nag siuwian na ang iba naming bisita at ang naiwan ay ang katrabaho ni Papa at si Bryan. Umuwi na sila Nathan kasi hinahanap na sila dun sa bahay nila pati narin si Christian.
"Sige Pre! iha pasensya na ha! nalasing namin ang Papa mo sige mauna na kami salamat sa pakain!" nagpasalamat na ako sa kanila saka inalalayan si Papa paakyat sa kwarto niya tinulungan ako ni Bryan para hindi ako masyadong mahirapan kay Papa.
"Opss.. Yan shh tulog kana Pa!" sabi ko nang muntikan nang mahulog si Papa sa kama niya kaya inusog namin siya ni Bryan para di siya mahulog.
"Bry, salamat ah... sa pasalubong at handa na nagpaligaya kay Papa, salamat" pasasalamat ko sa kanya nang makalabas na kami sa kwarto ni Papa.
"Wala yun... Kamusta kana?"
"Heto masaya na kina Chelly at Nathan at para narin sa akin" sagot ko sa tanong niya.
"I'm glad your alright" ngiti niya sa akin. Nilinis na namin ang kalat sa baba saka siya nagpaalam na uuwi na. Nakatanaw ako sa buwan at mga bitwin ngayon dito sa bintana nang kwarto ko at nag mumuni muni.
"Ma? masaya ba diyan? Sana oo kasi kahit man lang diyan wala nang aaway sa iyo at mananakit" sabi ko nagbabakasakali na marinig ni Mama mula sa taas.
"Pangako ma na babantayan kong lagi si Papa dito and I'll make you proud" mangiyak ngiyak kong sambit nang maalala lahat nang pangyayari dati.
*****
"Doc kamusta po si Mama ko?" tanong ko sa doktor na sumuri kay Mama.
"I'm sorry to say this but she didn't make it" malungkot na sambit niya sa amin.
"Hindi.. Hindi pwede to!! Ma!!" iyak ako nang iyak habang dahan dahan na naglalakad sa bangkay nang Nanay ko.
"Ma..!! gising kana oh... gumising kana please" niyugyog ko si Mama nang hindi na siya gumalaw ay umiyak ako nang sobra..
At ang araw na yun ay hinding hindi ko malilimutan.... Ang araw nang birthday ko.
*****
Pinahid ko ang luhang lumabas at napakuyom ako saka huminga nang malalim.
"Balang araw Ma, dadating din ang panahon na magkakasama tayong ulit....tayong tatlo" huminga ako nang malalim bago sinirado ang bintana at humiga na sa kama.
Maaga akong nagising kaya nag cellphone muna ako at habang nag y-youtube naalala ko ang sinabi sa akin ni Bryan about Kay Michael Jackson kaya nag search ako about sa kanya at habang patagal nang patagal ang pag babasa at pag titingin ko nang mga information about sa kanya naging Isa na siya sa mga taong hinangaan ko about sa music,about being a brother a son and also a father to his three children.
"Remember the time,
when we fell in love,
do you remember the time?,
(When we first met girl),
remember the time,
When we fell in love,
do you remember the time?..."
Pagkanta ko sa awitin nang bago kong idolo ang ganda nang mga music niya tapos ang mga lyrics ang lalim nang meaning lalo na sa kanta niyang 'Heal the world'.
Sabado kahapon at ngayon ay Linggo kung kayat wala masyado akong ginagawa dito sa bahay day off naman ni Papa at hanggang ngayon ay hindi pa siya gising dahil ang sarap nang tulog niya nang tingnan ko siya kanina.
Habang umuopo ay nabored ako kaya nagpatugtog ako nang mga kanta ni MJ sa computer ko habang nag lalaro sa Friv. Nang biglang may nag chat sa akin.
"Hello po crush!!"
"Account mo? Christian.."
"Opo crush hehe.."
"Ba't mo ako crush?" tanong ko.
"Kasi iba ka sa lahat nang mga babaeng nakilala ko tapos maganda kapa saka mabait"
"Ahh.. ganun ba?"
"Naalala ko parin yung araw na tinulungan mo ako nang matapunan ko nang orange juice si Bryan.... at sorry kasi nang dahil sa akin dun nagsimula yung pambubully niya sa'yo kaya I'm sorry.." feel ko naguguilty siya habang naalala lahat nang pangyayari dati.
"Ayos lang yun it's not your fault don't worry.." pampalubag loob ko nalang sa kanya saka nag paalam kasi may nilalaro pa ako.
"Ano ba yan.... ba't ang log?!?!" sigaw ko nang nag log ang nilalaro ko sa Friv.
"Anak Kabi?"
"Po?" gising na pala si Papa di ko namalayan ito kasing nilalaro ko nakaka addict pero nakaka bwesit naman ewan ko ba.
"Ba't ka nag c-computer diyan? di mo ba isasali si Bryan diyan sa nilalaro mo?" napahinto ako sa paglalaro nang dahil sa sinabi ni Papa. Si Bryan nandito? kaya nilingon ko ito at duon nakita ko siyang nakatingin sa akin na may halong lungkot sa mga mata.
"Hey.." bati niya sa akin.
"Kanina ka pa diyan?"
"Hindi bago lang.. di na kita dinisturbo ang focus mo kasi sa nilalaro mo" ngiti niya sa akin nahiya naman ako dun.
"Ahh kasi naman itong lalaking to hindi mabilis tumakbo kaya laging naabutan nang Toro kaya ayan namamatay tapos balik ulit ako sa simula...... Gusto mo ba nang kape o tubig?" tanong ko sa kanya ngunit ngumiti lamang ito sa akin saka pumuntang kusina at kinausap si Papa nang ilang saglit saka bumalik dito sa sala.
"Hihintayin kita dito sa baba, magbihis kana may lalakarin tayo.."
"Huh? Saan? Libre mo?" gulat kong tanong sa kanya.
"Basta makikita mo mamaya" kaya agad pinatay ang computer saka dali daling umakyat sa kwarto at dali daling naligo, nagbihis at nag ayos.
"Ready na ako!" anunsyo ko habang pababa pa lang ako.
"Sige po Tito mauna na po kami, ihahatid ko nalang po si Kristine mamaya pauwi" Nag paalam na siya kay Papa at tumango lang si Papa sa kanya bilang tugon. Nag paalam din ako kay Papa at habang nagpapaalam nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Papa.
"Pa ayos ka lang?"
"Oo Nak... sige na at tumatakbo ang oras" ngumiti na din sa wakas si Papa saka tumingin kay Bryan kaya ginaya na ako ni Bryan sa kotse niya at umalis na.
"Saan ba tayo?" excited kong tanong.
"Surprise hindi pwede sabihin"
"Tsk... malalaman ko naman yan mamaya kaya sabihin muna kung saan tayo pupunta!"
"Ikaw na nagsabi na malalaman mo mamaya, kaya mamaya mo nalang alamin.. Saka surprise nga!!" sabi niya habang ang mga mata ay nasa kalsada at pasulyap sulyap lang kung tumingin sa akin.
"May tanong ako" nag cross arms ako habang nakatingin sa kanya siya naman ay sumulyap nang mabilis at binalik din ang tingin sa kalsada.
"Ano yun?"
"Tapatin mo nga ako, nag d-drugs ka'ba?" my suspicious eyes were looking for an answer.
"Hahaha ba't mo naman naisip na nag d-drugs ako?"
"Abay malay ko...."
"So why asking?" tinaas niya ang kilay niya habang sinasabi ang katagang na iyon.
"Kasi lately parang ang bait mo sa akin, eh dati dati naman binubully mo ako sinasabihan mo pa ako nang pangit tapos ngayon..... feel ko talaga mag d-drugs ka" tumawa siya sa sinabi ko about sa kanya.
"Do you know the saying? 'The more you HATE, the more you LOVE' ?"
"So anong connect dun?"
"Oh my God I don't why but I love your stupidity" sabi niya saka lumiko kami sa isang drive thru.
"Hindi ako stupid no pilosopo!"
"I hate you before because I love you ever since I started to bully you" sabi niya sa akin saka tumingin sa mga mata ko nang diretso.
"Good morning ma'am/sir! what's your order please?"
Naputol yung pag titinginan namin nang umepal si ateng na mula sa speaker. Ba't ba laging ganito? ba't laging tumitibok ang puso ko sa mga pinagsasabi niya? oh em gee! don't tell me that I like...
"What do you want?"
"You!" nanlaki ang mata ko sa sinabi ko pati din siya nagulat kaya agad kong tinakpan ang bibig ko nakita ko siyang palihim na ngumiti.
"A-ang ibig kong sabihin ay You.. you-ng burger!! yun burger...burger tama gusto ko nang burger" palusot ko saka tumalikod dulot nang kahihiyan.
"Okay... pfft.. Burger? Miss isang Burger, yun lang wala nang iba? how about sa drinks? gusto mo water,tea or me?" biro niya pa sa akin, hinampas ko siya at alam kong pulang pula na ako dahil sa mga pinang gagawa namin.
"Coke float at water yun nalang akin..." huminto na ako saka bumalik sa upuan at tumingin tingin sa labas.
"You pala ah... pfft" pigil tawa niya habang hinihintay ang order namin saka siya nag bayad at binigay ang order ko sa akin.
"Wala bang thank YOU diyan? miss YOU?..."
"Shut up!!" sabi ko saka tinurn on ang radio.
"You are my sun,
you make me shine,
or more like a star that twinkle at night,
you are the moon that glows in my heart,
you're my daytime, my night time, my world,
you are my life—....."
"HAHAHAHAHA" hindi na siya mapigil sa kakatawa ngayon. Bwesit naman oh pati kanta ba naman?!?!
Dumating na kami dito sa pupuntahan naming lugar kung saan tanaw dito ang mga building na malalaki at ibang lugar sa aming bayan.
"Ganda naman dito!" I exclaimed, grabi ang ganda nang tanawin at ang simoy nang hangin ang lamig at ang fresh.
"Do you like it?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa bayan at sa mga sasakyang nakikita namin mula dito.
"Oo sobra..."
"I'm glad you like it" nakapamulsa niyang sabi saka huminga nang malalim.
"Ba't mo ba ako dinala dito?" tiningnan ko siya habang nakatagilid siya sa akin at ang mga mata ay nasa magandang tanawin. Hinahawi nang hangin ang kanyang buhok.
"This is my favorite place actually" n lumingon siya sa akin saka ngumiti.
"Kahit ako naman eh magiging favorite place ko din ito kasi Ang ganda" tugon ko naman saka tumingin ulit sa tanawin.
"I dream about building a house here together with my loved ones" nakatingin parin siya sa akin habang sinasabi ang mga katagang yun.
Habang tinitignan namin ang magandang tanawin dito ay sumilong kami sa puno at naglatag dun nang puting tela saka inilagay ang binili naming pagkain at umupo.
"Kristen?" tawag niya sa pangalan ko.
"Hmh?"
"May chance pa ba ako na ibigin nang babaeng mahal ko?" tanong niya sa habang nakasandal at nakatingin sa akin habang ako ay nasasarapan sa bili naming pagkain.
"Ba't ako ang tinatanong mo? hindi naman ako expert" pinahidan ko ang kamay ko na malagkit na dahil sa ice cream saka ako kumuha nang French fries at sinawsaw ito sa ice ko.
"Oo nga naman..." ilang saglit lang ay natapos na ako sa pagkain ko kaya niligpit na namin ito.
"Ang boring naman dito....Bri, laro tayo!!" aya ko sa kanya.
"Sige anong laro?"
"woii wag kang cheater....ano bayan ang bobo mo naman mag laro Bri!!" galit kong sabi habang nag lalaro kami nang mobile legends.
"Hahaha sorry...ikaw nga yung bobo eh di marunong mag SS hahaha" tawa niya sa akin. Eh sa umilad yung kalaban kaya hindi siya natamaan nang SS ko.
"Eh di fine ikaw na yung magaling" sabi ko saka chinallenge pa siya nang one game pa..
"Victory!" anunsyo nang babae sa mobile legends.
"Yes!!!! panalo tayo hahaha!!" sabay naming sabi saka nag apir sunod naming ginawa ay naglaro nang snake in ladder, dinala niya ang snake in ladder niya baka daw kasi ma boring kami kaya dinala niya ito.
"Hahaha baba woo!! Ang obob nang bad boy niyo hahaha!!" tawa ko sa kanya nang bumalik ang pamato niya sa una.
"Mamaya ka sa akin" banta niya sa akin pero pinikatan ko lang ito.
"Sinong takot?!?!" pambebwesit ko naman. Nagpahinga muna kaming dalawa dito parin sa ilalim nang puno.
"Inaantok ka?" tanong niya nang makita akong humikab tumango ako at nagulat ako sa ginawa niya. Pinahiga niya ako sa mga binti niya saka binigay sa akin ang kanyang suot na black jacket at dahan dahang hinimas ang ulo ko.
"May problema ka'ba Bryan? ba't ang bait mo sa akin lately?"
"Nope wala akong problema... Bakit bawal ba mag bago ang tulad kong badboy?"
"Di naman...Naninibago lang" sagot ko saka humikab ulit at ramdam ang mata kong bumibigat na kaya pinikit ko ito at dahan dahang nararamdaman ang antok.
"I'm sorry....I love you goodbye" yun ang huling narinig ko hanggang sa makatulog na ako dahil narin sa kaantukan ko.
Nagising ako nang maramdaman na may umiiyak sa gilid ko kaya binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko si Papa na umiiyak kaya napabangon ako.
"Pa ayos kalang?" tanong ko kay Papa. Teka di'ba kanina nasa ilalim kami nang puno at kasama ko si Bryan pero nasaan na siya ngayon?.
"Pa asan po si Bryan?"
"Nak sigi na matulog kana" yun lang ang sabi ni Papa hihiga na sana ako ngayon nang may narinig kaming sumisigaw sa baba.
"Ano yun?" dali dali kaming bumaba at nagulat ako nang matagpuan si Rose sa baba at sumisigaw nandun din sina Shane, Chelly, at Nathan pati narin si Christian.
"Bakit? bakit kayo nandito?"
"Hoy ikaw! panagutan mo kuya ko!" sigaw nito sa akin at dinuro duro pa ako nagugulohan naman akong tumingin sa akin.
"Hindi mo ba ako narinig ha!! sabi ko panagutan mo kuya ko! Ilang gabi siyang umiiyak dahil sa'yo ewan ko kung ano ang nakita niya sa'yo!"
"Rose tama na!" Suway sa kanya nila Chelly at Nathan si Shane naman ay masamang nakatingin sa akin.
"What do you mean?" nagugulohang
tanong ko sa kanila. Nagulat ako sa ginawa ni Rose lumuhod ito sa harapan ko pinilit namin siyang tumayo pero ayaw niya.
"Please Kristen... Pigilan mo si kuya na pumunta nang states!! please!! please pigilan mo siya sa pagpapakasal niya sa babaeng hindi niya naman gusto!"
Naestatwa ako nang marinig ko ang mga yun. Ano si Bryan ikakasal? kanina? ba't hindi niya sinabi sa akin na ikakasal na siya? akala ko ba mahal niya ako? anong ibig sabihin nito? dahil ba sa hindi ko siya kayang mahalin kaya siya magpapakasal sa iba?.
"Hindi...hindi siya magpapakasal sa iba.. sabi niya ako ang mahal niya! sinabi niya yun sa akin!" sabi ko habang tumutulo ang luha ko.
"Here!" binigay sa akin ni Shane ang Susi nang kotse niya.
"Para saan toh?" umiiyak kong tanong.
"Para kainin! sige try mo kung makain mo yan!. ano pa ba? eh di habulin mo siya!! I'm sure mahal mo siya even though you always denied it to yourself" mataray niyang sabi sa akin saka hinawakan ang kamay ko at ginaya ako sa sasakyan niya.
"Pano to? hindi ko naman alam kung papano mag drive?" mangiyak ngiyak kong banggit.
"Oh my gosh!! Akin na nga!! pasok kana!!" kinuha na niya ang Susi sa kamay ko saka ako dali daling pumasok sa kotse sumunod naman sina Nathan sa likod nang kotse namin.
"Just pray na maabutan pa natin siya" mabilis ang paandar niya kaya feeling ko ito ang magiging dahilan nang pagkamatay ko. At habang nasa sasakyan pa kami ay panay naman ang pag p-pray ko na sana ay maabutan pa namin si Bryan sa airport at sa buhay ko na ngayon ay nasa piligro dahil ang bilis nang takbo nang kotse na sinasakyan ko ngayon.
Dumating na kami sa airport at dali dali akong lumabas nang kotse saka pumasok dun natagalan pa ako kasi pumipila pa ang mga tao na isa isang chinicheck nang manong guard.
"Pwede po makisingit?!"
"Miss may pila dun ka sa likod nauna kami sa'yo" sabi nung lalaki saka ako tinulak palabas nang pila nang sinubukan kong sumingit.
NAKU! pano bayan? napatigil ako sa naisip kong paraan. No hindi ko papahiyain ang sarili ko sa maraming tao! pero kailangan Kabi for Bryan! pagtatalo nang isipan ko.
Okay kaya ko to. Huminga ako nang malalim saka sumigaw at umiiyak sa harapan nang maraming tao na nakapila.
"Please po paunahin niyo po ako! kailangan ko po maabutan ang lalaking Mahal ko para pigilan siyang magpakasal sa babaeng di niya gusto!! huhuhu maawa na po kayo!!!" pasigaw akong umiiyak habang binabanggit ko ang mga yun nakita ko sila Nathan na nagulat sa ginawa ko pati narin si Papa.
'Kawawa naman si Miss'
'Ang Bata Bata ang lalandi na'
'Sige ate go! kaya mo yan maabutan mo si kuya dun!'
'Go ate pigilan mo ang kasal para sa Mahal mo'
'Go ate go!!'
Iilan lang yan sa mga narinig kong sabi sabi nila at ilang segundo lang ang nakalipas ay pinauna na ako nang guard at nagpalakpakan pa sila at sinabihan pa ako nang iba na maabutan ko si Bryan at pigilan ko ang kasal.
"BRYAN!!" sigaw ko habang nilibot ang ibang bahagi nang airport nakita ko rin sila Chelly na nag tutulungan na hanapin si Bryan.
"Kuya!!"
"Bri!!"
"Bryan!!"
"What!! no this can't be! no!!" lumapit ako kay Rose nang may natanggap itong tawag na nag paiyak sa kanya.
"Wala na...it's to late" bumagsak ang balikat ko sa narinig ko mula sa kanya. No! hindi pwede! hindi siya pwedeng ipakasal sa babaeng di niya naman mahal.
Umuwi kaming luhaan lahat dahil huli na ang lahat nandun na si Bryan sa states. Ang tumawag kanina Kay Rose ay si Bryan mismo at sinabing dumating na siya duon.
Pano na to? pano na ako? oo Mahal ko na si Bryan na realize ko kanina habang nasa sasakyan kami pauwi kung paano ko sinayang ang lalaking tulad niya. Kala ko ba ako ang mahal niya? pero bakit? bakit niya ako iniwan nang ganito?.