“Hey! Wala ka namang planong tumalon diyan?”, si Adrian sa pinsang si Ezekiel habang nakatanaw sa kawalan. Nasa pinakamataas na palapag pa man din sila ng Citel Tower na isa sa pinakamataas na building sa Singapore. Pagmamay-ari ito ng pamilyang Eduardo at ibat ibang upisina ang nandito kabilang ang isa sa pinakamalaking telcom sa bansa na pinamumunuan niya bilang isa sa apat na apo ng mga Eduardo. Natawa si Ezekiel sa kanyang tinuran at patamad na umiling bago sumulyap sa kanya. „What’s the matter? Datirati namang nag-eenjoy ka sa pagstay dito bat mukhang uwing uwi kana?”, kantiyaw pa niya sa pinsan ngunit mas lalo lamang itong napailing habang nakatawa. Totoo naman, gustong gusto kaya ng pinsan niyang maglagi dito sa Singapore, inaabot pa nga ito ng isang buwan. “Nabuburnout lang ako s

