Chapter 9: Jellyfish TAGHALI na nang magising si Eli. Hindi na niya namalayan ang pagtunog ng alarm clock kaya naman hindi na siya nakaabot pa sa trabaho. Kusot-kusot ang mata, inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto, at doon niya napagtanto na kwarto iyon ni Aiden. Mabilis na bumangon ang dalaga at tiningnan ang higaan. Wala na roon ang binatang may sakit maging ang mga gamit na dinala nito kagabi sa pagbabantay rito. “Magaling na kaya siya?” tanong niya sa sarili habang inaayos ang higaan. Mula sa kwarto ay nakalanghap ang dalaga ng isang napakabangong amoy. Tila masarap na pagkain na naman ang agahan ng kapit-bahay niya na sobrang galing magluto. “Sana all . . .” kasabay ng pagkakasabi niya ay ang pagkalam ng kanyang sikmura. Senyales na gutom na ang dalaga. Minadali

