Pinababa agad ako ni Jeho at pinagbihis ng desenteng damit. Hindi ko alam kung anong klaseng damit ang susuotin ko dahil kasura sura ang kan'yang itsura dahil lamang sa pananamit ko. "Wala ka na bang ibang maisusuot kundi yang palda o di kaya'y palagi ka na lang naka pajama?" inis niyang tanong. "Bakit ba ang reklamo mo? Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kan'ya nang papasakay kami ulit sa kan'yang sasakyan. "Sa langit," diretsahang sagot niya saka niya mabilis na pinasibad ang kan'yang sasakyan. "Langit? Langit ba kamo?" sabay yugyog ko sa kan'yang balikat. "Ayoko pang mamatay Jeho. Gusto ko pang mabuhay. Mag aasawa pa ko eh," pagmamakaawa ko. "Will you please shut up your mouth manang," madiing sabi nito. "Can't you see? Im driving," turo niya sa manibela. "Isa pa, hindi mo

