Chapter 2

1913 Words
"Monica!" Napalingon si Monica sa lalakeng tumawag sakanya. Walang iba kundi ang lalakeng iniiwasan niya sa buong buhay niya. Dahil may gusto ito sakanya mula pa yata ng sangol sila. Kapitbahay niya ito at pareho din sila ng paaralan Napabuntong hininga si Monica Anak ng tinapa naman! Hangang university ba naman susundan ako ng mokong na to? "Monica mabuti nalang at pareho tayo ng skwelahang papasukan ngayong college!" Ngumiti siya ng pilit "Pansin ko nga eh" Pinag patuloy niya ang kanyang paglalakad. May itsura sana si Dexter ngunit sobrang yabang nito! Matagal na siguro niya itong pinatulan kung sakaling naging mabuting tao lang ito. Ngunit masama ang ugali nito sa ibang tao. Sakanya lang ito mabait! Plastik! Orocan! Err-Plastik labo! "Anong course mo Monica?" Sinabayan nito ang paglalakad niya Masugid niya itong manliligaw mula pa noon kahit ilang ulit na niya itong binasted. Alien yata ito dahil hindi ito makaintindi Mabuti nalang mahaba ang pasensya niya at hindi niya din kayang sungitan ito bilang mabuting mamamayan ng pilipinas. Aww.  Kidding. She's really nice thats why many of her classmates likes her. Aside from having a koreana face she also have the prettiest smile of all times. Madaming nagsasabing mas maganda siya sa kanyang ate liza. She's the youngest among her two siblings. Ang kanyang ama ay isang koreanong nakabuntis sa kanyang nanay. Sa katunayan ibat-iba ang lahi ng mga tatay nilang magkakapatid. Ang ate liza niya ay anak ng isang white american. Samantalang ang kuya Lito niya naman ay anak ng negrong amerikano ito ang panganay sakanilang tatlo. United colors kumbaga. Dahil mabilis maloko ng mga lalake ang kanilang ina at walang sumeryoso dito. Single parent lang ito na tinataguyod silang lahat. Kakatapos lang halos ng pag aaral ng kanilang ate Liza. Wala itong makuhang matinong trabaho dahil may pagkalokaloka ang kanyang kapatid. "Huy Monica anong course mo?" Pangungulit ni Dexter sakanya habang naglalakad sila sa hall way ng kanilang universidad. "Business entrepreneurship" Maikling sagot niya "Wow! Balak mo palang magkaroon ng negosyo someday? Maganda yan! Ako architecture ang course ko. Magkikita tayo palagi dahil same lang ang buildings natin." Ngumiti lang siya ng tipid "Ang ganda mo talaga my loves.." Napa-iling nalang siya. Kaya ayaw niyang nilalapitan ito dahil mas lalo itong nagkakagusto sakanya sa tuwing nagkakausap sila "Sige na Dexter mag rerest-room pa ako eh. Mauna kana--" "Hihintayin kita my loves.." "Huwag na. Matatagalan ako sa rest room--" "Kahit matagal" pangungulit nito "Tatae ako" Balewala niyang sabi. Namula naman agad ang mukha ni Dexter dahil madaming nakarinig sakanya. Wala naman siyang paki-alam kahit lahat ng mga schoolmate nila marinig yun. "My loves naman hinaan mo boses mo nakakahiya" Napakamot ito sa sariling batok at ito ang nahiya para sakanya "Totoo naman tatae ako--" Tinakpan nito ang kanyang bibig "Shhh Ano ba pinapahiya mo naman ako. Sige na sige na mauuna nako sayo" halatang naiinis na ito Gusto niyang mapangiti dahil kilalang kilala niya si Dexter. Maarte ito at maselan. "Mabuti pa nga mauna kana dexter. Sige bye!" Hays first day of school pa naman ngayon nasira nanaman ni Dexter ang araw ko. "Next time nalang kita ihahatid sa classroom niyo. Maghugas ka maigi ha. Kadiri dapat sa bahay mo ginagawa yan. Maganda ka pa naman sana kaso ganyan ka eh" Napataas ang kilay niya. "Eh sa dito ako inabutan--" "Oo na! Huwag mo na paulit ulit sabihing nadudumi ka naiisip ko palang nandidiri nako eh" Tumakbo na ito dahil parang nasusuka na ito sa kanyang gagawin Napangiti siya "Hay nako yung taong yun talaga oh? Parang di dumudumi ha? Mabango ba tae niya?" Napatawa siya kahit mag isa lamang siya Napapailing nalang siya habang pinagmamasdan si Dexter na tumatakbo palayo sakanya. Hindi naman talaga siya mag rerest room. Gusto niya lang layuan siya nito. Nang hindi na niya matanaw si Dexter pinagpatuloy na niya ang pag punta sa Business Administration building. Napakaganda ng universidad nila. Madami ding studyante ang pakalat kalat sa paligid. Nang makarating siya sa classroom nila maingay na ang mga studyante doon. Maaga pa kasi ng sampung minuto para mag umpisa ang kanilang klase. Naghanap siya ng bakanteng upuan. Sa pinakadulo ang kanyang napili. May isang lalakeng natutulog sa katabi ng bakanteng upuan. Mukhang tahimik ang isang yun? Doon nalang ako tatabi..   Nakangiti siya habang dumadaan sa mga bagong kaklase niya. Tinitignan kasi siya ng mga ito Ang ganda beh oh? Mukhang koreana Oo nga ang kinis ng face ha? Nakamakeup ba yan? Rinig na rinig niya ang bulungan ng mga kaklase niyang babae. Dumaan kasi siya sa harapan ng mga ito. Pinagmasdan pala ng mga ito ang kanyang itsura Bata palang siya sanay na siya sa mga papuri. Madaming nagsasabing maganda siya. Tahimik siyang umupo sa bakanteng upuan. Dahan dahan lang ang kanyang pagkilos dahil baka magising ang katabi niyang lalakeng natutulog. Hindi niya maiwasan pagmasdan ang lalakeng katabi niya Muntik na siyang mapangiti dahil ang baduy baduy ng damit nito. Nakasuot ito ng checkered long sleeves at polka dots pants. Anong fashion trend kaya ang sinusubaybayan niya? Ang cool ha pagternohin ba naman ang checkered at polka-dots? Napangiti na siya ng husto dahil sa kulay green nitong sapatos. Bakit kaya hindi naka-uniform tong lalakeng to? Pinigilan niyang mapangiti ng husto. Hindi naman niya ito pinagtatawanan dahil sa suot nito. Natutuwa lang talaga siya dahil sa panahon ngayon ito nalang ang nagsusuot ng ganoong damit. Hinukay pa siguro nito sa baul ng lola at lolo nito ang damit na iyon? Habang pinagmamasdan niya ang kasuotan nito. Hindi niya napansin na nagising na ito at huling huli siya nitong nakangiti "Pinagtatawanan mo ba ako?" Naputol ang pag-obserba niya sa damit nito dahil bigla itong nagsalita "H-Ha? A-hh Hindi ha?" Nag iwas agad siya ng tingin. Dahil nabigla siya sa itsura nito. Nakahati sa gitna ang buhok nito na parang pinadilaan sa kalabaw. Katsupoy? Pinigilan niyang mapangiti at nagkunwaring may hinahanap sa loob ng kanyang bag. Nakakagulat naman kasi ang itsura nito. Makapal ang suot nitong salamin at may itim na eyeliner pa ito sa mata nito. Nagmukha tuloy itong puyat at ilang buwan nang walang tulog. "I saw you smiling." Lumunok muna siya bago ito tinignan muli "E-Eh hehe pasensya kana ha? Natuwa lang naman ako sa outfit mo--" "So I'm right, Pinagtawanan mo nga ako" Agad siyang umiling "Uy hindi. Kasi natuwa lang ako sa outfit mo kakaiba kasi eh. Hindi naman kita pinagtawanan. Mag kaiba yung natuwa sa natawa" Explenasyon niya habang nakasimgot ito. She tried to smile agaid "P-Pasensya kana kung na-offend kita. A-Ano kase, Bakit ba kase, Ano, Ano, Bakit ba kase ganyan ang suot mo?" Kumunot lalo ang nuo nito "I-I I mean diba dapat naka-uniform ka din katulad namin?" Palusot niya. Kinakabahan siya dahil baka sumama ang loob nito sakanya. Siya pa naman yung tipo ng taong ayaw ng may kagalit. Hindi siya pinansin nito. Inayos lang nito ang pagkakahati ng buhok nito at inayos ang makapal na salamin Suplado ha Tumingin itong muli sakanya dahil nakatingin padin siya dito "What?" pagalit nitong tanong sakanya Ngumiti lang siya "Ako nga pala si Monica" Pakikipagkilala niya sa lalakeng weird Tinignan lang nito ang kanyang kamay "Cedric" maikling sagot nito Ibinaba na niya ang kanyang kamay dahil hindi naman ito nakipagkamay sakanya Nawala ang kanyang ngiti Ang sungit.. Nag iwas nalang siya ng tingin sa kanyang katabi. Mukhang hindi ito friendly kaya hindi na niya ipipilit ang sarili Napatingin nalang siya sa kanyang cellphone. One message received From: Ate liza Monica pakisabi kay nanay hindi ako uuwi tonight. Thanks sis Napangiti siya. Alam niyang kasama ng kanyang ate ang nobyo nito. Walang iba kundi si Angelo Hoffman. Anak ito ng kaibigan ng Inay bebang nila. Family friend nila ang mga hoffman. Ngunit ang ate Liza lang niya ang sinasama ng kanilang Inay sa bahay ng mga Hoffman kaya naman si Angelo lang ang nakikilala niya sa mga ito. She replied to her sister's text message From Monica : Okay ate. Mag iingat kayo. Ako na bahala mag sabi kay Inay.. Tinago na niya ang kanyang cellphone ng biglang dumating ang kanilang professor. "Good morning" Bati nito sa kanilang lahat "Good morning Sir!" Sabay sabay nilang sagot. First day of school palang nag turo na agad ang kanilang guro. Nagustuhan niya iyon dahil mahilig siyang mag aral. Napapatingin siya kay Cedric dahil tahimik lang ito habang nakikinig sa professor nila Napapasilip siya sa sinusulat nitong notes. aba ang ganda mag sulat ha? Napansin niya kasing pantay pantay ang pagkakasulat nito at maayos ang penmanship nito. Hindi katulad sakanya parang kinalahid ng manok Napangiwi tuloy siya Napansin niya din mamahalin ang relo nito dahil rolex ang tatak! Peke sigurong rolex yun? Impossible naman mayaman siya.. Iniwasan nalang niyang mapatingin pa muli kay Cedric dahil kung ano ano lamang ang napapansin niya Bakit ko ba kasi siya pinagmamasdan.? Pinilit niyang makapag-focus sa mga itinuturo ng kanilang professor at hindi na niya muling tinignan pa si Cedric hangang sa tumunog na ang bell. Sa wakas natapos din ang kanilang klase. Niligpit na niya ng kaniyang gamit. Nag unahan naman makalabas ng classroom ang mga kaklase niya Napatingin siya muli kay Cedric. Abala ito sa pagliligpit ng mga gamit nito. Inabot niya sa table nito ang isang pirasong candy na nakita niya sa bulsa ng kanyang bag. "H-Huwag mo sana isipin pinagtawanan kita. Natuwa lang talaga ako sayo kanina. Heto mag simpleng pag hingi ko ng pasensya sa inasal ko kanina. Hindi ko sinasadyang ma-offend kita.." Nakatingin lang ito sakanya pati na din sa candy na kayang ibinigay "S-Sige mauna nako sayo sa susunod na classroom natin. Sorry uli.." She smile apologetic. Tumayo na siya at hindi na hinintay ang sagot nito. Lilipat pa kasi sila sa ibang classroom para sa susunod na subject nila ang sungit niya talaga.. Pag dating niya sa loob ng classroom nila nandoon na ang ibang kaklase niya. Ngunit ang iba naman ay nagmimiryenda pa muna sa labas. May trenta minutos pa kasi bago mag simula ang susunod nilang subject Napili niyang umupo sa bandang dulo muli. Ayaw niya kasing nauupo sa harapan. Dahil naiinip siya nagbasa muna siya ng mga notes niya kanina sa kanyang note book. Naalala niya ang penmanship ni Cedric. Napakaganda ng penmanship nito. "Pwede bang maki-upo?" Napa-angat ang tingin niya sa familiar na boses. "S-Sige wala pa namang naka-upo diyan" Ewan ba niya pero bumilis ang t***k ng kanyang puso. Marahil nagulat siya dahil si Cedric iyon Gusto ba siya nitong katabi?   "Thanks" Umupo ito sa kanyang tabi Pasimple siyang napapikit dahil sa pabango nito. Masarap sa pang amoy ang gamit nitong pabango "M-Masama padin ba ang loob mo sakin?" Di niya mapigilan tanungin ito. Umiling ito "No" Nakahinga siya ng maluwang at napangiti "Salamat naman. Akala ko forever kana magagalit sakin eh. Ako nga pala si Monica" Ini-abot niya uli ang kanyang kamay kay Cedric upang pormal itong makilala Gusto lang niyang makipagkaibigan dito "I'm Cedric Hoff- Ahm I mean Cedric Ho" Napalunok ito Nginitian niya ito ng matamis dahil tinangap na nito ang kanyang kamay. Ngunit inagaw agad nito ang kamay   "Ho surname mo? Edi Chinese ka?" Umiling ito "Hindi" "Ganon ba? Ako kase korean yung papa ko. Kaya half korean ako. Tatlo kami magkakapatid pero iba iba tatay namin pero ayos lang naman kasi mahal naman kami ni Inay kaya okay lang kahit wala kaming mga kinalakihan na ama. Masaya padin naman kami sa bahay---Ayy ang daldal ko na pala. Pasensya na uli" Napangiwi siya. Ang dami agad niyang naikwento kay Cedric! Hindi naman ito nagtatanong  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD