Pagdating nila sa bahay ng binata sa Fpark ay walang nagawa si Anna ng hilahin nito ang kanyang kamay pababa sa may sasakyan ngunit halos himatayin siya ng bigla siyang buhatin ni Ezekiel na parang isang sako ng bigas. Sa kabila ng kanyang pagpalag ay tuloy tuloy itong pumasok sa pintuan ng bahay na automatic namang nagbukas at nagsara din ng kusa ng makapasok sila sa loob. Maingat siyang ibinaba sa napakalaking couch sa living room ngunit dumagan din ito sa kanya pagkatapos. “Now, tell me your problem.”, seryosong turan nito ngunit hindi maikukubli ang nagsasayaw nitong mga mata habang nakatunghay sa kanya. “Utang na loob umalis ka diyan nakakahiya sa mga kasama mo sa bahay.”, nag-aalalang saad niya dito. Baka iba ang isipin ng mga kasambahay nito kapag nakita itong nakadagan sa kanya.

