MASAYANG nagsalu-salo sa tanghalian sina Eli kasama ang pamilya ng kanyang kaibigan. Hindi mawawala ang kwentuhan sa hapag dahil punong-puno ng kwento ang kanyang kaibigan. Nakikisabay naman ang dalaga sa pakikipagkwentuhan sa mga ito ngunit kapansin-pansin naman ang pananahimik ng binata habang kumakain. Simula nang dumating ito kanina ay tila ba nawala na sa mood ang lalaki sa hindi malamang dahilan. Maya-maya ay palihim na sisikuhin na lamang siya ni Eli kapag hindi ito sumasagot sa tanong ng mag-anak. “Nga pala, Hijo, kamusta naman ang pamamalagi mo rito?” tanong ni Mang Joaquin sa binata. Ngumiti naman ito bago sumagot. “Maayos naman po, though there are hard times in adjusting, but it was fine.” Natahimik naman ang mga magulang ni Jackie sa biglang pagsasalita nito ng English.

