Chapter1
“Ate, si Carl ang taas ng lagnat dadalhin ko na ba sa ospital?”, halatang soba ang pag-aalala ni Lance na pangalawang kapatid ni Anna. Hindi basta basta tumatawag ang kapatid kung kaya pa nitong ihandle ang sitwasyon sa kanilang bahay. May lagnat na kaninang umaga ang bunso nilang kapatid at base sa palitan nila ng mensahe ni Lance ay tila okey naman iito maghapon sa tulong ng paracetamol ngunit biglang tumaas ang lagnat nito na halos tumitirik daw ang mga mata.
“Punasan mo ng basang towel ang kanyang katawan, palabas pa lamang ako sa upisina.”, pag-iinstruct niya sa kapatid. Ganon kasi ang madalas nilang ginagawa kapag sinusumpong ng lagnat si Carl.
“Ginawa ko na ate, mataas pa rin.”, aburidong pahayag ni Lance at nasa niya ang kanyang ulo sa matinding pag-aalala sa bunsong kapatid. Kung pwede lang lilipad na siya pauwi upang makita agad ang kalagayan nito, pero naghihintay din ang kasintahang si Yael sa isang mamahaling rezto para sa kanilang 4th year anniversary. Nagatatampo na nga din ito dahil madalas ay hindi na sila nagkakasama ng matagal na kagaya ng dati.
“Sige, sige. Puntahan ko lang ang Kuya Yael mo, nasa rezto na para sa aming anniversary. Magpapakita lamang ako saglit sa kanya pagkatapos ay uuwi na ako agad.”, halos natataranta niyang pahayag na mas lalong pinalaki ang mga hakbang upang makarating agad sa kinaroroonan ni Yael.
“Magchat ka kaagad kung anong mangyari kay Carl, si Mark nakauwi na?”, saad niya pagkatapos ay chineck din ang pangatlong kapatid kung nakauwi n amula sa skwelahan.
“Oo ate, nasa kusina; siya muna ang magluto hindi ko maiwan si bunso.”, ang kapatid at tumango tango siya na animoy nakikita siya ng kausap sa kabilang linya.
‘Okey, sige. Off muna ako, malapit na ako sa rezto; uwi din ako agad. Bye!”, paalam niya sa kapatid dahil nasa harapan na siya ng mamahaling rezto. Pareho pa naman silang excited ni Yael kanina para sa celebration g kanilang anniversary pero mukhang madidisappoint na naman ang kanyang kasintahan dahil sa kapatid na maysakit. Wala na kasi silang mga magulang, two years ago ay magkasabay na nawala ang kanilang ama’t ina dahil sa isang malagim na aksidente at dahil siya ang panganay ay inako niya ang responsibildad para sa tatlong kapatid. Ipinangako niyang mamahalin at aalagaan niya ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya lalong lalo na ang kanilang busno.
„Babe, happy anniversary!”, walang kasinsayang bati ni yael sa kanya pagkapasok pa lamang niya sa isang VIP dining room ng rezto. Iniabot sa kanya ang hawak na magandang pumpon ng bulaklak pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit at hinalikan ang kanyang ulo.
„Thank you, baby, happy anniversary too.”, masayang pahayag din niya dito habang inihilig ang ulo sa dibdib nito. College pa lamang sila ni Yael ay magkasintahan na sila, isa itong engineer at dahil nag-iisa itong anak ay ito na ang namamahala sa engineering firm ng kanyang pamiilya. Mayaman ang pamilya ni Yael ngunit magkaganon man ay tanggap naman siya ng mga magulang nito kahit galing siya sa simpleng pamlya. Parehong government employee ang kanilang mga magulang noong nabubuhay pa ang mga ito kaya hindi masasabing naghihirap sila sa buhay o di naman kaya ay mayaman, tamang nakaluwangluwang lamang sa pang-araw araw na buhay at higit sa lahat ay masaya ang kanilang pamilya. Malayo mana ng agwat ng pamumuhay nila ni Yael ay hindi iyon ang naging hadlang sa kanilang pag-iibigan, mahal na mahal nila ang isa’t isa at kung hindi lamang siguro namatay ang kanyag mga magulang ay baka nagpakasal na sila ng nobyo. Yun kasi ang pangarap nila noong nagsisimula pa lamang sila sa kanilang relasyon na pagkagraduate nila ay bubuo agad sila ng pamilya. Nang mamatay ang kanilang mga magulang ay nakiusap muna siya ditong huwag mnang ituloy ang kanilang balak dahil kailangan munang alagaan at pag-aralin ang mga kapatid. Medyo nagtampo noon ang nobyo ngunit hindi naglaon ay pumayag rin ito sa kanyang gusto kaya naman mas lalong minahal niya si Yael dahil sa pagkamaunawain nito.
“Let’s sit, babe; masasarap ang mga ipinahanda kong pagkain, lahat favorite mo.”, si Yael pagkatapos ay maingat siyang inalalayan upang maupo.
“Wow! Thank you again, baby. I love you so much.”, malambing niyang pahayag at nakangiting pinindot nito ang kanyang ilong.
“I love you too, babe; it’s our day, let’s enjoy the food.”, pahayag nito at masya siyang tumango tango dito.
Si Yael ang naglagay ng pagkain sa kanyang plato and in return ay sinubuan naman niya ito. Sweet sila sa isa’t isa kaya naman masaya sila at may sariling mundo. Maya maya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone, nagkatinginan pa sila ni Yael ngunit hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang biglang pagseryoso ng mukha nito kung kayat sumandaling inignora niya ang kanyang cellphone kahit aligaga ang kanyang isip. Siguradong kapatid niya ang tumatawag at kinabahan siya baka kung ano na ang nangyari kay Karl. Sinubukan niyang subuan ulit ang kasintahan ngunit hindi tumitigil sa pagring ang kanyang cp kaya hindi siya nakatiis at sinagot din ito sa kabila ng mas seryosong mukha ng nobyo.
“Ate! On the way na kami sa hospital, si Karl sobrang taas ng lagnat kinukumbulsyon.”, si Mark ang nasa kabilang linya at naririnig pa niya ang maingay na busina ng ibang sasakyan tanda ng nasa daan ang mga ito.
“Ha? Sige, sige. Papunta na ako, sabihin mo kay Lance dahan dahan siya sa pagdrive.”, nataranta siya ng husto ng marinig na itinakbo na sa ospital ang kanyang bunsong kapatid.
„Sorry, baby, I have to go si Karl itinakbo sa ospital.”, pahayag niya kay Yael habang pinag-aayos ang mga gamit.
“Anong, paano ang celebration ng anniversary natin?”, si Yael at hindi na niya alam ang iisipin.
“Some other time na lang; kailangan ako ng kapatid ko”.
‘Pero kailangan din kita, ano iiwanan mo ako ng basta basta na lang?”,
„Yael, not now please; promise babawi ako saiyo.”
“Damn it, Anna! Palagi na lang ganyan! kung hindi mo ako sinisipot, iniiwan mo ako sa ere. Saan ba ako nakalagay sa buhay mo? Importante pa ba ako saiyo o mga kapatid mo lang ang importante saiyo?”, galit na pahayag ni Yael at napalunok siya habang nakatingin dito.
„Fine! You can go, pero sa oras na umalIs ka ngayon dito kalimutan mo na rin ako!”,
„Baby, huwag namang ganyan please, mahal na mahal kita pero…”
“Pero mas mahal mo ang mga kapatid mo? Go ahead!”, halos pagwawala ng kasintahan ngunit nasa isip niya ang kapatid.
“Please, don’t make this too hard for me; we’ll talk later, I have to go.”, pahayag niya pagkatapos ay binitbit ang bag na nakapatong sa may upuan at dali dali na niyang tinungo ang may pinto. Narinig pa niya ang pagmumura ng nobyo ngunit linalamon ng pag-aalala sakapatid ang kanyang isip at damdamin.
Pagdating niya sa hospital ay itinuro agad ng nurse ang emergency room kung saan naroon ang kapatid. Agad namang yumakap sa kanya sina Lance at Mark na kitang kita sa mga mukha ang sobrang pag-aalala sa pinakabatang kapatid.
“Kumusta si Karl?”, saad niya sa mga ito pagkatapos.
„Typhoid daw ate kung hindi daw naitakbo agad ay baka patay na ngayon si Karl.”, si Lance na halos maluha luha at napasign of the cross siya sa narinig. Huwag naman, halos hindi pa nga sila nakakarecover lahat sa biglaang pagkawala ng kanilang mga magulang.
“May awa ang Panginoon, hindi niya pababayaan si Karl.”, lakas loob niyang pahayag sa mga ito kahit deep inside ay naghihina din siya sa kalagayan ng kapatid.
“Sana ako nalang ang nagkasakit ate, ayaw kong may mangyaring masama kay Karl.”, Si Mark at ikinawit niya ang kamay sa ulo ng kapatid pagkatapos ay hinalikan niya ito sa ulo.
“It’s okey, Mark; Karl will be okey. Mula ngayon aalagaan na nating mabuti si bunso para hindi na siya magkasakit.”, turan niya at tumango tango ito. Pagkatapos ng isang oras ay dinala na sa recovery room si Karl habang may nakakabit na dextrose sa kanyang kamay. Mukhang mahina ang kapatid at halatang nag-iinda ng sakit.
“Bunso, kumusta ang pakiramdam mo?”, saad niya sa kapatid ng magising ito mula sa pagtulog.
“Mommy?”, turan nito habang nakatingin sa kanya kung kayat napatingin siya sa kanyang likuran ngunit wala namang tao. Lumabas si Lance saglit at nasa kabilang side naman si Mark.
“Karl, si ate yan, okey ka lang ba?”, wika ni Mark dito.
‘Mommy, huwag mo akong iiwan, mommy!”, maya maya ay umiyak na ito habang iniaabot ang isang kamay. Kinuha niya ang kamay ng kapatid at ikinulog sa mga palad pagkatapos ay halos maluha luhang inilagay ito sa kanyang pisngi.
„Karl, si ate ito; wala na si mommy ha? Pero pwede mo akong tawaging mommy kung namimimss mo siya. Mahal na mahal ka namin nina kuya Lance at kuya Mark mo. Aalagaan ka namin, pagaling ka ha?”, turan niya dito na hindi napigilan ang pagtulo ng luha. Tinignan siya ng ilang minuto ng kapatid pagkatapos ay pumikit at bumalik sa pagtulog. Napahinga siya ng maluwang ngunit hindi naman niya maawat ang patuloy na pagpatak ng kanyang mga luha. Maya maya ay naramdaman niya ang kamay ni Mark na humahagod sa kanyang likod at pasimple niyang pinunas ang mata at pisngi bago nakangiting lumingon dito.
“Thank you, ate.”, saad nito ngunit bago pa man pumatak ulit ang mga luha ay niyakap niya ito sa baywang at inihilig ang ulo dito.