Anong sasabihin ko sa ante ko? Sa papa ko kapag nalaman niya ang bagay na ito. Naikuyom ko bigla ang aking dalawang kamao habang nakaupo dito sa gilid ng kama. Papalabas na din si Jeho sa pinasukan niyang banyo nang tumanaw ako doon. Seryoso ang kan'yang mukha at tila balisa ang kan'yang kinikilos. Tumayo ako at sinundan siya sa may labas ng beranda at sinisimulan na niyang sindihan ang sigarilyo. "Jeho p'wede ba tayo mag usap?" seryoso kong tanong sa kan'ya. "Nag uusap na tayo diba," pabalibag nitong sagot. "Ano ba ang pag uusapan natin?" tanong niya sa 'kin. "Tungkol ito sa sinabi ng lola mo. P'wede pa naman natin siya paki usapan eh saka wala namang nangyari sa 'tin. Please kausapin na natin ang lola mo," sabi ko na parang nagmamakaawa pa. Hindi ako agad sinagot ni Jeho bagamat a

