NANG matapos ang lunch break ay napagdesisyunan ng magkaibigan na bumalik sa trabaho. Ngunit nahinto sa paglalakad ang dalawa nang may humarang sa kanilang harapan. Si Margareth Bautista kasama ang dalawa pa nitong kasama. “Hindi mo sinabi sa akin na totoong may asawa ka na.” Kunot-noo niyang tiningnan ang babae. Nakataas ang kilay nito habang halata sa mukha ang kapal ng make-up na nakalagay roon dahil sa pamumuo. Nagtataka siya sa mga narinig mula rito. Hindi nito alam kung saan na naman nanggaling ang tsismis nito. “Ano ba’ng sinasabi mo, Margareth?” Si Margareth ang isa sa mga kasamahan nila sa factory. Malaki ang galit nito kay Eli nang sabihin niya sa nakatataas ang katamaran nito sa pagta-trabaho. May araw pa nga na mahuli niya ang kasamahan na naninigarilyo sa isang lugar di

