NAALIMPUNGATAN si Eli sa kalagitnaan ng pagtulog nang bumuhos ang malakas na ulan. Matapos niyang maglinis, magluto at kumain ng hapunan kanina ay kaagad na rin siyang nagpahinga dahil na rin sa pagod. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya kakahintay sa binata. “Nakauwi na kaya ‘yon?” tanong niya sa sarili habang nakatingin sa maliit na bintana. Tiningnan ng dalaga ang oras sa wall clock. Alas onse na ng gabi at tila mas lumakas pa ang ulan na may kasama na rin pagkulog at pagkidlat. Bumangon si Eli upang silipin ang kwarto ni Aiden. Ngunit kumunot ang noo nito nang makitang wala roon ang binata. “Gabi na, ah. Saan naman kaya nagpunta ‘yon?” Tiningnan niyang muli ang orasan at doon ay napagtanto niyang kanina pa wala ang binata, at hindi pa rin ito nakakauwi simula nang magkit

