Chapter 4

1912 Words
Paglabas ni Anna sa gate ng mga Domiguez ay doon na niya pinakawalan ang kanina pang gustong kumawalang mga luha. Ang sakit sakit sa dibdib na ang taong minahal mo ng ilang taon ay malalaman mong meron ng iba. Parang may dalawang malalaking bato na umiipit sa kanyang puso at kung hindi siya iiyak ay maalagutan siya ng hininga. Kung alam lamang niya na ganito ang mangyayari hini na lamang sana siya pumunta dahil bukod sa parang pasan ng kanyang dibdib ang mundo ay nagmukha siyang katawa tawa kanina sa pag-aakalang boyfriend pa niya si Yael. Ang sweet pa ng pagkakayakap niya mula sa likuran nito upang surpresahin, yun pala siya ang nasorpresa sapagkat meron na pala itong iba. Nabigla siya ng husto at hindi niya namalayan kung paano siya nakawala sa mata ng mga taong naroon. Inaamin niyang may mga pagkukulang siya pero ginagawan naman niya ng paraan upang mamend ang lahat ng shortcomings niya sa kanilang relasyon. Hindi perpekto ang relasyon nila bilang magkasintahan ngunit mas marami naman ang mga magaganda at masasayang nangyari. Although may instances na nagtatampo ito sa kanya pero most of the time naman ay napakaunderstanding nito lalo na sa respnsibilidad niya sa kanyang mga kapatid kaya wala sa kanyang isip na maari siyang palitan ng ganon kadali. Ngunit wala naman siyang magawa kundi umiyak at ibuhos ang lahat ng sama ng loob habang mag-isang naglalakad sa napakatahimik na kawalan. Mukhang nakikiayon pa ang paligid, naglalakihang bahay ang mga nasa gilid ng kalsada ngunit ni huni ng kulisap ay walang naririnig. Sa layo ng nilakad niya upang tunguhin ang pinakamain gate ng subdivision ay wala pang sasakyang dumaraan, may curfew ba ang mga tao at sasakyan sa lugar na ito? Sabagay nasa exclusive subdivision siya, ang FPark ay lugar ng mga pinakamayayamang tao sa bansa kaya kahit siguro mamuti ang kanyang mata ay wala na siyang mahihintay na taxi na dadaan doon. Sa isiping iyon ay mas lalo siyang naawa sa sarili, nawala na nga ang lalaking mahal niya tapos naglalakad pa siyang parang baliw na mag-isa sa tahimik na kalsada. Mukhang ipinagdamot ang lahat sa kanya sa gabing ito. Masakit na rin ang kanyang paa sa kalalakad, malayo pa naman ang main gate ng subdivision at doon siguradong makakakuha na siya ng masasakyang pauwi. Sa inis niya ay umupo siya sa gilid ng kalsada upang tanggalin ang may kataasang heels. Magpapaa na lamang siyang maglakad tutal wala namang makakita sa kanya dahil wala namang pakalat kalat na tao o di kaya ay dumadaang sasakyan. NapaThank you Lord pa siya ng maramdaman ang relief ng matanggal ang mataas na heels at iunat ang dalawang paa. May ilang minuto din siya sa ganong posisyon, yung parang nasa bahay lang at feeling nakaunat ang paa habang nakaupo sa mahabang sofa. Ngunit bigla ay may naaninag siya ilaw mula sa malayo at tila may sasakyang paparating kung kayat excited siyang tumayo at wala sa sariling pumagitna sa may kalsada upang parahin. “Sir may pumapara sa gitna ng daan, magstop po ba ako?”, si Delfin ng mapansin ang biglaang paglitaw ng isang tao sa may di kalayuan. Napaangat naman mula sa pagkakaupo sa likod si Ezekiel ng marinig ang tinuran ng kanyang driver. Bakit may pagala galang tao sa ganitong oras sa loob ng subdivision? Di yata’t may nakapuslit na masasamang loob sa napakahigpit na security sa main gate? “Just go on.”, utos niya dito. Puro mamayamang tao ang nasa loob ng FPark, baka umaakto lamang ang tao sa harapan at may planong mangidnap. May party pa naman sa loob at maraming mayayamang tao ang dumalo. “Sir, babae po ang pumapara.”, turan ni Delfin ng makalapit sila sa kinaroroonan nito at mailawang mabuti. Napatingin naman siya sa harap at napakunot ang kanyang noo ng maalala ang babaing nakabungguan niya ng balikat habang papasok sa may gate ng mga Dominguez at ang reason kung bakit umiyak ang kanyang pinsan kanina sa party ng boyfriend nitong si Yael. “Stop!”, bigla ay utos niya sa kanyang driver at muntik siyang mapasubsob sa likuran ng upuang nasa harap. “Sorry sir, nabigla po ako. Okey lang po kayo?”, agad namang paghingi nito ng paumahin sa biglaang pagtapak nito sa break. “Balikan mo.”, sa halip ay utos niya dito. „Sigurado po kayo? Baka kidnapper yan sir?”, may pag-aalang turan ni Delfin ngunit sinunod din nito ang kanyang utos ng hindi siya umimik. Umatras ito sapagkat nalagpasan na nila ang kinaroroonan ng babae at kitangkita niya mula sa bintana na halos magtatalon ito sa tuwa habang patakbong sinalubong ang pag-atras ng kanilang sasakyan. Agad itong kumatok sa harapang bintana at may pag-aalinlangan pang tumingin sa kanya si Delfin bago ibinaba ang bintana. “Sir, baka pwede po akong makisakay hanggang sa labas ng main gate, kanina pa po ako naglalakad pero wala naman po palang dumadaang taxi dito. Please po!”, narinig niyang pakiusap ng babae at nakikita niya mula sa binta ang pagdaop ng dalawang palad nito habang hawak ang ang magkapares na sapin sa paa. Automatic na napadpad ang mga mata sa paa nito at napataas ang kanyang kilay ng makitang wala itong suot na sapatos. “Pakiusap po kahit hanggang sa main gate lang.”, turan pa nito kung kayat napatingin sa kanya si Delfin. Tinanguan niya ito at hindi naglaon ay excited na itong umupo sa tabi ng driver. “Maraming maraming salamat po sainyo.”, hindi magkamayaw ang pasasalamat nito ng maikabit ang seatbelt. ‘Walang anuman, miss. Saan ka pala nanggaling?”, narinig niyang tanong ni Delfin dito. „Diyan lang po, may dinaluhang party.”, maikling turan ng babae at tumago na naman ang kanyang driver. “Wala ka bang dalang sasakyan?”, si Delfin na parang may ganang mag-interview. “Nagpahatid lamang po ako sa aking kapatid, hindi ko naisip na wala palang pumapasok na taxi dito.”, tugon nito. “Oh, hindi ka taga rito kung ganon?”, “Ai naku hindi po, ordinaryong mamamayan lamang po ako.”, mabilis na pahayag ng babae at napangiti siya ng may pagkasarkastiko habang nakikinig dito. Ordinaryong mamamayan? Hindi halata, isa din siguro ito sa mga Golddiggers b***h na gustong makapasok sa mundo ng mga mayayaman. Hindi nga kataka takang ganoon ang inakto niya sa kasintahan ng kanyang pinsan kanina, akala siguro nito ay seseryosohin siya ni Yael kung pinakitaan man siya ng konting interest. Hindi naman niya masisi si Yael kung nagkainterest siya dito sapagkat kakaiba din ang taglay nitong ganda. Hindi man ito pansinin dahil sa kasimplehan ngunit kapag titigan mo ng mabuti ay parang hindi ka makakawala sa taglay nitong kakaibang awra. Naatest niya sa sarili kanina. Hindi niya sinasadyang tignan ito, nagsorry kasi ito ng mabunggo niya sa gate kahit siya ang may kasalanan and just rolled her eyes imbes na mag-eskandalo dahil sa kawalan niya ng response. Maraming mga babae ang nagiging OA just to get his attention but this one doesn’t care about his existence. He just let him pass peacefully kung kayat nacurious siyang tignan ito. Sabi nga niya hindi ito pansinin because she’s like any ordinary girl; or maybe she doesn’t want to be notice. She dressed nicely despite her simplicity not unlike sa karamihang babaeng bisita sa party na all dressed in glamour and elegance just to show off. She looks sweet and polite because she bowed to everyone while her sweet smile attached to her face. No doubt that the prettiest face wears the prettiest smile as they say. She became prettier and prettier in his eyes, and he can’t take it off on her not until she sweetly hugs Yael in the back and kiss him in the cheek. Halos mapamura siya sa pagkabigla or disappointment rather, kaya pala hindi niya ito nakitaan ng kahit na konting interest sa kanya because she’s eyeing for another man and no other than the birthday celebrant and his cousin’s boyfriend. “Saang way ka?”, narinig niyang turan ni Delfin dito kung kayat napatingin siya sa kanyang driver dahil mukhang may balak pa yatang ihatid ito. “Sa EHomes po, medyo may kalayuan dito pero baba na lamang po ako sa main gate.”, tugon nito. „Ah, doon ka nakatira? Company ni boss ang developer doon ah, tamang tama doon kami dadaan papuntang airport.”, parang naexcite pa si Delfin ngunit nakimkim nito ang bunganga ng pangunutan niya ng noo ng magtama ang kanilang mga mata sa rear mirror. „Gonon po? Hindi po ba nakakahiya na makikisakay po ako hanggang doon?”, saad nito. „Hindi, saka doon talaga ako dadaan para iwas traffic.”, si Delfin at mangani ngani niya itong kutusan. Kailan pa naging paladesisyon ang kanyang driver? “Thank you po, ako nga po pala si Anna. Anna Marie Lacuesta pero tawagin niyo na lamang po akong Anna.”, pagpapakilala nito at walang kasinglawak ang ginawang pagngiti ni Delfin. „Tawagin mo na lang akong Delfin at...”, hindi naituloy ni Delfin ang sasabihin sapagkat may pagbabantang minulagatan niya ito. “At driver ng amo kong walang kasinggwapo at kasingbait.”, patuloy nito kalakip ang bahagyang pagtawa. “Hello po, kuya Delfin, iginagagalak ko po kayong makilala. Salamat sa kabaitan niyo, sana dumami pa ang katulad niyong handang tumulong kahit sa alanganing oras.”, turan nito at may pagmamalaking ngumiti ang kanyang driver. „Sa tabi na lamang po, kuya Delfin. Yung pangatlong bahay po ang amin.”, after five minutes ay narinig niyang turan ni Anna. Nagslow down naman si Delfin at ilang sandal lamang ay huminto na ito sa harap ng pangatlong bahay. Napatingin siya sa labas kung saan lihim niyang pinasadahan ng tingin ang sinabi nitong bahay nila. Isang hindi kalakihang up and down at hindi naman pahuhuli sa ganda ang design. Not bad para sa isang ordinaryong mamamayan na tulad ng sinabi nito. Sabagay lahat naman ng nakatira sa Ehome ay nasa middle class ang pamumuhay or else paano nila maafford ang bumili ng lupa sa subdivision kung naghihikahos sila sa buhay. Batay sa kanilang datus ay mga disenteng pamilya ang mga nakatira dito, kung hindi mga professionals ay mga OFW’s at mga small scale entrepreneurs. “Maraming salamat po ulit, Kuya Delfin, mag-iingat po kayo palagi lalo na po sa pagdadrive.”, magalang na paalam ni Anna bago binuksan ang pintuan sa harap. “Salamat din, Anna, walang anuman.”, si Delfin habang nakangiting nakatingin sa pababang babae. Nang tignan niya ito sa labas mula sa bintana ay nakasuot na sa paa ang hawak nitong sandals kanina. Kumaway pa ito kay Delfin bago isinara ang pintuan pagkatapos ay biglang humehistro ang lungkot sa maganda nitong mukha. Nakita pa niyang napahilamos ito sa mukha bago lumakad palapit sa hindi masyadong mataas na gate. “Tara na po, sir?”, halos napaigtad siya mula sa pagdungaw sa bintana ng marinig ang boses ni Delfin. „Yah, bakit ba kasi hindi ka pa umaalis?”, pasuplado niyang turan dito ngunit muntik niya itong hampasin ng bahagyang tumawa ng nakakaloko. „Magaganda po ang mga ordinaryorng tao, ano sir?”, buska pa nito. “The hell I care! Now move, ikaw ang may kasalanan kung hindi ko maabutan ang flight ko.”, pagbabanta niya kung kayat mabilis nitong pinasibad ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD