Totoo pala talaga ang kasabihan na “love is sweeter for the second time around”. Simula kasi noong bumalik ang dating pagtitinginan ng magkasintahan ay mas naging sweet at clingy sila sa isa’t isa. Mas naging masaya at mas lalong binigyan ng halaga ang isa’t isa. Since that day na hindi tumuloy ang binata sa pag-alis upang umuwi kasama si Carl ay hindi pa ito umaalis sa tabi ng dalaga kahit hindi naman ito inoobliga ng huli. Katwiran nito ay hindi ito magkakaroon ng peace of mind kung hindi niya nakikita ang dalaga lalo na at wala itong kasama. Dagdag pa nito ay hindi ito uuwi hangga’t hindi niya kasamang uuwi ang dalaga na tinawanan lang naman ni Anna. Kahit nasa malayong lugar ay masaya ang dalaga sapagkat kasama niya ang pinakamamahal niyang lalaki. Kung siya lamang ang masusunod ay a

