My Entitled BossUpdated at Nov 11, 2025, 09:14
" How much do you need? one, two, three, four, five million?", nang-uuyam na turan ni Ezekiel sa dalaga pagkatapos nitong ibalya paupo sa may sofa.
" What are you talking about?", natatakot man ay lakas loob na pahayag ni Anna dito. Hindi niya alam kung ano ang ikinagagalit nito, wala naman siyang vinaviolate na rule nito.
" Playing innocent, huh? Magkano ang kailangan mo para layuan mo ang boyfriend ng pinsan ko?", nagngangalit nitong turan kasabay ng paggalaw ng mga muscle nito sa panga. Sa hitsura nito ay tila handang manlapa ng isang buong tao.
" Wala kaming ginagawang masama ni Yael, magkaibigan lamang kami." saad niya at hindi niya mawari kung bakit kailangan niyang magpaliwanag dito. Subalit halos mapatalon siya sa pagkabigla ng malakas nitong tinadyakan ang upuang nasa harapan nito.
" Do you think I'm that stupid? A woman like you is an opputunistic at gagawin ang lahat para sa iyong pansalriling interest!", mulagat nito sa kanya at kung ilang ulit siyang lumunok habang napakalakas ang pagbayo ng kanyang dibdib. Ang sakit naman nitong magsalita, kilala ba siya ng taong ito para pagsabihan siyang oportinista?
" Watch your word, Mr. Eduardo, hindi kumo ikaw ang may-ari ng napakalaking kumpanya ay kung ano ano na lamang ang lumalabas sa iyong bibig.", pornal niyang pahayag habang kinkontrol ang sariling huwag mapaiyak dahil sa sama ng loob.
" Hindi nga ba? Kung ganon, ano ang iyong motibo sa patuloy na pakikipagmabutihan kay Yael sa kabila ng pagkakaroon na ng ibang girlfriend?", patuyang pahayag nito at napatitig siya dito pagkatapos umiling kasabay ng pagtayo upang lumayo.
" Don't turn your back at me!", galit nitong pahayag kasabay ng malakas na paghila sa kanyang kamay at padaskol siyang ibinalik sa pagkakaupo.
" Oo na! Oportunista na kung opurtunista ako, bakit ba? ginagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko dito?", hindi niya napigilan ang sarili at gigil niyang pahayag dito.
"Stay away from him! I repeat, STAY AWAY FROM HIM!", sa halip ay mas lalong nanlisik ang mga mata nito habang nasa himig ang pagbabanta.
Sa inis ni Anna ay napapikit siya ng mariin wishing na na sana mawala na ito sa kanyang harapan dahil hindi na niya alam ang gagawin sa napakasamang pag-uugali nito. Kung may pagpipiliian lamang sana siyang trabaho na kasing taas ng sahod niya dito ay hindi na niya nanaising makita pa ang pagmumukha nito kahit noong una pa lamang. Ngunit wala siyang choice kundi tiisin muna ang lahat alang alang sa mga kapatid.