Pagbaba ni Anna mula sa 25th floor ay naroon na ang kapatid na si Lance sa b****a ng building at kausap ang nakaduty na guard sa may entrance door ngunit ng makita siya ay agad itong kumaway na parang galing siya sa ibang bansa. Paglapit niya sa kinaroroonan nito ay agad nitong kinuha ang kanyang bag at isinukbit sa sariling balikat pagkatapos ay magalang na nagpaalam sa kausap na guard. Halatang excited ang kapatid sa kanilang pagrogrocery at umakbay pa ito sa kanya habang tinutungo ang kanilang sasakyan. “Ang bait naman ng boss mo ate, maaga niyang binigay ang sahod mo?”, natutuwang turan nito. “Kinabahan nga ako kanina akala ko tatangtangalin na niya ako sa trabaho.”, natatawa niyang tugon pagkaalala sa reaction niya ng biglang ibigay ng boss niya ang kanyang paycheck. Kung ano ano na

