Chapter 2

1375 Words
“Damn! Why can’t you get me a normal and more descent secretary? “, hindi pa nakakapasok ng maigi ang head ng human resource department ng Eduardo’s Holding Company ay umuusok na ang tainga ni Ezekiel na kulang na lang ipagbabato ang mga papel na nakabunton sa mesa nito. “I’m sorry sir, mukha namang matino ang mga ibinibigay naming secretary sainyo sir during the hiring process, sa katunayan dumaan pa po ang mga yan ng ilang days na orientation bago madestino sainyo. Hindi ko alam kung anong nangyayari pagdating na dito sainyo.”, kabadong paliwanag ng HR head habang hindi makatingin ng direcho sa CEO. “So ako ang mali, ganun ba, Mrs. Santos?”, “Hindi naman po sa ganon, sir, hindi po kaya masyadong mataas ang standard ninyo?”, si Mrs. Santos ngunit napatakip ito ng kamay sa bibig ng tignan siya ng masama ng CEO. “Eh kasi sir, pinakamagagaling at pinakamagagada na ang mga ibinibigay namin sainyo...”. „Pwes! Piliin mo yung hindi lamang magaling, yung hindi lamang maganda kundi seryso sa trabaho at hindi ako ang gustong trabauhin! I am a busy person, and I don’t want to entertain fuckin’ jerk!”, halos gigil na pahayag ni Ezekiel Eduardo dito. Paano imbes na makarami siya ng trabaho nadidistract siya sa pagpapacute at lantarang paglalandi sa kanya ng mga ibinibigay na secretary. “Baka kasi namimis-interpret niyo lang sila sir, I mean...”, „Huwag ka nang mangatwiran, Mrs. Santos, gawin niyo ng maayos ang trabaho niyo. Now, find me a mature, descent, and serious secretary. Yung responsible sa buhay at hindi puro pagpapacute ang laman ng utak. Asap yan ha? Kung hindi, papalitan ko kayong lahat na nasa HR.”, inis na pagbabanta ng CEO kung kayat napatango na lamang si Mrs, Santos bago nagbow at nagpaalam upang lumabas. „Knock! Knock!”, halos kalalabas lamang ni Mrs. Santos ay pakunot noong nag-angat ng mukha si Ezekiel upang tignan kung sino ang nasa pinto. “Can I come in?”, si Attorney Garcia ang nasa pinto at nakangiti habang hinihintay ang signal na papasukin niya. “Of course, Attorney; come in and take a sit.”, biglang nag-iba ang mood niya pagkakita sa abogado sabay senyas na maupo sa upuang nasa harap ng kanyang mesa. “Thank you, hindi ko mahintay yung mga document na ipapareview mo kaya personal na akong sumadya dito. Teka si Mrs. Santos ba yung busangot ang mukhang galing dito?”, nakatawang pahayag ng abogado at bahagya siyang napangiti. Si Attorney Garcia ay isa sa mga abogado nila sa kompanya, matagal na itong counsel ng kompanya at halos kaedaran nito ang kanyang ama kung kayat parang tatay na rin ang turing niya dito. Magaling itong abogado at naaaliw siya sa mga magagandang wisdom nito. “Hulaan ko, nawalan kana naman ng secretary ano?”, pabirong pahayag nto at bahagya siyang natawa pagkatapos ay umiling. “Ugh, you know me, Attorney.”, depensa niya at nakangiti ring umiling ito. “Mag-asawa kana lang kaya para tumigil na ang mga chicks sa kahahabol saiyo?’ „Huh! Not my thing.”, “Aba’y ilang taon ka na? Mas magandang mag-asawa ng medyo bata bata, lalo na sa napakabusy na taong katulad mo para pag-uwi mo may maglalambing saiyo.”, ang abogado at natawa na lang siyang umilng dito. Hindi pa sumasagi sa kanyang isiap ang pag-aasawa dahil nakapokus siya sa pagmamanage ng iba nilang negosyo, isa pa hindi pa niya nakikita ang babaeng gusto niyang pakasalan. Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya, mga socialites at mga anak ng mga kumpadre at kumadre ng kanilang ama’t ina ngunit wala naman talaga siyang magustuhan o di kaya ay pumasa sa kanyang panlasa. Ang gusto niya kasi kung mag-aasawa siya ay yung babaeng gusto niya at mahal niya kahit sino at ano pa man ito. “Why don’t you just endorse someone to be my secretary? Yung need niya ang work at walang hidden agenda, I’m willing to pay double plus other benefits and incentives.”, sa halip ay turan niya sa abogado at napataas ang noo nito. “Seems like you’re really in dilemma, anyway, tamang tama may kilala ako and it really suits to your standard.”, si Attorney Garcia at bigla siyang nabuhayan ng loob. Respetado at disenteng tao si Attorney kaya tiwala siyang hindi ito magrerekomenda ng sakit ng ulo. “Really? Tell her to submit her CV as soon as possible!”, excited niyang pahayag at tumango tango ito. “Sure! Sure!”, tila mas excited namang pahayag ni Attorney bago kinuha ang mga documents na ipapareview niya dito at magpaalam. “Ninong!”, si Anna ng makita ang amaing si Attorney Garcia sa kinaroroonang hospital room ng kapatid na si Karl. Mabilis siyang tumayo at nagmano dito. “Kaawaan ka ng Diyos, iha; kumusta ang kapatid mo?”, saad nito kasabay ng pagtingi sa nakahigang kapatid. “Sa awa ng Diyos, medyo okay na po siya Ninong hopefully makakalabas na siya bukas.”, pahayag niya at tumango tango ito habang lumapit ito kay Karl at hinaplos ang ulo nito. “Mabuti at naagapan niyo kaagad’ kumusta naman ang work?”, maya maya ay baling nito sa kanya. “Okey naman po Ninong, kumuha ako ng one-week na emergency leave para maalagaan si Karl, yung dalawa naman parehong graduating kaya hindi pwedeng umabsent.”, turan niyang may kasamang lungkot at ginulo nito ang kanyang buhok. “Be more patient iha, ikaw lamang ang masasandalan ng mga kapatid mo. Anyway, bukod sa bisitahin ang bunso niyo may sasabihin pa pala ako saiyo. Baka gusto mong lumipat ng trabaho, mas malaki ng doble ang sahod plus maraming benefits and incentives.”, ang kanyang ninong at biglang lumaki ang kanyang mata. Naexcite siya sa dobleng pasahod, sa katunayan hirap na hirap siya sa pagbubudget sa kanyang sahod kaya hindi niya naiwasang maexcite. “Talaga po, Ninong? Saan po?”, „Naghahanap ng secretary ang CEO ng Eduardo Holdings, irerecomenda kita kug gusto mo?”, wika ng kanyang ninong at parang gusto niyang matuwa. Wala nmang problema sa pagiging teller niya sa bangko ngunit nakakatakam ang dobleng sahod at benefits, hindi na siguro siya masyadong mamoblema sa budget ng pagkain at allowance ng mga kapatid. “Pag-isipan mo iha, I think it will help you a lot kung doon ka maemploy.”, saad pa ng kanyang ninong at tumango tango siya dito. Pero siyempre hindi naman ganun kasimple, magpapaalam pa siya ng maayos sa kasalukuyan niyang trabaho para mas maganda ang kanyang employment record. “Sige, ninong, pag-iisipan ko po. Pero kung sakaling magresign na po ako sa trabaho, sure po kayang makukuha ako ninong?”, may pagdadalawang isip niyang turan dito. „Of course, ako ang magrecommend saiyo at sisiguraduhin kong makukuha ka.”, paninigurado ng kanyang ninong at nakangiti siyang tumango tango dito. Best friend ng tatay niya ang kanyang ninong at ito ang nagguguide sa kanya sa pag-aala sa mga kapatid. Kung may problema siya, dito siya humihingi ng advise maging sa pinansiyal kung talagang nashoshort ang kanilang budget. Marami na nga siyang utang dito na hindi pa bayad, mabuti na lamang at maunawain din ang asawa nito maging ang kanyang mga kinakapatid. “Sige po, ninong, ayusin ko po ang application ko pagkalabas ni Karl dito.”, turan niya at halatanng labis itong natuwa sa kanyang sinabi. “Good! Huwag mo ng patagalin at talagang kailangan ng CEO ang secretary.”, ang kanyang ninong at tumango siya. “Bakit po pala wala siyang secretary ngayon? Masungit po ba siya?”, out of the blue ay curious niyang tanong. “No, hindi siya masungit, iha, masyado lamang siyang seryoso sa buhay kaya mukha lang siyang masungit. Tsaka sigurado akong kayang kaya mo ang trabaho kaya wala naman siguraong problema.”, wika ng kanyang ninong at tumango siya. Sabagay, saka lang naman nagsusungit ang mga boss kung hindi mo alam ang ginagawa mo o di kaya ay nagpapasaway ang mga emplayado, napakaunprofessional na lang ng boss kung magsusungit ito ng walang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD