“Don’t go home early, wait for me in the office.”, mula sa ginagawa ay biglang umere ang boses ni Ezekiel sa speaker na nakakabit sa kanyang working station. Maghapong wala ang binata sa upisina kayat hindi pa rin niya maiwasang magulat sa biglaan nitong pagsasalita. Narinig niya pa sa speaker ang bahagya nitong pagtawa sapagkat nakita siguro nito ang naging reaction niya. Hanggang ngayon ay wala pa siyang idea kung saang sulok nakalagay ang CCTV sa working station niya kaya nagpalinga linga pa rin siya sa paligid sa tuwing umiere ang boses ng binata. Tinignan niya ang oras sa nakasabit na wall clock, pasado alas kuwatro pa lamang naman at baka paalis na rin ito mula sa kinaroroonan. Marahil ay makakabalik na sa upisina ang binata bago mag-alas singko. Wedding anniversary ng yumaong mga ma

