Mataas na ang haring ng magising si Anna. Parang gusto pa niyang maidlip ngunit napakaliwang ang sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Kinusot niya ng ilang beses ang mga mata bago tuluyang nagmulat, nakahawi pala ang kurtina sa may bintana kung kayat direcho ang sinag ng araw sa kanyang higaan. Umupo siya at nag-inat ngunit naexpose ang kahubdan sa pagkakalihis ng nakabalot na kumot sa katawan. Agad niyang nayakap ang sarili habang malikot ang mga matang sinuyod ang paligid at napahinga siya ng maluwang ng masigurong wala siyang kasama sa kuwarto pagkatapos ay papikit na napahilamos sa mukha. Rumehistro sa kanyang isip ang nangyari kagabi at kulang na lamang ay isumpa niya ang sarili. Ano ba ang nagawa niya? Paano siya ngayon haharap sa kanyang amo? Kung ilang beses pa niyang sinabu

